Chapter Ten

1.5K 36 5
                                    

The Casanova and the Heartbreaker
forgottendaydreamer

••

Truth

Julia

"Eh kasi nga gusto kita!" sabi ni Daniel.

Napatigil naman ako sa sinabi nya. A-ano daw?

"A-anong sabi mo?" nauutal kong taong. Grabe, nashock ako dun! Pero bakit nga ba ako mabibigla? Eh, dapat nga diba matuwa ako kasi sya ang unang matatalo sa deal? Pero bakit nabigla pa ako? Nakaka leche naman oh!

"W-wala! A-ang sabi ko ang ganda mo. E-este, kasi diba kaibigan na kita kaya pinagtatanggol kita. Oo, tama! Yun nga! Kaya wag kang kiligin dyan!" nauutal nyang sabi. Halata namang nagsisinungaling sya eh. Tsk! Bakit ba ayaw nalang nyang aminin diba? Wala namang magbabago eh. Pero yung pride nya, matatapakan kaya siguro ayaw nya patalo.

"Asa ka namang kinikilig ako! As if naman nakakakilig yung sinasabi mo! Che!" sabi ko sa kanya sabay cross arms. Hay, mabuti pa na nagbibiruan kami kesa naman yung kanina na hindi malaman kung naglolokohan lang kami o hindi. Saka ang awkward eh. Di ko keri.

"Sus! Gwapo kasi ako kaya kinikilig ka! Tignan mo nga yung mga babae dyan sa tabi-tabi, titingin palang ako tumitili na sa sobrang kilig eh ikaw, bumabanat na nga sayo tinatago mo pa yung kilig mo!" napakahanging sabi nya at kiniliti pa ako sa tagiliran. Ang kapal mukha ah. Feel na feel nya ang pagka mahangin nya!

"FYI lang, wala akong masabi sa mga linta mong fan girls dahil kinikilig sila sa isang monggoloid na katulad mo. Ewan ko ba kung bakit ka naging casanova eh hindi ka naman gwapo. Tapos di ko din magets yung mga EX mo kung malabo lang ba talaga ang mga mata nila, mahilig lang talaga sila sa mukhang patpat na katulad mo o ginayuma mo sila?" sabi ko ng pagkahaba-haba. Sana naman, kahit sa isang sentence na sinabi ko may naintindihan sya!

"Grabe ka naman! Inaabuso mo feelings ko!" page-emote nya, partida nakapout pa!

"Wow! Nakakahiya naman no. Kelan pa naabuso feelings mo? Ikaw nga tong andami ng babaeng pinaiyak eh!" sabi ko sa kanya.

"Hay nako! Bahala ka na nga dyan! Dun ka na lang sa Enrique mo, total sya naman talaga yung gusto mo eh. Lahat naman ng akin kinukuha nya." sabi ni Daniel at naglakad na papalayo.

Sa sinabi nya, I felt guilty. Ewan ko, naguguilty ako na hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko, may problema sya kay Quen. Kailangan ko malaman yun. Hindi sa chismosa ako kundi sadyang CURIOUS lang akong tao. Saka ano bang connection nya kay Quen at parang ang bigat bigat ng loob nya dito? Para tuloy may kumikirot sa puso ko.

"Daniel! Wait lang! Usap muna tayo!" pagtawag ko sa kanya. Nakita ko naman na napahinto sya sa paglalakad. At dahil sa isa syang napakagentleman na tao, lumapit ako sa kanya kasi para lang syang estatwa dun na nakatayo at hindi manlang lumingon sakin.

"Daniel, mag-usap muna tayo." sabi ko sa kanya habang hinahabol ko ang hininga ko. Malayo na kasi yung nalakad nya kaya tumabo ako eh.

"Ano pa bang pag-uusapan natin? Dun ka na nga sa Enrique mo!" sabi nya sa akin na iritable. Wtf? Anong pinaglalaban nito?

"Ano ba kasing problema mo? Sabihin mo sa akin kung may problema ka kay Quen! Tutulungan naman kita eh!" sabi ko sa kanya. Naiirita na din ako kasi kapag pinaguusapan si Quen lagi syang galit.

"Anong problema ko dun sa Enrique na yun? Inagaw nya sa akin lahat! Ano, kuntento ka na ba?" sigaw nya sa akin dun at tuluyan ng umalis.

Naiwan ako dung makatayo at hindi alam ang gagawin. Ano ba kasi ang inagaw ni Quen sa kanya at galit na galit sya? Dapat kong malaman yun dahil CURIOUS ako at hindi chismosa. Mukhang malaki nga talaga ang galit ni Pats sa kanya.

The Casanova and the HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon