Natapos niyang panoorin ang Part One ng Breaking Dawn pero hindi pa rin siya tinatablan ng antok. Samantalang si Marie, manaka-naka na ang paghilik nito ng marahan. Nakatulog ito marahil sa pagod sa school. Second year na ito sa kursong Education. At alam niya basta mga future teachers, ang daming activities.
Kaya hindi na lang niya ito ginising. Instead, he made her comfortable. Inayos na lang niya ito sa sofa na hinihigaan. She didn't stirred kahit inangat niya ang ulo nito para malagyan niya ito ng throw pillows.
Pagod nga talaga.
This is the first time na natitigan niya ang mukha ng dalaga ng malapitan. At may bonus pa. Tulog ito kaya he has all the time to stare at her in her most vulnerable state.
Ang ganda niya talaga. Sobra..
Salamat sa bestfriend niya. Parang blessing in disguise na napunta sila sa magkahiwalay na grupo. Nang sabihin sa kanya ni Adrian na siya ang sasama sa kapatid nito habang wala siya, hindi na siya tumanggi. Opportunity comes once and he better grab it. Ngayon lang niya nakasama si Marie na sila lang talagang dalawa.
Gusto niya kasi maipakita rito na hindi lahat ng alam nito tungkol sa kanya ay totoo. He wants to let her know him better.
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nito. Narinig niya itong umungol kaya bahagya siyang napaatras. Pumihit lang ito ng higa and she's back to a peaceful sleep.
Nakatulog ito ng mahimbing na siya ang kasama and he's happy. It only means, she trust him that much and she's not worried that he might do something unlikely to her. He needed that trust badly.
In-off na lang niya ang Player at TV saka pumuwesto na din ng higa sa sahig na katabi mismo ng sofa kung saan nakahiga si Marie. But then, bumangon siya ulit. Panigurado malamig mamayang madaling araw kaya kumuha na lang siya ng kumot sa kwarto at kinumutan si Marie.
Goodnight, sweetie..
Nagising siya sa panaka-nakang ungol at pag-uga ng sofa kung saan nakahiga si Marie. Tiningnan niya ito. Nagkakamot ito sa mukha at braso.
Nilalamok yata.
Pero hindi naman siya nakaramdam na may lamok. Itinutok na lang niya rito ang electric fan para mabawasan ang pangangati ito pero nakasama pa yata. Mas lalo pa itong nangati at tuluyan na itong nagising. Marahan itong bumangon. Saka pa lang niya nakita ang iilang malalaking pantal sa mukha nito. At namamaga na din ang nguso nito. Doon na siya nabahala.
"Ba't nagkaganyan ang mukha mo?" may halong kabang tanong niya rito at tuluyan na siyang napatayo.
"Dito ba ako nakatulog?" tanong naman nito, not answering his question. Patuloy pa din ito sa maya't mayang pagkakamot.
"Oo. 'Di na lang kita ginising kasi mahimbing na tulog mo. Pero ba't andami mong pantal? Anong nangyari sa'yo?"
Nag-aalala na talaga siya. Ngayon lang niya kaai ito nakitang nagkaganyan at hindi niya talaga alam kung ano ang gagawin dito.
"Nasobrahan yata ako sa hipon" simpleng sagot lang nito at tumayo na.
"Allergic ka sa hipon?"
"Yap."
"Ba't di mo sinabi? 'Di sana iba na lang niluto ko. Pambihira din ang kuya mo. Sabi niya paborito mo 'yun."
Pumasok ito sa sariling kwarto. Tatanungin niya pa sana ito kung anong gamot ang pwede niyang bilhin pero lumabas din naman agad ito ng kwarto may bitbit na maliit na canister.
BINABASA MO ANG
Promise, You're My Last
RomanceThis story is inspired by Jovit Baldivino's hit song PAANO. PAANO by: Jovit Baldivino Sa lahat ng nagawa Ikaw lang ang tama Bigla pang nawala Tao lang ako. May kahinaan pagdating sa mga tukso Sana'y patawarin mo Dahil di ko alam kung paano. Chorus: ...