Chapter Twenty

743 25 2
                                    

The Casanova and the Heartbreaker
forgottendaydreamer

••

The Painful Truth

Julia

[We are never ever ever, getting back together. We, are never ever ever~]

Shet! Ang ingay naman nitong alarm clock na 'to. Anong oras na ba?

Ano ba yan, 8 palang ng umaga! Inaantok pa ko eh. Hindi na naman ako makakabalik ng tulog nito kasi pagnagising ako, nawawala na yung antok ko. Letchugas naman kasing Daniel na yun eh, isip ako ng isip sa kanya. Halos apat na oras palanv tulog ko.

Pumunta muna ako sa banyo ko at naghilamos pati nagbrush ng ngipin. Hay, nakakastress. Makababa na nga at siguro naman may breakfast na dun no?

Nandito na ako sa hagdan at malapit na sa dining room ng may marinig akong nagtatalo. T-teka, si Mama to ah at s-si Lo-lola. Sandali, umalis na kaya si Daniel?

"Gusto ko sabihin mo na dyan sa anak mo ang totoo!" sabi ni Lola ng pagalit. H-ha? A-anong totoo? Kinakabahan ako ng wala sa oras eh.

"Ma, ayoko. Anak ko si Julia, ayokong malaman nya yung totoo, baka magalit sya sa akin." nagmamaka-awa si Mama? Gusto ko sanang i-interrupt yung usapan nila kasi ngayon ko lang narinig na nagmakaawa si Mama, at mukhang seryoso ang usapan nila pero may part sa akin na gustong marinig lahat ng sasabihin nila. Alam ko sa sarili ko na importanteng malaman ko ang pinag-uusapan nila.

"Hindi mo anak yang Julia na yan. Ampon lang sya at hindi ako papayag na sya ang magmana lahat ng ari-arian natin kaya ngayon palang sabihin mo na!" galit na sabi ni Lola at automatic namang bumagsak ang mga luha ko. H-hindi ako t-tunay na anak ni Mama? B-bakit? Bakit hindi nya sa akin sinabi. Pinunasan ko ang mga luha ko at naglakas loob na harapin silang dalawa.

"Hindi na po kailangan sabihin sa akin ni Mama. Narinig ko na naman po lahat eh." firm kong sabi sa kanila at direderetsong lumabas ng bahay namin. Mabuti nalang pala at nakapag-bihis na ako at hindi ako nakapantulog pa.

Dirediretso lang ako sa bahay nina Kath. Yung dalawa ko kasing pinsan pumunta dun sa kamag-anak ng Dad nila at yung tatlo ko namang iba pang bestfriends nagbakasyon daw. Si Kath nalang ang hindi pa.

"Kath!" tawag ko sa kanya sabay yakap. Pagkabukas na pagkabukas nya ng gate nila, yan agad ang pambungad ko sa kanya. Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap nga ako.

"Shh. Tahan na. Ano ba nangyari?" sabi nya habang sinusubukang patahanin ako.

"Narinig kong nag-uusap si mama at lola. Hindi daw ako tunay na anak ni Mama." sabi ko in between sobs. Lalo akong napahagulgol ng iyak ng maalala ko ulit yung kanina. Hindi ko na kaya.

"Shh. Julia, tahan na. Wag ka mag-alala, kakausapin natin si tita para i-explain sayo ang lahat. Okay lang yan, nandito lang ako." sabi nya at pumasok kami sa loob ng bahay nila.

"Sigurado ka ba na hindi ka talaga anak ni Tita?" tanong ni Kath at binigyan ako ng tubig.

"O-oo, pinipilit pa nga ni Lola si Mama na sabihin sa akin yung totoo pero ayaw ni Mama." sabi ko. Eto na naman eh, nanggigilid na naman yung luha ko.

"Alam mo Best, mahal ka talaga ni Tita. Kaya naman siguro ayaw nyang ipasabi sayo dahil ayaw ka nyang masaktan at ayaw ka nyang mahiwalay sa kanya." sabi ni Kath at hinaplos ang likod ko.

The Casanova and the HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon