KABANATA 15

33 1 1
                                    

Nang huminto ang sasakyan ni Raven sa tapat ng bahay. Sinipat kong maigi ang paligid kung naroon ba ang kotse ni Kratos pero wala kaya sigurado akong nandoon yun sa mansyon. Agad na nagpaalam si Nanay kay Raven at nagpasalamat tsaka sya lumabas ng sasakyan.

"Nay" Tawag ko sa kanya bago pa man siya tuluyang makalabas. Nagtataka naman siyang napatingin sa akin.

"Si Kratos po kasi susunduin tayo. Nakalimutan ko. Baka nag hihintay po yun sa mansyon. Babalik po ako dun."Napatingin naman ako kay Raven na tila nagtataka. 

"Oh siya sige anak. Mauna na ko at talagang napagod ako. "Nagderetso na si Nanay sa bahay. Habang pinaandar uli ni Raven ang kotse.

"Sino si Kratos?" Saglit na sumulyap sa akin si Raven habang nagmamaneho. 

"Kaibigan ko."Errr. di ko naman talaga kaibigan yun demons na yun. Pero di ko mahanap ang tamang salita para sa kanya.

"Ah. You must be so special for him to wait for hours."I saw a hint of smirk on his face. Anong meron? Binalewala ko na lang yun. Dahil sa totoo lang, wala akong ibang nasa isip kung di si Kratos. Halos ilang oras na siyang naghihintay dun.

"Is he courting you?"Dagdag tanong pa niya. Oo sabi niya nililigawan niya ako pero di ko maisawika yun dahil ayokong isipin niya na may namumuo nang something sa amin.

"ah. hindi kaibigan ko lang siya. Naligaw lang yun dito."Di ko alam pero kinakabahan ako. Ano kayang magiging reaksyon ni Kratos pag narinig niya ang mga pinagsasabi ko. 

"Mabuti naman. Cause I still like you Aquina. Just like before."Halos naubos na ang hininga ko dahil sa pag pigil nito. Nabigla ako sa biglaan niyang pagtatapat. Mabuti na lang at sakto lumiko na kami sa village na malapit sa mansyon.

Tanaw ko na agad mula sa saskyan si Kratos na naninigarilyo. Sarado na ang mansyon. May kadiliman na din. Napatingin ako sa orasan ko at laking gulat ko ng makita kong pasado alas-dos na ng madaling araw. Hinatid niya kami dun ng alasiyete ng gabi at ang alam ko ay hindi sya umalis.

Kumabog naman ng malakas ang dibdib ko ng huminto kami sa tapat ng sasakyan niya. Napatingin siya sa sasakyan ni Raven at naghihintay siguro kung sino ang lalabas. Hindi niya kasi makita kung sino ang nasa loob nito dahil tinted ang salamin.

Dahan dahan akong bumaba at halos pigil hininga ako sa pagharap sa kanya. Agad naman niyang tinapon ang sigarilyong hinihithit sa kung saan tsaka ako hinila. Nanlilisik ang kanyang mata.Mahigpit din ang hawak niya sa braso ko. Sumunod din naman sa akin si Raven at magkaharap sila ngayon ni Kratos habang ako ay nasa gilid lamang ni kratos.

"Pre nasasaktan si Aquina sa pagkakahawak mo."Puna agad ni Raven. Di naman yun pinansin ni Kratos at hinila ako papasok sa sasakyan niya. Ang buong akala ko ay iikot lang siya at tsaka sasakay sa driver seat. Pero nagkamali ako bigla nalang niyang sinapak si Raven sa mukha. Gumanti din naman agad si Raven at tsaka sila nagpanumbuan. Halos matulala ako sa loob at lamonin ng takot at kaba. Nakahuma lamang ako ng makita kong may hawak ng baril si Kratos na nakatutok kay Raven. Napatakbo ako palabas ng sasakyan. Tsaka nag-punta ky Raven na nakahiga na sa wood ng kotse niya habang nakatutok ang baril ni Kratos sa kanya.

"Waaaaaaaaggg!"Buong lakas na sigaw ko. Habang umiiyak na din. Niyakap ko si Raven dala na rin ng takot baka matuluyan siya ni Kratos. 


"Utang na loob Kratos bbitawan mo yan baril mo!" Tsaka ako dahan dahang lumapit sa kanya upang kunin ang baril.

"Tangna mo Roussos gang ngayon mang-aagaw ka pa rin!"Nabigla na lang ako ng pati si Raven ay may hawak na din baril na nakatutok kay Kratos. 

"Putang ina mo din Agusto. Wala akong inaagaw sayo!" Tsaka ako hinila ni Kratos at inilagay sa likod niya.Halos di ako makahuma sa takot. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nkasaksi ng ganito.

"Ano tapusin na natin dito ngayon Roussos!"Matapang na sigaw ni Raven. Tsaka nagkasa muli ng baril. Doon na ako natauhan.

Tinulak ko si kratos ng pagkalakaslakas na naging dahilan bakit niya nabitawan yun baril na hawak niya. "Tama na Kratos Utang na loob." Halos muka naman siyang nabigla ng itinulak ko siya. Nagulat na lamang ako ng binaril na sya ni Raven. Nakita ko na tumatagas na ang dugo sa tagiliran niya. 

Hinila akong muli ni Raven papasoksa loob ng sasakyan niya. Tsaka mabilis na sumakay at pinasibad agad nito ang sasakyan niya. Nakatitig lamang ako kay Kratos na nakahiga sa sahig na nakahawak sa tagiliran niya. Hindi ko mapigilan ang pagluha ko. Hinahampas ko si Rven sa braso habang nagsisigaw.

"Ibaba mo ako raven!  Ibaba mo ako!"Tuluyan na kong humagulgol. Ang sakit sakit namakita sa ganoong sitwasyon si Kratos.

"Masama siyang tao Aquina. Tama lang ang ginawa ko sa kanya." Sumigaw na din siya pero di pa din niya hinihinto ang sasakyan. Kailangan kong makalabas dito at kailangan kong balikan si Kratos doon paulit-ulit na sigaw ng utak ko. 

"Wala akong pakealam ibaba mo ako ngayon din!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Napapreno naman siya ng malakas dahil sa pag-agaw ko sa manibela na naging dahilan kung bakit kami tumama sa puno. Kinuha ko ang pagkakataon na yun para makababa at patakbong bumalik kung saan naiwan si Kratos.

Ngunit pagbalik ko doon wala na si Kratos at ang sasakyan niya. Tanging bakas na lamang ngdugo niya ang naroon. 

Lalo akong nanghina at halos mamatay ako sa sakit na nararamdaman ko. Si Kratos. Nasaan na siya?

Possessed by Kratos RoussosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon