KABANATA 6

136 11 0
                                    

IKA-ANIM NA KABANATA

“Psychology is the science of the mind and behavior. The word "psychology" comes from the Greek word psyche meaning "breath, spirit, soul", and the Greek word logia meaning the study of something.”

Kanina pa nag lelecture ang professor naming sa psychology. Ang totoo niyan ay alam ko na yun mga pinagsasabi niya. Nang nag duty ako kahapon sa library nagsimula na kong magbasa-basa tungkol sa subject na ito. Mahigit isang lingo na ang lumipas mula ng inihatid ako ni Kratos sa dorm at magmula noon hindi ko na siya nakita. Mabuti nga at hindi na siya nagpakita, mas tahikmik yun buhay ko. Nakakapagtaka nga lang bakit hindi ko siya nakikita gayong madalas naman yun pakalat kalat sa campus.

“Earth to Aquina!”Napitlag ako sa aking pag-iisip ngkumaway kaway si Aegeus sa harap ko.

“Oh?”Tanong ko sa kanya. Problema nito.

“Kanina pa lumabas si Mrs. Torres at kanina pa rin kita tinatawag. Mukhang malalalim ang iniisip mo ah?”Iniligpit ko na ang mga gamit ko na nakapatong sa Arm Chair ko at ng maipasok ko na ito sa aking bagpack agad na kong tumayo.

“Hindi noh. Inaantok lang ako.”Saad ko at sabay hikab.

“Lika na nga!”Inakbayan niya ako at tsaka siya naglakad. Hinampas ko ang sikmura niya.

“Chansing ka pre ah!”Pabiro kong banat sa kanya. Tsaka naman siya tawa ng tawa.

“Hindi pre! Hahaha!” Binatukan ko nga ayaw tumigil sa kakatawa.

“Hahaha. Seryoso na nga. Isang oras pa naman bago ang duty mo sa library hindi ba?”

“Oo bakit?”Magkasabay kaming naglalakad pababa.

“Tara maghalo-halo dyan sa tapat may razons” Halos dalawang lingo na ang klase at talagang nagging malapit kami ni Aegeus sa isa’t isa. Siya lang ang kaclose ko sa mga classmate naming boys.

“Uy, Razons daw! Sama kami dyan.”Bigla na lang sumulpot sa kung saan sina Vaughn at Atticus kasama ang mga bago kong kaibigan na sina Fhinella at Adrianna.

“Oo ba basta libre niyo.”Pabirong turan ni Aegeus sa mga kaibigan niya.

“Wow tigas tol! Tigas ng mukha.”Magkapanabay na sabi ng dalawa. Mga siraulo talaga.

Hinila ko naman sina Fhinella at Adrianna. Habang yun tatlo ay nakasunod sa amin.

“Umamin nga kayong dalawa, kayo ba e pinopormahan ng mga itlog nay un?”Pabulong ko tanong sa dalawa habang ang dalawang braso ko ay nakasukbit sa kanila.

“Hmmm. Siguro hahaha.”Tuwang tuwa naman ang gaga! Come to think of it ang mga itlog na iyon ay hindi mapagkakatiwalaan lalo na’t para lang silang nagpalit ng brief pag magpalit ng babae.

“Ewan ko. Basta alam ko lang kaninag umaga pa ko binubuntotan niyang si Vaughn.” Kibit balikat na sagot naman ni Fhinella.

“Kayong dalawa binabalaan ko ah, Yun mga itlog na yan madaming reserba at kung sinong natipohan nila ilabas sa araw na iyon ay iyong ang gagamitin nila.”Seryoso kong pag papaalala sa kanila.

“We know it girl! We’ll just play along their game. No hard feelings.”Tatawa tawang saad ni Adrianna.

Nang makalabas kami ng Sherton ay bumungad sa amin ang mga kalalakihan na nagbabanatan sa may di kalayuan samin.

“Oh my god! May nag fa-fight atticus oh.”Bigla na lang kumalas sa pagkakapit ko si Adrianna at lumapit kay Atticus.

Habang palapit kami ng palapit ay unti-unti kong nakikilala kung sino ang lalakeng pinalilibotan ng may sampo pang lalake at hindi ako pwedeng magkamali, siya yun.

“Shit! Kratos!”Narinig kong bulong ni Vaughn sa gilid ko. Lahat kami ngayon ay nakatitig na kay kratos na kasalukuyang ibinalibag ang kalaban niya sa kung saan. Ang dami pang nakapalibot sa kanya. Kaya ba niya?

Tiningnan ko ang tatlong lalakeng kasama naming matamang nagmamasid lang naman sila sa nangyayari. Hindi ba nila tutulungan si Kratos.

“Hoy kayong tatlong itlog, wala ba kayong balak tulungan yun lalakeng yun.”Inginuso ko sa kanila si Kratos na kasalukuyang dinamba ng tatlo . Napaupo sa kung sahig si Kratos at inapakan siya sa hita.

“Kaya niya yan.”Sabi lang ni Atticus. Tinitigan ko si Aegeus, wala man lang siyang reaksyon. Hello?! kapatid niya kaya yun pinag tutulungan.

“ Tara na sa Razon.”Malamig na turan ni Aegeus tsaka siya pumasok sa loob nun. Sumunod naman si Atticus  sa kanya at ang dalawang babae habang ako titig na titig pa sa tila hirap na hirap ng is Kratos. Paano matapos niyang mapatumba yun walo may lumapit na naman na lima.

“Wag ka mag-alala. Chicken lang yan kay Kratos.”Bulong sa akin ni Vaughn.

“Ha? Di ako nag alala no! Naangasan lang ako sa kilos ng mga kalaban niya.”Kunway palusot ko.

Iniwan ko siyang nakatayo doon at tsaka ako pumasok sa loob ng Razon. Sumunod naman sa akin si Vaughn. Habang umuorder sila, hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. ‘paano kung mapahamak siya? Hindi kaya ng konsensya ko iyon.’ Kaya’t hindi na ko nag dalawang isip na tumayo at labasin siya.

“Huy san ka punta?”Tanong ni Fhinella. Hindi ko na lang siya pinansin at dire-diretsong lumabas.

Sakto pag labas ko nakita kong nakikipaglaban pa si Kratos sa dalawang lalakeng nasa harap niya. Natarannta ako ng bigla kong makitang tumayo ang lalake na nasa likod niya at naglabas ng patalim.

Sa pagkabigla ko natawag ko siya ng wala sa oras.

“KRATOS!”Nang narinig niya ko binigyan muna niya ng isang malakas na sipa sa tagiliran yun huling kalaban niya bago lumingon sa akin at ng dahil sa paglingon niya nakita niya na ngayon yun lalakeng may hawak ng balisong. Nakakita ako ng bato sa paligid. Ewan ko ba basta bigla na lang kumilos yun kamay ko. Dinampot ko yun may kalakihang bato at tsaka ko ito binato sa nakatalikod na lalake sa akin. Tinamaaan siya sa may batok ngunit hindi siya napatumba noon. NIlingon nung lalake ang punanggalingan ng bato at sinamantala naman iyon ni Kratos para sipain ang kamay nito na may hawak na balisong! Sa pagkabigla nung lalake ay na-out of balance siya. Mag-isa na lamang siyang natitirang may malay pa. Marami ang naka handusya na sa sahig at yun iba naman nagsitakbuhan na.

Kinuwelyohan ni Kratos ang lalake. “Leave or Die!”Matigas na tanong niya sa lalake. Binitawan niya ito tsaka nagmadaling tumakbo palayo ang lalake.

Nang makaalis na ang lalake ay tumingin siya sa saglit sa akin at tsaka naglakad palayo sa akin at papunta sa sasakyan niya. Ang walanghiya matapos kung tulungan hindi man lang nagpasalamat. Agad ko siyang hinabol at tsaka ko hinablot ang jacket niya. Bubulyawan ko sana siya ngunit napansin ko ang dugong tumatagas sa braso niya.

“Oh my! Kratos nagdudugo ang braso mo.”

“Alam ko.”Parang hirap na hirap siya. Tsaka siya pumasok sa sasakyan niya. Bago pa niya mapatakbo ang kotse ay dali dali akong pumasok sa front seat.

“What are you doing here?”Iritang tanong niya. Hindi ko alam kung sakin ba siya irita o dahil sa hapdi ng sugat niya sa braso.

“Shut up!”Singhal ko sa kanya. Hinawakan ko ang braso niya at napagtanto kung patalim ang nakasugat dito at medyo may kahabaan at kalaliman ang sugat niya. Inilabas ko ang panyo ko mula sa bulsa tsaka ko itinali sa braso niya.

“Sa hospital tayo.”Sabi ko sa kanya ng matapos kong ibuhol yun panyo.

“No! Idon’t want to.”

“Anak ka naman ng pating oh! Nakita mo na ngang panay ang tagas ng dugo sa braso mo baka mamatay ka niyan.”Muling singhal ko sa kanya. Ano bang problema sa kokote nitong lalakeng ito.

“I’d rather die than going to hospital.”Matigas na turan niya. Sa sobrang gigil ko nahampas ko yun dashboard ng sasakyan niya.

“Fine! Kahit saang may First Aid kit!”Naasar kong baling sa kaniya. Nagsimula na siyang magmaneho. Alam kong nahihirapan siya base na rin sa ekspresyon ng kanyang mukha. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo nitong animal na to.

 

 














Possessed by Kratos RoussosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon