Chapter Nine (Part Two)

1.5K 39 12
                                    

The Casanova and the Heartbreaker
forgottendaydreamer

••

Confrontation

Kathryn

"ANO BA?!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Bakit ba puro nalang Julia, Julia, Julia? Hindi ba pwedeng Kathryn naman? Sawang-sawa na ako eh!

"PWEDE BA! TIGILAN NYO NA AKO? PURO NALANG KAYO JULIA EH! PANO NAMAN AKO, HA? ANO AKO, PARANG HANGIN LANG NA DI NYO NAPAPANSIN? SAWANG-SAWA NA AKO!" sigaw ko sa kanilang dalawa. Ayan na, bumuhos na yung mga luha ko sa sobrang pagkadala sa mga nangyayari ngayon.

Eh, bakit ba kasi lahat ng taong mahal ko, lahat ng taong importante sa akin puro nalang si Julia ang gusto. Si Julia nalang ang laging hinahanap, pinapakielaman, inaalala at minamahal.

Sa past life ko ba, may ginawa akong napakalaking kasalanan para parusahan ako ng ganito?

Ganun na ba ako kasama para ayawan ng mga taong mahahalaga sa akin?

"Hindi nyo ba naiintindihan yung nararamdaman ko? Buong buhay ko puro nalang si Julia ang bida! Lahat lahat ng taong importante sa akin, inagaw na nya! Tapos pati kayo? Wala pa nga akong ginagawa sa kanya, tapos magagalit na kayo sa akin?! At ikaw Daniel, kailan ka pa nagkaroon ng pakielam sa GIRLFRIEND mo? Nung naging tayo ba, kahit minsan ginawa mo sa akin yan? Diba hindi?Ano ba talaga si Julia sayo? Casanova ka! You don't freakin' care sa feelings ng kahit na sinong babae. Don't tell me naiinlove ka na sa kanya?" sabi ko sa kanilang dalawa pero more on Daniel. Kumunot lalo ang noo nya sa sinabi ko.

"Kasi iba sya! Hindi sya katulad mo, hindi sya katulad ng ibang babae! Ikaw kasi, puro sarili mo lang ang iniisip mo! And, tinatanong mo kung ano si Julia sa akin? Girlfriend ko sya, kaibigan at mahalaga sya sa akin. " sagot ni Daniel sa akin. Bakit nga ba masyadong protective si Daniel kay Julia?

"Wala kang alam! Wag mo sabihin sa akin na puro sarili ko lang ang iniisip ko! Sadyang mang-aagaw lang talaga yang babaeng yan!" sabi ko. Naiyak parin ako, hindi ko alam pero hindi ko mapigilan na ilabas lahat ng nararamdaman ko ngayon. Masyado na siguro akoong napuno kaya ganun. Ang sakit sakit na talaga eh.

"Ikaw ang walang alam. Bakit? All this time ba, alam mo na lahat isinakripisyo ni Julia para sayo? Na kaya palagi syang 2nd place eh dahil sayo? Alam mo ba na ang swerte swerte mo kay Julia na naging bestfriend mo sya? Kasi atleast sayo may nagmamahal na totoo. Lahat ginagawa makita ka lang nya na masaya. Pero lahat yun tinapon mo! Nabulag ka sa kasinungalingan at dyan sa insecurities mo. Kung tutuusin, ikaw ang dapat sisihin eh. Kasi ikaw lang naman ang tumitingin na inaagaw ni Julia ang lahat sayo, pero sa totoo lang, yung ugali mo ang nakakapagpababa sayo hindi si Julia. Pero sinayang mo yung pagkakataon na binigay sayo para magkaayos kayo kasi kahit si Julia mismo, suko na sayo." mahabang paliwanag ni Daniel at umalis na.

Naiwan ako dun na nakatayo. Si Quen, hindi ko alam kung nandyan pa sya kasi hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa akin.

Natauhan ba ako sa mga sinabi ni Daniel?

Totoo ba na nabulag lang ako sa kasinungalingan?

Ako nga ba talaga ang may mali?

Ugh! Hindi ko alam! Bakit ba kasi humantong pa ang lahat sa ganito?

Kailangan ko muna mag-isip ngayon.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko!

The Casanova and the HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon