KABANATA 19

42 2 0
                                    

Matapos ang mga nangyari nitong nagdaang araw, napakagaan ng pakiramdam ko ngayon.

Payapa at nakangiti habang magkahawak kamay kaming naglalakad ng ng aking mahal. Oo lately ko lang narealize yun na minamahal ko na pala si Kratos Benjamin Roussos. Di ko nga alam kung kelan nagsimula o kung paano. Basta bigla ko na lang naramdaman.

"Baby Up to what time is your class today?" Tanong niya ng tumapat kami sa classroom ko. Habang inipit niya sa likod ng tainga ko ang takas na buhok.

"1pm."

"Sunduin kita dito okay?" Sagot niya. Medyo kinillig ako sa simpleng salita niya nay un. Ewan ko ba lakas e.

"Wag na. May klase ka pa. Tsaka after naman ng klase diretso library na ko. Duty, you know?" Though I love the idea of being fetch by him, mas pinili ko na lang na tumanggi dahil sa may klase pa sya nun.

"Alright. Go in now." Then he kissed me on my forehead.

"Oh to the Em to the Gi. Ano yun nakita ko ha?" Todo ngiti si Finella ngayon habang sinusundot yun bewang ko.

"Ha. Alin?" Maang tnong ko. Tsaka ako umupo sa designated seat ko.

"You and Kratos." Ngumiti lang ako sa kanya at tsaka nagkibit balikat.

"My gosh Aquina, Kayo na ba?!" Napakalakas na sigaw nito na tila gulat at tuwang tuwa.

"Ano? Sinong Boyfriend mo Aquina?" Tanong agad ni Adi pagkalapit nya sa pwesto namin.

"Ssshh."Sinenyasan ko sya na wag maingay. "Oo kami na." Mahinang bulong ko sa kanila. Ang laki naman ng ngiti ni finella pero si Adi mukang may pag-aalangan.

"Bakit?"seryosong tanong nito na syang dahilan bakit nawala ang ngiti ko. Isang malakas na buntong hininga ang inilabas ko bago sumagot sa kanya.

"Hindi ko alam e. Pero alam mo yun pakiramdam na sobrang saya mo pag kasama mo siya. Na kahit maraming problema ang hinaharap ay makakaya mo basta nandyan siya. Di ko maipaliwanag kung kailan at paano nagsimula basta isa lang alam ko. Mahal na mahal ko si Kratos.

"Gotcha!"Malakas na sigaw ni Adi tsaka humagalpak ng tawa.

"Heard that Kratos. You owe me something!" Sabi nito habang nasa tenga ang cellphone.

"Adi!"Hiyaw ko ng marealized ko na nasa kabilang linya si Kratos at narinig nya lahat ng sinabi ko.

"Oh. Oh. Peace" sabi nito habang naka peace sign.

"Bakit ginawa mo yun?"Di ko maintindihan yun tono ng boses ko parang naiinis na kinikilig. Takte.

"Hmmmm. Nothing, may favor lang akong hinihingi kay kratos at dahil sa narinig nya malamang pagbigyan ako nun.

"Bye ella! Bye aqui!"Sabi nito tsaka mabilis bumeso at nagmadaling tumakbo palayo.

"Problema nun?" Clueless na tanong ni Finella. Nagkibit balikat na lang ako.

"Anong problema mo? Bakit ganyan ka makatingin?"Naiilang na tanong ko kay Kratos. Habang kinakabitan nya ko ng seat belt.

"Wala. Bakit masama bang titigan ko yung mundo ko."He said with  matching wink. Damn Kratos Benjamin Roussos nalalaglag ang underwear ko.

"Tse! Magfocus ka na nga lang sa pag dadrive."

Ngumiti lang naman sya at tsaka nagfocus sa pagmamaneho pero ng makalabas na kami ng building kinuha nya ang kamay ko at ipinatong yon sa hita nya habang hawak ito. Binibitawan lang nya iyon kapag kakambyo na siya.

Pinakatitigan ko sya habang abala sya sa daanan. Diyos ko ano po bang mabuting nagawa ko para ipagkaloob mo sa akin ang lalakeng ito.
Kung pwede lang sana na lagi na lang kaming magkasama nito kasi sa oras na nawawala sya sa paningin ko ay sobra ko syang namimiss.

"Am I that hot? You can't keep your eyes away from me." Tska sya sya tumawa ng malakas habang ako naman ay namumula sa pagkakahuli nya sa akin na titig na titig sa kanya.

"I love you." Then I feel his lips against mine. "Lika na. Akyat na tayo sa unit." Aya nito at dun ko lang narealized na nasa basement na pala kami.

Pagkapasok namin sa unit nya ay agad akong naupo sa sofa habang sya naman ay nagpaalam na magbibihis muna sa kwarto. Habang nakahilata ako sa sala nya ay paikot ikot ang mata ko na pinagmamasdan ang buong paligid mga mamahaling paintings at mga picture frame. Family niya ata. Nang may matanaw akong sobrang pamilyar sa akin ay kusa akong tumayo at dahan dahan lumalapit sa estante kung naan ang isang frame. Ganon na lang pagkanganga ko ng marealized ko na kaya naman pala sobrang pamilyar dahil picture ko mismo iyon.

"You like what you are seeing huh baby?"naramdaman ko na lang ang mga bisig ni Kratos na nakaakap na sa akin. Kahit nakatalikod ako sa kanya naamoy ko pa rin ang amoy nyang napakabango.

"Hmm. Oo. I love it." Tsaka ko sya hinarap at pinalupot ko ang mga braso ko sa batok nya tsaka sya binigyan ng isang mabilis na halik.

"Aarrghh. Mambibitin!"Ungot nya ng kumalas ako sa kanya at nagpunta sa kusina.

"Come on baby! Cook something for me." Sigaw ko sa kanya habang chinicheck ko ang lamat ng refrigerator nya.

"Fine! I'm gonna cook for you. So anong gusto ng baby ko?"Malambing na tanong nito habang sinusuot ang apron.

"Hmm. Anything. Kung ano pong speacialty mo baby ko."sagot ko habang niyayakap sya sa likod.

"Alright. Now, I want you to just sit there and relax while waiting for me."dinala nya ko sa longisland chair.

Naupo ako doon at matamang pinapanuod ko bawat kilos nya. Nang pumunta siya sa ref at naglabas ng karne at gulay. Damn ang hot ng boyfriend ko. Naakit ako sa simpleng kilos nyang iyon.
Habang hinihiwa nya ang karne ay tanaw tanaw ko ang naghuhumiyaw nyang biceps. Syet. Sya na lang kaya iulam ko. 

Matapos ang halos isang oras ay natapos na syang magluto.

"Baby prepare the table now." Utos nya habang nagsasalin ng ulam sa mangkok.

Inayos ko ang placemat sa lamesa at kumuha ng dalawang plato at dalawang pares ng spoon at fork tsaka yun inalagay ng maayos sa lamesa. Lumapit naman sya ng dala dala na nya ang ulam na niluto nya. Nagsandok na din ako ng kanin mula sa rice cooker.

Nagtaka naman ako ng itinabi nito ang isang pares ng plato at kutsara.

"Uy bakit nililigpit mo yan? Di la ba kakain?" takang tanong ko sa kanya.

"Kakain. Ofcourse."tsaka sya pumwesto sa tabi ko.

"We can share on the same plate okay.You are soon to be my wife. So walang kaso kung kakainan ko ang kinakainan mo. Naghahalikan nga tayo e!"bulgar nitong sabi. Natawa na lang ako tsaka ko sya binatukan.

"Aray ha!"angal nito pero bago pa masundan ang sasabihin nya ay sinubuan ko na sya.

Ang sarap sa pakiramdam ng ganito kami. Ang saya saya ko sana laging ganito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Possessed by Kratos RoussosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon