Chapter Three

2.3K 46 14
                                    

The Casanova and the Heartbreaker
forgottendaydreamer

••
A Bestfriend's Heartache

Nung tinawag ako nung patpating Daniel na yun, nakakunot noo akong humarap sa kanya. Pero biglang nagbago yung reaksyon ko sa nakita ko.

Tumakbo na ako at baka makita pa nila na umiiyak ako. Itetext ko nalang si Quen mamaya, total may number naman nya ako eh, basta ang importante makalayo ako dito.

Bakit?

Bakit ganito yung nararamdaman ko?

Ang sakit.

Na makita mo ang EX-BESTFRIEND mo na kasama yung lalaking naging dahilan kung bakit kayo naghiwalay.

Bwisit ka talaga Daniel! Walangya ka! Sinira mo na ang friendship namin ni Kath tapos sisirain mo pa ang buhay ko?

Dahil sa kanya, nawalan ako ng kaisa-isa kong bestfriend. She chose Daniel over me! Ngayon ko lang nalaman na ang lalaking casanova pala na yun ang dahilan ng lahat! Tapos dahil din sa kanya nagbago si Kath.

Naging masama ang bestfriend ko simula nung araw na i-break sya ni Daniel. Ang sakit lang! Kasi mas may panahon pa sya kay Daniel na alam nya na kahit anong gawin nya, hindi na sya babalikan nun pero ako? Na bestfriend nya, na handa syang patawarin at tanggapin ulit, ni hindi nya magawang lapitan?

Bahala na! Sisiguraduhin ko na unang mafa-fall sa akin yang Daniel na 'yan. Ipaparamdam ko sa kanya yung sakit na pingdaanan ng bestfriend ko at ipapakita ko kay Kath na mali ang pinili nya. Na hindi ako yung pinili nya sa aming dalawa ni Daniel.

Pinunasan ko na yung mga luha ko at baka dumating na yung iba naming classmates pati na si EX-BESTFRIEND at ang asungot na Daniel na yun!

I'll make sure na ako ang mananalo this time. Kung dati, he won my bestfriend's heart, ngayon ako naman ang mananalo sa larong sinimulan nya. Ayokong matapakan ang ego at pride ko at kahit papano, gusto kong makitang bumagsak ang lalaking nagpagulo ng buhay ko.

He will regret messing up with me!

Gusto nya ng war?

Ibibigay ko sa kanya ang hinahanap nya.

Daniel

Matapos tumakbo ni Julia papunta yata sa room namin, lumakad na kami papunta dun. Oo kami, kasama ko si Kath!

Wait, don't take me wrong ha? Parte lang sya ng plano ko! Hindi na ako napatil pa sa mga naging ex ko. Masama na kung masama, eh yun ako eh! May magagawa ba kayo?

Alam nyo ba plano ko? Gusto nyo malaman? Well alam ko namang oo kasi nga gwapo ako eh!

So ang plano ko ay, gagamitin ko si Kath para magselos si Julia. Oo, pagseselosin ko sya kasi diba nga kanina mukhang nagselos sya kay Kath? Hahaha! Ang galing mo talaga Daniel! Gwapo na, matalino pa.

Malapit na kami ngayon sa room. Nakapulupot parin si Kath sa braso ko. Bigla naman akong naguluhan sa nakita ko.

Si Julia, nakatingin sa amin at mukhang hinihintay kami? Weh di nga?

Nung malapit na kami, nakita ko si Julia nga!Hindi ako nananaginip?

Pero, mukhang umeepekto yung plano ko ah!*evil smile*

"Oh babe! What took you so long?" Sweet na sabi ni Julia habang papalapit sa akin. I mean samin!

"Uhm, sino sya babe? Bagong FLING mo na naman ba?" Nakapout na sabi ni Julia na inemphasize ang FLING habang pinupulupot nya yung mga braso nya sa leeg ko. Ano ako?Sabitan ng mga babae? Hindi porket gwapo ako, pagsasamantalahan na nila.

The Casanova and the HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon