Chapter Twenty Seven

138 7 0
                                    

The Casanova and the Heartbreaker
forgottendaydreamer

••

Meet Her Dad

Mara

Napalunok ako habang dahan dahang binubuksan ang pintuan ng condo ko. Hala, yari ako nito kay Dad pag nalaman nyang kasama ko 'tong ugok na 'to sa iisang bubong!

"Goodmorning Dad! Hehe." Alanganin akong ngumiti na sa palagay ko ay nahalata ni Dad. Oh my goodness wag naman po sana syang maging dragon!

"Goodmorning Mara. So what's with the smile?" Tanong ni Dad. Kinabahan naman ako lalo. Nako pag pumasok pa sya makikita nya na si Daniel, at hindi ko naman sya pwedeng itago.

"U-uh, nothing Dad. Come in." Sabi ko nalang at umalis na sa harapan ng pinto para bigyan si Dad ng espasyo papasok sa loob.

Totoo ngang nagulat si Dad ng makita si Daniel na seryosong nakaupo sa sofa ko. Hindi pinatagal ni Dad ang gulat sa mukha nya at ibinalik muli ang seryoso at medyo nakakatakot nyang aura. Muli, kinabahan na naman sa pwedeng ireact ni Dad.

"Goodmorning po Sir. Daniel Padilla po." Magalang na bati ni DJ at tumayo para makipagkamay kay Dad. Tinignan muna ni Dad ng ilang sandali ang kamay ni Daniel na nakalahad at inabot din ito.

"Goodmorning. So, ikaw pala si Daniel." Umupo rin si Dad sa kabilang sofa na kaharap ni Daniel. Ako naman ay umupo rin katabi ni Dad. Ilang segundo g katahimikan muna ang bumalot sa amin bago sumagot si Daniel.

"A-ah, o-opo." Alanganing ngumiti si Daniel. Halatang kinakabahan sa presensya ni Dad.

"So what brings you here, early in this morning?" Mas lalo namang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

"Sa totoo lang po, dito ako nakatulog sir." Medyo mahina at nakayukong sabi ni Daniel. Jusko, hot seat 'to kay Dad.

"So I believe that nothing happened?" Yung mga mata naman ni Dad ngayon parang ginigisa ng buhay si DJ. Halata rin ang gulat sa mata nya ngunit hindi nya ito pinahalata. Kanina pa ako nagpipigil ng hininga dito ha, seryoso! Nakakatakot kasi si Dad eh.

"Nothing sir. W-we just watched movies and ate s-snacks. I respect you daughter sir, I really do." Kinakabahan ngunit firm ang pagkakasabi ni Daniel. Medyo natouch at kinikig naman ako sa sinabi nya. Feeling ko nga nagiinit ang pisngi ko kaya napayuko ako.

"I don't know you personally Mr. Padilla, but I heard so many stories about you."  Panimula ni Dad, napansin kong napalunok si Daniel. Maging ako ay napalunok rin dahil sa kaba, oo, alam kasi ni Dad na casanova 'tong mokong na 'to.

"I also heard what happened between you and Mara way back your high school days." Mas lalo akong kinabahan kaya naman napalunok ako lalo, ganun din si Daniel. Mas lalo rin akong hindi makahinga dahil ang intense ng scenario ngayon.

"Yes, I heard negative things about you Mr. Padilla. And from all those negative things that described you, I will probably make you stay away from my daughter." Sabi ni Dad na nakapagpalaglag ng panga ko. Seriously, he's going to take me away from Daniel?! No, no way!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Casanova and the HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon