Chapter Twelve

1.4K 40 9
                                    

The Casanova and the Heartbreaker
forgottendaydreamer

••

Jealous

Julia

One and a half month na pala. One and a half month na pala kami ni Daniel. Ang bilis, parang kahapon lang nangyari na nabangga nya ako tapos nagkaroon na kami ng isang deal dahil sa mga letseng ego at pride namin.

Speaking of Daniel, hindi ko na nga pala sya nakikita masyado ngayon. Since last week na nag-emote sya at sinabing doon na lang ako kay Quen. Hindi ko maintindihan, iniiwasan ba nya ako? Kung oo, bakit naman kaya? Wala naman akong naaalalang atraso sa kanya eh.

At dahil sa mga pinag-iisip ko, bumalik na naman yung konsensya ko na hindi maintindihan. Parang pinupukpok na ewan yung puso ko kapag naaalala o kaya nakikita ko si Daniel. Kahit nga kapag kasama ko si Quen eh, nararamdaman ko parin yung konsensya dahil feeling ko nga pinagtataksilan ko sya. Actually silang dalawa.

Nandito ako ngayon sa cafeteria at naglulunch. Hindi pumasok ng morning class si Pats, anyare ba dun? Nakakadisappoint na nakakakaba naman si Daniel at parang bula na nawawala.

Parang tanga naman akong nakaupo habang pinaglalaruan yung pagkain ko habang iniisip kung bakit nagkakaganoon si Pats.

Nagulat naman ako bigla ng may umupo sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko.

Nakita ko naman sa harap ko si Quen. Pero bakit ganon? Hindi na parehas yung nararamdaman ko ngayon kesa dati. Kung dati gusto ko nang magtatatalon sa kilig kapag nandyan sya pero bakit ngayon parang hindi na to the highest level yung kilig factor? Gusto kong mangisay sa kilig peri di ko magawa. Pre-occupied lang ba ako o baliw na talaga ako? Idunno.

"Ah. Quen ikaw pala." Mahina at halos walang gana kong simabi na para bang normal na tao lang para sa akin si Enrique. Kapag kasi sya yung kausap ko lumalabas ang pagka "shy type" ko pero ngayon parang wala lang. It's like nakita ko ang isa kong friend at babatiin ko lang sya, ganun yun kumbaga.

"Ah oo. Nakita kasi kita na mag-isa kaya naisipan ko na puntahan ka. Nakita ko rin kasi na parang ang lalim na naman ng iniisip mo kaya hindi mo pa nagagalaw yung kinakain mo." Medyo nag-aalala nyang sabi. Hay, ang bait bait talaga netong lalaking to kahit kailan.

"Nako, okay lang ako. Ano ka ba naman, hindi mo naman kelangan pang abalahin yung sarili mo para sa akin no." Sabi ko at hinampas ng mahina yung braso nya.

"Syempre naman normal lang sa akin yun kasi girlfriend na kita." Sabi nya at hininaan ng kaunti yung pagkasabi ng "girlfriend". Ay! Oo nga pala, boyfriend ko na sya! Tsk, nawala kasi sa isip ko kakaisip ng kung anu-ano. Saka hindi padin ako gaanong sanay.

"Ay! Oo nga pala. Sorry Quen, hindi pa kasi ako sanay eh." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

"Okay lang yun. Bago palang naman kasi tayo eh." Sabi ni Quen at hinawakan ulit yung kamay ko.

Umorder na din ng makakain si Quen. Ilang sandali pa at sinabayan nya na akong kumain. Bakit ganon? Hindi ako masaya na nandito sya? Naiilang din ako sa mga ipinapakita nya sa akin. Dahil parin ba to sa konsensya?

Ilang sandali pa at natapos na din kaming kumain. Inilahad naman nya ang kamay nya para tumayo ako. Ihahatid daw nya ako sa classroom namin eh. Hay, bakit ba bigla nalang nawala yung kilig factor na nararamdaman ko everytime na nandyan si Quen. Ibang iba na eh, hindi ako sanay.

Nakarating kami sa room ng walang kakaibang naganap. Ayun, hinalikan nya ulit yung forehead ko at nagpaalam na.

Daniel

The Casanova and the HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon