KABANATA 14

39 2 0
                                    

KABANATA 14


Alasingko na ng hapon ng makauwi sina Itay at Kratos. Nagdiretso si Itay kay Inay na nasa kusina ngayon.

"Hey, how's your day?" Tanong niya sa akin. Halata mong pagod na pagod siya.Ang dumi pa ng damit niya pero kahit ganun ang gwapo pa din. Huh? Anong sabi ko gwapo? Nahihibang na ata ako.


"Ok lang naman. Ikaw? Pagod na pagod ka ah?" Tanong ko sa kanya. 

Nginitian niya lang ako. "This is nothing."

"Ate! Kuya Kratos!" Nawindang naman ako sa lakas ng pagtawag ng kapatid ko Patakbo siyang pumasok ng bahay.

"Makasigaw ka naman dyan Junior. Bakit ba?" Medyo ritang tanong ko sa kanya.

"Punta tayo ng perya. Sige na ate please." Ang lapad pa ng ngiti nito.

"Perya? What is that?" Curious na tanong ni Kratos.

"Local type of Amusement Park." Sagot ko sa kanya. Tumango tango naman siya. 

"Kuya Kratos punta tayo dun? Masaya dun?"Pangungumbinse ng kapatid ko sa kanya.

"Hmm. Okay. If Nanay and tatay will agree then let's go" Nakangiti rin niyang tugon sa kapatid ko. Habang pinagmamasdan ko silang nag-uusap ng kapatid ko di ko maiwasang mangiti. Di ko akalain na makakasundo nito ang kapatid ko.



"Ang cool ng Sasakyan mo kuya." Puri ni Junior. Dahil gusto ni Junior magperya at pumayag naman sila Inay kaya eto kami papunta na ng perya.

"Really? Thanks." sagot ni Kratos habang nagmamaneho.


Pagkababa namin ng sasakyan. Agad dumating ang mga kaibigan ni junior.

"Magandang gabi po ate Aquina."Bati nila sa akin. Nginitian ko naman sila tsaka bumati pabalik.

"Oh ate, sasama muna ko kela Tope ah? Magdate muna kayo ni Kuya dyan ha. Hanapin ko na lang po kayo mamaya. Dito lang din naman ako sa perya e." Sabi nito tsaka nakipag high five kay Kratos.

Pambihira talaga tong kapatid ko. Gusto lang pala talagang gumala kasama ang mga kaibigan at talagang ginamit pa nya kami para lang payagan siya ni Itay.

"Hmm? So?" Di ko malaman kung anong dapat kong sabihin kay Kratos. Tahimik lang itong nakasandal sa kotse habang nakapamulsa.

"Let's go. End enjoy this night." Sabi nito tsaka niya hinawakan ang kamay ko at naglakad papunta sa entrance ng perya. Di ko maintindihan bakit di man lang ako pumalag gayong hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad.


"You know what, eto ang favorite ko rito."Sabi ko habang itinuturo yun Carousel na malapit sa amin.

"Really? Let's go and Try it."Hinila niya ako dun. Natatawa naman akong sumabay sa mabilis nyang lakad. "Sigurado ka ba talaga?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Yeah. This is your favorite and i wanna try everything you like baby."and that hit me. Di ko alam pero para may kung anong epekto sa akin iyon.

Nagsimula ng umandar ang carousel, magkatabi ang kabayo na sinakyan namin ni Kratos at natutuwa akong pagmasdan siya habang nakangiti at magkahawak ang aming kamay. Di ko alam pero di ko na alintana kung ano man tong nangyayari samin basta masaya ako.


"There, You see that thing?" Turo nya sa ferris wheel na makaluma.

"Oh ano naman tungkol dyan?"takang tanong ko.

Possessed by Kratos RoussosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon