ADRIAN
Hindi totoong maeextend ang field study nila. Dahil ang totoo, malapit na silang matapos. Sinabi niya lang iyon sa kaibigan dahil sa dalawang kadahilanan. Una, ayaw niya ng mahabang usapan. Dahil kung sasabihin niya ang totoong dahilan kung bakit hindi siya makakauwi ng Wednesday gaya ng sabi niya, tiyak uulanin siya nito ng tanong at wala siya sa mood magkwento.
Ang totoo kasi, didiretso sila ni Joyce sa Boracay.
Yes.
Nasabi na din niya sa wakas ang dapat niyang sabihin dito at hindi naman siya nito binigo. Sinagot siya ni Joyce kanina lang. Matagal na din pala siyang gusto nito. Mabuti na lang at nagkalakas- loob syang magtapat. Kung hindi, eh di sana loveless pa din siya hanggang ngayon. Pasalamat talaga siya sa prof nila na nilagay sila sa isang group. Nagka-chance siya. At iyon nga, napagkasunduan nilang mag-date sa Boracay. Ang saya-saya niya at gusto niya munang solohin iyon.
At isa pa, ang ikalawang dahilan kung ba't siya nag-alibi nang ganun sa kaibigan ay upang bigyan din ito ng pagkakataon na makasama ang kapatid niya.
Yes ulit.
Malakas ang kutob niya na may itinatagong pagsintang purorot ang bestfriend niya sa kapatid niya. Lalaki siya. Alam niya ang tingin at kilos ng isang lalaking inlove. At nakita niya iyon kay JV. Nakita niya kung paano ito gumawa ng paraan na mabago ang pagtingin ng kapatid niya rito. Nakita din niya ang tuwa sa mukha nito nang sabihin niyang ito ang makakasama ng kapatid niya habang nasa FS siya. Daig pa nitong naka-jackpot sa lotto. At ang nagpatibay pa sa hinuha niya, ay noong nag-effort pa itong alamin ang mga paboritong pagkain ng kapatid. Halatang gusto nitong magpa-impress.
Ayos lang sa kanya kung ito nga ay magkagusto sa kapatid. Higit kanino man kasi, mas kilala niya ang kaibigan. Alam niya ang buhay at mga pinagdadaanan nito. At alam din niya ang tunay nitong pagkatao. Ang alam ng lahat, gago ito, playboy, babaero. But he knew more. Alam niya ang substance nito.
Sa totoo lang, masaya siya na makita itong magmahal ulit. After all these years kasi, hindi pa niya ito kakikitaan ng pag-move on. Baon pa din ito sa galit sa nangyari dito at kay Iris. At ang galit na yun ang nagiging dahilan kung ba't wala itong sineseryosong relasyon.
Pero sa nakikita niya ngayon, parang wala na itong hatred. Wala na itong galit sa mundo. At masaya siya na ang nagiging rason sa pagbabagong ito sa kaibigan ay ang kapatid niya.
And that is if his hunches were right. And he believe, it is. Magpustahan man!
Right now, he wanna play Cupid.
Kupidong lumalab-layf.
------
When JV told her that her brother may extend their FS for several days, nagtataka siya sa naging reaksiyon ng sarili niya.
Hindi siya nakaramdam ng inis, instead she felt happy for no apparent reason. Kaya ang naging sagot lang niya rito pagkatapos nitong sabihin ang balita ay,
"Okay."
Mas nagtaka naman siya sa reaksyon ng lalake. His brows knitted. Parang takang-taka ito sa ginawi niya.
"Oh, ba't ganyan ang hitsura mo?"tanong niya rito. Nawala naman ang pangungunot-noo nito. Napalitan iyon ng pag-iling.
"I just can't believe na hindi ka nag-aamok dahil matagal mo pa akong makakasama dito sa bahay niyo."
Sabi na nga eh. Ang ini-expect nga talaga nitong reaksyon niya ay yung magtatalak siya gaya nung unang reaksiyon niya. Nang sabihin ng kuya niya na si JV ang kasama niya habang wala ito.
"Things change, JV. And so are impressions."
Wow ha. Ang lalim nun.
BINABASA MO ANG
Promise, You're My Last
RomanceThis story is inspired by Jovit Baldivino's hit song PAANO. PAANO by: Jovit Baldivino Sa lahat ng nagawa Ikaw lang ang tama Bigla pang nawala Tao lang ako. May kahinaan pagdating sa mga tukso Sana'y patawarin mo Dahil di ko alam kung paano. Chorus: ...