“Agghhhh.”Awww. Shit! Ang sakit ng ulo ko.
“Mabuti naman at gising ka na.”Ani ng isang baritonong boses. Agad akong napabalikwas at bumungad sa akin ang isang gwapong demonyo.
“Anong nangyari? Ugghhh.”Daing ko habang minamasahe ko ang ulo ko.
“You got drunk last night.”Oo nga pala naalala ko na. Shet! Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari pagkatapos uminom sana hindi na lang ako uminom.
“Here. Drink this.”Inaabot niiya sa akin ang isang baso na may kulay pula na shake.
“Ayoko nga mamaya may lason pa iyan o kaya naman pampatulog tapos ano pang gawin mo sa akin pag nakatulog na ko.”Pagtataray ko sa kanya. Aba mahirap na.
“Are you nuts?”Tsaka niya ako mahinang idinuro sa index finger niya sa aking noo. “Why am i going to do that? Tsaka kung gusto kong gagawin sayo kung ano mang iniisip mo sana hindi na kita hinitay pang magising.”Seryosong sabi niya. Ako naman titig na titig dun sa basong ibinigay niya.
“That’s Tomato Juice. Drink that to ease your hang over.”Huling salita niya bago siya lumabas ng silid.
Inamoy ko muna yun juice mukhang okay naman. Nang tinikman ko iyon. Halos masuka ako lasa. Pinisil ko ang ilong ko habang umiinom para hindi ko masyadong maamoy at tsaka ko iyon ininom ng diretso. Nagpahinga ako saglit at ng pakiramdam ko ay ayos na ako. Bumangon na ako sa pagkahiga. Napansin ko ang paper bag sa couch na may nakasulat na Aquina. Binuksan ko iyon. Isang blue shirt at maong nashort ang laman nun at may underwear pa. Kay demons na naman kaya ito galing? Nagkibit balikat na lang ako tsaka ko nagtungo sa banyo para maligo.
“Nasaan sila?”Tanong ko kay demons na nagluluto ng kung ano sa kusina. Ang tahimik kasi ng buong bahay.
“They all went home.”
“What?! Bakit?”Gulat na tanong ko sa kanya. Umuwi na sila kung ganoon kaming dalawa na lang ang nandito.
“Monday na ngayon. Ofcourse they have their class.”Anak ng tipaklong! Ngayon ko lang naisip na lunes na ngayon. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa loob ng kusina. 4:30?! Wala na akong aaboutan nito. May duty pa ako sa library. Sa kopimos.
“Bakit hindi nyo ako ginising?!”Nakakainis! Arrrggghh!
“They did.”Balewalang sagot niya habang isinasalin niya sa lagayan ang kung ano man iyong niluto niya.
“Nakakainis! Paano na ang klase k at ang duty ko.”Di ko tuloy maiwasang mapanguso sa sobrang pag-iisip ko.
“Will be leaving tonight. I need to fix something first.”Sabi niya tsaka binibit yun mangkok sa kitchen counter. Naglagay din siya ng plato at kubiyertos.
Di ko pa rin siya pinipansin. Nag-iisip ako ng pwede kong idahilan sa library at kay sir Ram. Baka matagal ako sa trabaho nito and worst matanggal ang scholarship ko dahil sa pag di-ditched ko sa duty ko sa library.
“Hey! Wag ka masyadong mag-isip. I’ll help you with the librarian. I’ll talk to her alright?”Hinawakan niya ako palapulsohan at ipinaupo sa high chair sa harap ng kitchen counter.
“Dito na lang tayo kumain. I don’t feel eating in the dining table today.”Nagsimula na siyang maglagay ng sabaw sa maliit na mangkok ako naman ay nakatingin lang sa kanya.
“Uhhh. Sinigang. I hope you’re eating that.”Tsaka niya inilapit sa akin ang mangkok.
“Oo naman. Salamat.”Tsaka ko sinimulan higupin iyon.