KABANATA 12

126 1 0
                                    

"Haay sa wakas. Natapos na din ang finals! Hello sembreak na tayo."Tuwang tuwang sabi ni Celestine.

"Oo nga eh.Anong plano mo?"Nag-aayos na ako ng kwarto sinced wala na naman na kaming pasok.

"Ako. Hmm. I'll be flying to Korea. Pinapapunta ako ng mama e.Eh ikaw anong plano mo?"

"Hmm.Tuloy pa rin ang trabaho sa kopimos. Pero susubukan ko ring magpaalam kay sir Ram baka pwede akong di pumasok ng tatlo o apat na araw. 

Gusto ko lang lumuwas saamin."Haayy Miss na miss ko na ang nanay at tatay pati na ring mga kapatid ko.

"Aww. Sayang gusto ko pa naman sanang makapunta sa inyo." Wika niya.

"Okay lang yan Cel, may iba pa namang pagkakataon e."Tsaka ko siya niyakap sa baywang, "Haay.. Mamimiss kita Celestine."

 Natawa naman siya at tsaka pinisil ang magkabilang pisngi ko"Ako din Aquina. Mamimiss kita. Alam mo naman para na kitang kapatid."

"San kayo miss?"Tanong ng kundoktor sa akin.

"Muñoz lang po."Kasaklukuyang nasa bus ako at babyahe pauwi saamin. 

Pinayagan ako ni Sir Ram na magbakasyon ng tatlong araw plus yun day off ko pa ngayon kaya naman may apat na araw ako para magbakasyon.

"232 miss."Inabot ko ang bayad ko. Nang umalis na ang kundoktor , umayos ako ng upo at tsaka umidlip.

"Manong sa waiting shed na lang po."

"It feels great to be home."Sininghot ko ang sariwang hangin. Hmmm. Nakakamiss din dito. 

Pag nandito kasi malayo sa ingay at polusyon. Sumakay ako ng Tricycle papuna deretso sa maliit ng bahay.

Malayo-layo pa lang ako tanaw ko na ang kapatid ko na namimitas ng mangga. Naeecxite na ako. Sobrang miss ko na sila.

"Dito na lang kuya. Eto po ang bayad. Salamat po."Ani ko. Tsaka ako lumabas ng bahay bitbit ang bagpack ko 

at ang medyo malaking handbag na may lamang pasalubong para sa kanila.

Pagkababa ko ng tricycle ay namilog ang mata ni Athena ng makita ako.

"Ate!!!"Napasigaw siya at mabilis pa sa alaskwatrong dinaluhan ako at niyakap. "Huhuhu Ate miss na miss kita. Mabuti naman naisipan mong lumuwas."M

Tuluyan na siyang umiyak. "Hush baby. Wag ka nang umiyak nandito na si Ate." Tsaka ko siya niyakap.

Biagla naman siyang kumalas sa pagkakayakap ko at patakbong pumunta ng bahay.

"Nay! Nay Nandito ang ate!"Narinig kong sigaw niya sal oob ng bahay. Agad na rin akong sumunod sa kanya. Gustong gusto ko ng mayakap ang inay.

"Gabrielle Anak! Diyos ko po! Salamat naman at naisipan mong lumuwas ditong bata ka."Ani ni Inay at tsaka ako niyakap.

"Nanay miss na miss kita."Mas lalok o pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sakanya.

"Mas namiss kita Anak. Tena sa loob at nang makapag-almusal ka."

"Kamusta naman ang buhay mo sa Maynila anak?"Tanong niya ng makaupo kami sa upuang yari sa kahoy.

"Ayos naman nay. Noong una po medyo mahirap kasi di ko naman po alam kung saan ako kukuha ng perang ipanggagastos ko. Mabuti na lang inay at ang unang coffee shop na napuntahan ko. Nang nag apply ako dun ayun sa awa po ng diyos ay natanggap ako. Tsaka alam mo ba nay nag-aaral ako ngayon sa isang magandang eskwelahan, Sherton International Academe. Pero siyempre nay scholar lang ako dun. Hindi ko naman kaya yun tuition nila e."Masayang-masayang kwento kokay nanay. "Oh nay bakit kayo naiiyak diyan?"

Possessed by Kratos RoussosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon