KABANATA 4

165 11 1
                                    

IKA-APAT NA KABANATA

"I said you!"

"Wooaahh Kratos, what are you up to?"

So he's Kratos, Siya rin kaya yun tiga sherton....  Oh no!!!!!!!! Pero teka bakit naman ako matatakot. Ano ngayon kung siya yun Kratos na tinutukoy ni Celestine.

"Excusme sir, wala naman po dibang nakapaskil sa mukha ko na for sale."Oh great, Aquina.... Ganyan nga. Tumaas ang sulok ng labi niya at tinitigan ako na akala mo ay ibig niya kong sakalin.

"Hahaha, Cool down. Just a Lemonade Juice for him Miss."Sabi ng isang chinito na katabi nung Kratos.  Agad ko silang tinalikuran. Kung kanina nakangiti akong umalis ng counter ngayon babalik ako ng nakabusangot ang mukha. Gago yun ah! Mukhang balak pa ko pagtripan.

"Ah eto yun mga order nila."Sabi ko sa dalawang kasamahan ko. Sinimulan naman naming gawin ang kanya-kanyang order nila. Ayoko ng bumalik dun baka mamaya maisaboy ko pa sa mukha niya yung order niya.

"Hmm, Shara pwedeng ikaw na lang maghatid ng order nila. May bagong customer na paparating eh."Pagdadahilan ko sa kanya.

"Okay, Alvin halika tulungan mo akong dalhin ito doon."Tsaka niya dinampot ang isang tray at sumunod din naman agad sa kanya si Alvin.

Nang makarating ang bagong customer, pinilit kong magshift ng mood.

"Good Evening! What's your order sir?"Masiglang bati ko sa customer. Tsaka ko siya binigyan ng malawak na ngiti.

"Mocha Frappuccino."

"Ok. Mocha Frappuccino coming up!" Tsaka ko inassemble yun order niya. Binigay ko iyon sa kanya ng matapos niya itong bayaran. Nang tumalikod siya ay lumipat siya sa grupong ng mga lalakeng kinuhanan ko ng order at tsaka siya nakipag high five. Nadako naman ang tingin ko sa lalakeng nakaitim na ngayon ay titig na na titig sa akin. What the heck is your problem with me KRATOS! Nakipagtitigan ako sa kanya ngunit sa huli ako rin ang bumawi ngunit tinaasan ko muna siya ng kilay at tsaka siya inirapan.

                                                                                                                                            

"Aquina, Are you ready?"Tanong sa akin ni Celestine. Tumango ako sa kanya. Ngayon ang unang araw ng klase. Aaminin ko kinakabahan ako at excited. Anong feeling kaya ng kolehiyala, Yan ang tanong ko dati sa sarili ko. Ngayon ay mararanasan ko na din.

Sabay kaming lumabas ni Celestine at ng makalabas kami ng gate meron White BMW Series 5 Sedan na nakapark sa harap mismo ng gate. Nakakahimatay, Akala ko sa litrato lang ang mga ito di ko akalain na makakakita ako ng ganito kalapit.

"Aquina! Ano pa hinihintay mo diyan. Halika na. "Bulyaw sa akin ni Celestine, na kasalukuyan ng nakaupo sa shotgun seat. At inginunguso niya sa akin ang passanger seat na nakabukas ang pinto. Dahan dahan akong lumapit dun! Diyos ko! Napakaswerte ko naman, Ni sa panaginip di sumagi sa akin ang makasakay sa ganito ngayon eto na at nakaupo ako sa loob ng sasakyan.

"Aquina, eto nga pala si Xenon boyfriend ko."Nakatigin siya ngayon sa rearview mirror. Ganun din ang ginawa nung Xenon tsaka sya ko ngumiti.

"Ah. Hi!"Alangan bati ko.

"Nice meeting you Aquina."Sabi nung Xenon."

"Likwise."Sagot mo tsaka ngumiti ng labas ngipin. Maganda ang mood ko dahil sa isang magandang experience ang makasakay ako sa sasakyan nya. Ikukwento ko ito kay Junior, ang nakababata kong kapatid. Tiyak ay maiinggit yon.

Possessed by Kratos RoussosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon