IKA-LIMANG KABANATA
Gago talaga yun lalakeng yun! Peste siya! Naku! Gusto ko siya chop-chopin at ipakain sa mga buwaya. Nakaka-asar, kapal ng mukha niyang halikan ako. Samantalang yun first love ko nga naging ka M.U ko hindi man lang nakahalik sa pisngi! Pinagbubnot ko ngayon ang mga damo dito sa mini park ng sherton at ang mukha ng walanghiyang KRATOS na yun ang iniisip ko habang ginagawa ko yun.
“Aquina Girl!”Agad ko naming binitawan ang damo na sana’y huhugutin ko pa.
“Celestine”Tsaka ko siya nginitian.
“Break mo rin?”tanong niya. Tsaka siya naupo sa tabi ko.
“Oo, last subject na ang next.”
“Bakit nga pala para kang papatay ng damo diyan sa ginagawa mo kanina.”Naalala ko na naman ang ginawa ng walanghiyang yun.
“Ah. Yun ba? Iniisip ko lang na si Kratos yun damo at gusto ko siyang kitilan ng buhay” Tumingin ako sa malawak na garden at sa mga nagkukumpolang estudyante doon.
“OMG girl! Anong nangyari? I told you not to mess up with him.”Nag-aalala ang boses niya at ang mga mata niya tila gusto akong kaawaan.
“Ang walanghiya, hinalikan ako tsaka niya sinabing may seal na daw ako at wag daw akong mag entertain ng ibang lalake. In the first place wala naman akong pakialam sa kanya at wala akong planong makisawsaw sa buhay niya. Kaya hindi ko alam kung ano bang trip nung lalakeng yun.”Nagngingitngit kong sabi sa kanya. Nang magawi ang tingin ko sa suot kong watch, napagtanto kong 12:55 na. Tumayo ako tsaka ko pinagpag ang jeans na suot ko.
“Oh paano Celestine, punta na ko sa last subject ko.”Napansin ko naman tulala pa rin siya ngayon at nakatitig pa rin sa kaninang kinauupuan ko. ‘Anong nangyari, Namaligno ba ito.’ Iiling-iling kong tanong sa sarili ko. I snap a finger on her at mukhang doon lang siya mukang natauhan.
“Anyare sayo? Oh paano alis na ko ha? Kita na lang tayo sa dorm.”Paalam ko sa kanya tsaka siya tumango na parang wala sa sarili.
Malapit na ako sa building ng may napansin akong dalawang estudyante na naghahalikan. Tsk ganito ba talaga dito. Nang mapalingon muli ako, ganon na lang ang panlalaki ng mata ko. Ang walanghiyang Kratos! Matapos akong iclaimed ngayon ay may kahalikan. G@go talaga! Sinayang lang niya ang first kiss ko.
“Hi Aquina! Where have you been?”Tanong sa akin ni Aegeus. Kanina pa kami magkasama sa mga klase naming malamang kablock ko to.
“Dyan lang! Nagpalamig ng ulo.”Tsaka ako dumiretso sa may bandang gitnang row na malapit sa bintana. Eto talaga ang pinakagusto ko sa lahat eh ang nakadungaw sa bintana. Umupo din naman agad sa katabi kong silya si Aegeus.
“Anong ginawa sayo ni Kuya kanina?”Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Kaya tumingin ako sa kanya ng nakakunot noo.
“Si Kuya Kratos, hinila ka niya kanina.”Umakyat naman ang lahat ng dugo ko sa ulo. Hinampas ko ang arm chair ko tsaka sya tinitigan ng masama. Kapatid niya pala iyon!
“Pwede bang wag mo mabanggit-banggit sa akin ang pangalan nya yun!”Tsaka ako nag iwas tingin. Magsasalita pa sana siya kaya lang dumating na ang professor.
Nang matapos ang klase ay nagmdali akong lumabas ng classroom. Naririnig kong tinatawag ako ni Aegeus pero hindi ko na siya nilingon pa. Pababa na ko ng hagdan na may humigit sa braso ko mula sa likod.
“I told you not to fucking entertain any guy!”Nababalot ng galit ang mga kulay berde niyang mata. Hinaklit ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.