Chapter Twenty Two

626 24 6
                                    

The Casanova and the Heartbreaker
forgottendaydreamer

••

Ashford University

Julia

Okay, saan ba ako magsisimula? Here it is, it's been 1 freaking year since me and you-know-who broke up. In that span of time, never kaming nagkausap and everytime na magkikita kami, umiiwas na ako. In the first month, oo, aaminin ko, nasasaktan at nahihirapan ako pero the time na medyo tumagal na, nasanay na ako.

Actually, nasa Germany na ako ngayon. Nakausap ko na ang nanay ko about this. Napag-alaman ko na si Martin Schnittka ang tunay kong ama. Una, hindi ako makapaniwala dahil sobrang successful nyang tao at isa pa, kung ganoon na sya kataas sa lipunan, bakit nya pa ako iniwan?

Noong una, hindi pa ako pumupayag na maging ama sya at sumama sa kanya. Masyadong maraming tanong ang nasa utak ko noong mga panahong iyon. Dumagdag pa si you-know-who diba?

Nung first month, pumayag na akong sumama sa Germany syempre. Oo, masakit para sa akin na iwan ko ang pamilya ko doon at yung mga bestfriends ko. Sina Kath, Ericka, Mich, Lady Jane, Camille Lexy at Irish Queenie. Isa pa sa mga hindi ko malilimutan dun ay si Sam. Isa sya sa mga dumamay sa panahong sobra akong nasakatan sa break-up namin.

Mamaya, babalik na ako sa Pilipinas. Dahil sa kalagayan ng bansa ngayon, uuwi ako at sabi narin ni Daddy, dun daw ako magka-college, at syempre sa Ashford University parin ako papasok. Namimiss ko na talaga sila eh, ang masaklap lang, dun din sya papasok.

"Are your things ready, Mara?" tanong ni Daddy sa akin. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Oo nga pala, Mara Hautea Schnittka ang tunay kong pangalan.

"Are you ready to face him again this time?" Tanong muli ni Daddy. Isa pang oo, alam nya ang tungkol sa amin ni ano. Masaya nga ako ngayon dahil nagiging open ako sa daddy ko kahit pa ngayon ngayon lang kami nagkasama.

"I think so Daddy. I don't think I can hide from him for forever. I think I'm ready whenever we meet again and discuss things from the past." sagot ko. Tama nga naman, hindi ko sya kayang pagtaguan habang buhay dahil alam ko, gagawa at gagawa ng paraan ang destiny para pagtagpuin muli kami.

Hanggang ngayon, naiisip ko parin yung dahilan ng break-up namin. Alam kong mababaw ang dahilan kung bakit kami naghiwalay pero masisisi nyo ba ako na kung mas nagtagal kami at mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kanya, mas masasaktan lang ako. Isa pa, satingin ko hindi naman talaga mababaw yun eh. I have my own reason kaya hindi maiintindihan ng kahit sino yun.

Napakaselfish ko diba? Pero tama na yung nangyari sa amin ni Sam dati. Napatawad ko na sya sa pang-iiwan nya sa akin at tinanggap ko muli sya bilang kaibigan.

Huli na kaya ang lahat para magkaayos kami ni Daniel? I mean, umiiwas din naman sya nung mga panahong nagkakasalubong kami. Patigasan ba 'to? Ni isa sa amin walang balak na magsimulang kumausap sa isa man sa amin. Pero teka, bakit ko pa ba iniisip yun?

--

Lumipas ang tatlong oras at dumating na ang oras na kailangan ko nang bumalik sa Pilipinas. Actually, ako lang ang babalik ngayon kasi si Daddy, may tatapusin pa dito sa Germany bago sya sumunod sa akin sa Pilipinas.

Pagkadating namin sa airport, agad namang tinawag na ang flight namin kaya hindi narin nagtagal pa sina Daddy sa paghatid sa akin.

Umupo na ako sa seat ko pagkapasok ko sa loob ng eroplano. Hay, ano kaya ang pakiramdam na makabalik muli sa bansang pinanggalingan mo? Siguro masaya, kasi makikita ko na sila ulit tapos magagawa na namin ulit yung mga bondings namin.

The Casanova and the HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon