KABANATA 1

239 9 0
                                    

UNANG KABANATA

“Oh Aquina, Tapos na shift mo?”Palabas na ako ng coffee shop ng batiin ako ni Manong Harold ang night shift guard ng Kopimos Sweets.

“Oo kuya! Sige una na po ako.”Paalam ko sakanya. Ngumiti lang naman siya at tsaka tumango. Nang makalabas ako ng Kopimos ay naglakad ako patungo sa sakayan pauwi sa dorm. Pasado alas nuebe na pala kaya pala ganoon na lang ang gutom na nararamdaman ko. Dapat hanggang alas otso lang ang shift ko kaya lang malilate yun papalit sa akin sa counter kaya pinakiusapan ako ng manager na mag-extend.

“Ale, dalawang order nga po ng kanin at tsaka pakbet take out po.”Dumaan muna ako saglit sa karinderya malapit sa may sakayan. Sa dorm ko na lang iyon kakainin.

“40 pesos lang neng.”Sabi ng tindera tsaka inabot sa akin ang plastic.

Nang Makita ko ang jeep na dadaan sa dorm ay agad na akong sumakay. Gusto ko ng makauwi, para makakain na din ako. Mag-iisang buwan pa lang ako dito sa Maynila. Laking Nueva Ecija ako. Nang magtapos ako ng hayskul noong marso napagpasyahan ko na lumuwas ng maynila upang makipagsapalaran. Nagtungo ako ng maynila na baon baon ang naipon kong isang libo mula sa pagtulong sa mga nagtitinda sa bayan. Two Hundred Fifty pesos ang nakonsumo ko sa pamasahe sa bus at tricycle kaya’t Sevenhundred fifty pesos na lang ang natitira sa akin. Tandang tanda ko pang araw na unang beses akong makatapak ng maynila.

“Hopia, Mani, PopCorn”                                                      

“Recto, Recto, Recto Dalawa na lang aalis na.”

Iyon ang eksenang naabutan ko pagkababa ko ng bus, ang daming sidewalk vendor na kanya-kanyang gimik sa kanilang pagbebenta. Yun iba pagiging barker ang ginagawang hanapbuhay. Unang beses kong nakaramdam ng ganoong klaseng pangamba. Wala ako ni isang kakilala dito sa maynila kung kaya’t wala akong matutuluyan. Saan ako pupulutin nito. Tiyak na hindi kasya ang natitirang pera ko. Nagsimula na akong maglakad , bitbit ba ang isang malaking handbag na naglalaman ng aking mga damit at bagpack kung saan nakalagay ang mga importante at personal kong gamit.

“Magnanakaw! Tulungan niyo ko ang bag ko! Waaah!”

Nang marinig ko ang isang babae na hiyaw ng hiyaw dahil sa paghablot sa kanyang bag. Tila ibig ko ng bumalik sa terminal upang sumakay ng bus pabalik. Ngunit sa tuwing naalala ko ang pagod na mukha ni inay at itay pagkagaling nila sa pagsasaka at hang halos gutay-gutay na tsinelas naming makakapatid, pagpasok sa eskwela ng walang baon. Bumugso ang lakas ng loob ko. ‘Hindi ako babalik ng Nueva Ecija na walang nangyayari sa akin dito.’

“Harrison” Napaigtad ako ng madinig ko iyon mula sa driver. Muntikan na akong lumagpas dahil sa aking pagbabalik tanaw.

“Sa tabi na lang po manong.” Nang makababa ako agad akong nagtungo sa isang pulang gate. Nakabukas ito gaya ng unang beses kong makarating dito. Kung sabagay hindi naman nila talaga ito isinasara para malayang makalabas masok ang mga nanunuluyan sa apat na palapag na bahay. Agad akong nagtungo sa ikalawang palapag kung nasaan ang silid ko.

“Oh Em Gi! Aquina, Bakit ngayon ka lang di mo tuloy nasaksihan ang pagsasabunotan ni Julia at Karina.”Iyon agad ang bungad sa akin ng room-mate kong si Celestine.

Nilapag ko ang bag ko sa aking study table atsaka ako naupo sa kama. ‘Grabe nakakapagod’

“Bakit naman daw nagsabunutan yun dalawa?”Tanong ko na lang sa kanya. Nakakahiya naman kung dededmahin ko ang mga kwento niya.

“Ang dinig ko lalake ata ang pinag-aawayan. Hayy naku! Ang lalandi kasi!”Napailing na lang ako at tsaka nagpakawala ng buntong hininga.

“Kumain ka na ba? Halika sabayan mo ako.” Pag aaya ko sa kanya tsaka ako nag tungo sa lamesa upang kumuha ng plato, kubyertos at mangkok.

“Naku, salamat. Pero kakain ko lang.” Sagot niya tsaka sya lumabas ng silid dala-dala ang kanyang tuwalya. Maliligo siguro siya.

Mabuti na lamang at kahit paano ay sinuwerte ako kung hindi malamang sa kalsada ako matutulog at kahit pakbet ay hindi ako makakabili.

 

Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa may matanaw akong job posting sa isang coffee shop. Agad akong nagtungo doon.

“Good Morning po! Nandyan po ba ang manager nyo?”Tanong ko sa gwardya. Tumango siya at itinuro ang isang lalakeng naka pulang long sleeve na nakatupi hanggang siko. Dahan-dahan akong naglakad patungo dun sa manager. Kinakabahan ako. Pero wala akong pagpipilian kailangan ko ng maayos na natrabaho bilang panimula ko sa buhay ko dito at isa pa kailangan ko ng pera para makasurvive dito.

“Magandanng araw po!”Panimula bati ko sa kanya. Nang humarap siya ay para akong nakakita ng anghel. ‘Napakagwapong nilalang.’

“Yes, Good morning! How may I help you?”Magalang na tanong niya sa akin. Humigpit ang hawak ko sa handbag ko dala na rin ng kaba.

“Ah, sir tungkol po sa Job Vacancy ninyo na nakapaskil sa labas. Intersado po kasi ako.”Diretsahang sabi ko sa kanya. Mataman naman niya akong tinitigan.

“Let’s go to my Office.”tsaka sya tumalikod at ako namay sumunod sa kanyang patungo sa ising silid na may nakapaskil na ‘CREW ROOM’      
                                 

“Huy! Aquina, nakatulala ka dyan! Sumobra ka ata sa pagkabusog.” Natigil ang pagmumuni ko ng pumasok si Celestine na nakapantulog na.

“Ah oo sumobra nga ang busog ko. Sige ilalabas ko lang ito at tsaka huhgasan.”Sabi ko sa kanya. Nahiga naman sya sa kanyang kama at tsaka hinawakan ang cellphone niya.

Nang matapos ako sa pag-uurong sa aking pinagkainan ay binalik ko na ito sa silid tsaka ko dinampot ang tuwalya ko sa sabitan at kumuha ng isang loose shirt at pajama. Nang makabalik kao ng kwarto ay nakatalukbong na ng kumot si Celestine mukang tulog na. Isinampay ko ang tuwalya at inilagay sa basket ang marumi kong damit. Kinuha ko ang aking note book. Nakalista dito ang aking expenses at income. Para na rin mamonitor ko kung kaya ba ng isang trabaho ang gastusin. Bukas unang araw na ng Mayo, wala pa rin akong nahahanap na murang eskwelahang pwede kong pasukan. Syempre gusto ko din makapag kolehiyo. Ngunit kung hindi talaga kaya ngayong pasukan siguro sa susunod na taon na nga lang.


Possessed by Kratos RoussosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon