KABANATA 13

164 6 1
                                    

"As I was saying, Narito po ako upang umakyat ng ligaw sa anak ninyo." Nanalaki ang mata ko sa mga pinag-sasabi ni Kratos. Tsk. High ba to?

"Hindi ka namin kilala, paano ko mapapatunayan na malinis ang intensyon mo sa anak ko." mas lalong naging seryoso ang mukha ni Itay.

"Subukan niyo po ako, para mapatunayan ninyo."Matapang na paghahamon ni Kratos.Tsk, ano bang pinagsasabi nito.

"Junior, Manguha ka ng kahoy sa may manggahan isama mo si Kratos."Simpleng sabi ni ITay tsaka siya tumayo at nagtungo sa kwarto nila ni Inay. Agad din namang sumunod si Inay sa kanya.

Pagka-alis na pagka-alis ni Inay at Itay agad kong binatukan si Kratos.

"What the! Bakit ka ba nanapok?"Singhal niya sa akin habang hinhimas niya yun ulo niya na binatokan ko.

"Para maalog yang utak mo! Kung anu-ano kasi pinagsasabi mo e!"Nagcross arm ako, at tsaka ko siya inirapan.

"Kung di lang kita _ _ _ _." Hindi ko narinig ng maayos ang sinabi nya bigla niya kasing hininaan yun boses niya. "Junior, right? Lets go. Sabi ni Itay mangunguha tayo ng kahoy. Lead the way."Wow ha? Feeling close sa kapatid ko. Psh...

"Alright! Let's go Older brother hahaha. Ayos ba iyong ingles ko?"

"Yeah hahaha."

***

"Inang! Inang! Yuhoo!"habang nagluluto ako ng ginataang mais. Dinig na dinig ko ang pagtawag ni Luz sa labas. Ano kayang kailangan nun? Magkasama lang kami kanina eh.

"O Luziang, magkasama lang tayo kanina ah, Bakit?"Nilabas ko na siya mamaya magalit pa iyong aso namin sa kakasigaw niya lapain pa.

"Oy Inang mayroon daw gwapong nilalang dito sabi ni Manang pacing!"Sabi na nga ba e. Haay mga kapitbahay ko talaga mga dakilang chismosa.

"Hindi yun gwapo, impakto yun."Tsaka ko siya tinaasan ng kilay.

"Ows? hahaha. Dito lang ako Inang ha? Gusto kong makita yun gwapong impakto."Tsaka siya tuawa na parang baliw. Naiiling na lang ako sa ikinikilos niya.

"Tss."Yun na lang ang nasabi ko tsaka ako pumasok sa loob. Binalikan ko ang niluluto ko. Sumunod din naman siya sa akin. 

"Hmm bango. Ganda talaga ng timming ko. Libre meryenda pa."Sabi niya tsaka mas lalong lumapit at sa akin parang timang na sinisinghot yun usok sa niluluto ko.

"Ate, Nandito na kami."Sigaw ni Junior at tsaka sila nagtuloy sa kusina. 

"Ulalalam!' Biglang sambit ni Luz at tsaka tinitigan ng malagkit si Kratos. The F anong nangyari sa babaeng ito. Siniko ko nga siya. Pero waepek pa din. 

"Maupo na kayo para makapag-meryenda."Sumunod din naman agad sina Junior at Kratos at ang babaita. Nakatitig pa rin sa kaninang kinatatayuan ni Kratos. Tss  may samaligno yata talaga tong si Kratos e. 

"Oy Luziang baka gusto mo ng umupo. Wala ka ng tinitigan diyan oh." Tsaka ko mahinang hinila iyong buhok niya. 

"Aray!"daing niya.

Inihain ko na ang ginataang mais. "Junior maghanda ka ng mangkok art kutsara."Utos ko sa kapatid ko. Tinulungan din naman siya ni Kratos. Tss. Pakitang tao. Agad din namang umupo sa tabi ko si Luz at kaharap ko naman si Kratos.

"What's this?" Takang tanong ni Kratos sa nakahain sa harap niya.

"Ginataang mais. Pag ayawa mo niyan pwede ka ng tumayo at umuwi."Sarkastik kong sagot sa kanya.

Possessed by Kratos RoussosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon