Chapter 1- FIERY ENCOUNTER

61 1 0
                                    

"Kailan mo ba ako pupuntahan dito sa apartment ko babe? Ilang araw ka ng 'di nagpapakita sa akin ah. I missed you so much pa naman."

Napakalambing ng tinig ng babae sa kabilang linya but he's not stirred. Wa epek.

"Linsay, busy ako. Madami akong plates na gagawin. Next time na lang." Halos walang sigla nyang sagot rito.

There was a long silence before the girl speak. This time, medyo tumaas na ang timbre ng boses.

" I get it, JV. You're not coming at all. Not tonight, not ever. Wala kang plates na tinatapos dahil kahit kelan hindi kita nakitang namomroblema sa school works mo. Why don't you just tell me straight? Hindi ka na nagpapakita dahil nagsasawa ka na."

He knew galit na ito. Pero napanting na rin ang tenga nya. Kaya nga ba ayaw niyang magcommit eh.Ayaw nya ng ganito. Pinakaayaw nya 'yung sinisigawan sya.

"Ok. Since alam mo naman na pala ang rason, ba't mo pa ako kinukulit ngayon? Stop nagging me like a pestering wife. I can't come tonight and I won't come back, ever.. Satisfied?"

He sounded sarcastic, he knew that. Pero nakakapikon lang talaga ang ganitong klase ng babae.

"You're nuts, JV".

"Bye, Linsay. See you around." Hindi na niya hinintay pa na makasagot pa ito. He pressed the end button.

Hindi nya nga alam kung sadyang nilikhang manhid o tanga ang mga kagaya ni Linsay. Mahirap ba i-gets na kapag hindi na nakikipagkita sa'yo ay malamang hindi ka na kailangan? Mahirap kasi sa mga babae, ang simpleng 1+1 hinahanapan pa ng komplikadong solusyon. Ba't di sila gumaya sa kanya? Ganoon lang kadali magdispatsa ng syota. Wala ng mahabang paliwanagan. Kapag ayaw na niya, then the girl will know eventually. Hindi na niya ito tatawagan o pupuntahan pa. In short, hindi na siya magpaparamdam. What for? Why exert effort if you are not into her "thing" anymore. Kumbaga, kapag araw-araw kasi na menudo, nakakaumay naman. It's time to look for a yummier stuff.

Hindi malaking kawalan si Linsay sa kanya although he must admit, nag-enjoy naman siya sa company nito. Gaano katagal nga ba silang naging FUBU? Hindi niya matandaan pero ang tandang-tanda niya ay kung gaano ito ka-wild. She's devouring. Aggressive. Kung titingnan mo nga ito, hindi mo mapag-isipan ng masama. Her face is angelic kaso 'pag silang dalawa na lang lumalabas ang sungay at buntot nito.

He's not even sorry for that "break-up" either. Besides, sa umpisa pa lang klaro na sa mga ito ang kaya niyang ibigay. Wala siyang pinangangakuan. He just want to have fun at kapag game naman ang mga ito, then GO!

It's just 9 o clock in the evening. Nagbihis na siya. He is about to meet the replacement of Linsay--the girl he just dumped.

"Ano, bro? Ready ka na? Kita na lang tayo sa Zorba's."

Tinawagan nya ang bestfriend niyang si Adrian. Ito kasi ang tagahanap niya ng mga prospects niya.

He lost count kung ilang babae na ang naireto nito sa kanya. And take note, ALL of them ends up having one night stands with him. Kadalasan 'yung iba may mga repeats pa. Kaya ngayon, hindi niya mahintay kung sino na naman ang nahanap nito para sa kanya.

He's on his way.

It's showtime.

-----

"Nandito na ba 'yung sinasabi mo bro?"  'Yun agad ang bungad niyang tanong dito. Medyo pasigaw na dahil papasok na sila ng bar.

"Oo bro. Nagtext na siya kanina. Table 5 daw sila kasama mga girlfriends niya."

"Good evening, sir. Wala pa rin kayong partner ah," bati sa kanila ng bouncer.

Promise, You're My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon