Chapter Seventeen

1K 18 4
                                    

The Casanova and the Heartbreaker
forgottendaydreamer

••
Officially On

Julia

Shit! Unbelievable! 'Di ko inexpect na magiging kami na talaga ni ano. Uhm, di ko ma-say ng diretsahan na kami na ni ano-- err, Daniel? Di talaga ako sanay na kami na although minsan ng naging kami. Argh! Ang gulo ko promise pero di talaga ako sanay na kami na. FOR REAL. Wala na talagang pekeang involve dito. Swear!

Andito ako sa may tapat ng bahay namin at nagmumuni-muni. Chos! Syempre joke lang yun! Pero talaga, hinihintay ko sya dahil date daw kami. Si Quen, sya ang nagyaya at syempre joke lang ulit yun! Stick to one lang ako no. DANIEL lang. Loyal po ako. Hindi ako kumekerengkeng no! Asa kayo.

So, ayun nga. Gusto nya mag-date daw kami, yung err-- romantic daw. Pero di bagay eh, di naman kami romantic na tao. Pero why not naman diba? There's no harm in trying. Baka makita ko na rin yung sweet side nya pag nagkataon.

Mga 10 minutes din akong naghintay sa kanya. Hindi ako galit dahil pinaghintay nya ako, sa totoo lang ako yung excited eh. Masyado akong maagang lumabas ng bahay. Inaasar pa nga ako ni Mama eh. Lumalandi na daw ako. Psh. Nahiya naman daw ako dun!

"Oh, kanina ka pa ba naghihintay?" Nag-aalalang pambungad na tanong nya sa akin. Ewan ko ba, bakit feeling ko kinikilig ako eh yun palang yung sinasabi nya. Weird. May kung ano kasi sa tyan ko na parang nakikiliti ako na ewan.

"A-ah, nako! H-hindi ah, maaga lang talaga ako lumabas." pagsagot ko sa kanya.

"Hindi ka rin naman excited no?" sabi nyang nang-aasar. Tsk, ayan na naman sya eh.

"Asa! Ako excited? Di uyy! Nakaka-asar lang kasi sa loob, pinagtutulungan ako nina Mama." pagdedepensa ko. Nasabi ko na ba sa inyo na nasabi ko na sa dalawang pinsan ko at sa mga bespren ko na kami na? Ayan nasabi ko na! Kaya ayun, todo asar sa sila sa akin.

"Nako, okay lang namang sabihin mo sa akin na excited ka sa date natin eh, promise di ako tatawa." nakaka-asar talaga 'tong isang 'to. Aba! Feel na feel naman nya ang pagka-mahangin nya.

"Naku, naku naman oh. Bawas bawasan mo nga DJ yang pagka-mahangin mo! Nakakairita kaya." sabi ko sa kanya. At ayun, surrender na sya sa akin. Pinagbuksan na nya ako ng pinto ng kotse nya. Syempre sa passenger seat no. Baka magmukhang driver sya pag sa likod ako sumakay. Chos!

Habang nasa biyahe kami, walang nag-sasalita. Hindi ko rin naman alam kung paano mag-open ng topic dahil hanggang ngayon, hindi parin ako sanay na boyfriend ko na sya. At oo, medyo naiilang din ako.

Ilang sandali pa binasag ko na ang katahimikan na namumuo sa pagitan namin dahil hindi ko na keri. Bungangera pa naman ako.

"Uh DJ, san tayo pupunta?" tanong ko. Hindi ko rin kasi alam kung saan eh.

"A-ah, secret muna no. Hindi na surprise yun pag sinabi ko." Medyo nahihiya nyang sagot. Aba! Himala, may pa surprise-surprise pa syang nalalaman!

"Ah. DJ, saang university ka pala magka-college? Halos 2 months nalang ga-graduate na tayo." curious na tanong ko sa kanya. Baka mamaya malayo pala yung university na papasukan nya diba? I hate LDR pa naman! Kadalasan daw kasi sa LDR lalo na sa mga bata pang katulad namin, hindi daw nagtatagal. Ayoko nun, aba!

"Kung saan ka papasok." nakangiting sagot nya.

"Eh, saan nga kasi Daniel?" pangungulit ko sa kanya.

The Casanova and the HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon