Chapter 7- "ILANG",---- gone!!

58 0 0
                                    

" Sis, I'm sorry but I will be out of town this week. May field study kasi kami ng group ko sa Tangalan. I'll be there until Wednesday. You can manage yourself well, I know." It's Friday. At pagkagaling niya sa school, naabutan agad niya ang kuya niya na nagbabalot. Alam niya na kailangan talaga sa course nito ang mag-observe sa field construction. Isa pa nga yata ito sa mga mandatory requirments for graduation.

"Ba't anong meron sa Tangalan kuya? Ba't doon kayo mag-oobserve?," usisa niya rito. In-on niya ang TV at naupo sa sofa.

"May resort kasi na tinatayo doon. 'Yong malapit sa may Jawili Falls. Yun na lang ang napagkasunduan namin na gawing field study. At least malapit lang," sagot naman nito bagama't nakailang paroo't parito na ito. Nahihilo na nga siya sa ginagawa nito eh. Nandiyang may bitbit itong plastic na parang puro de-lata ang laman mula sa kusina papasok sa kwarto nito. Then, maya-maya, may mga damit na naman itong kinuha mula sa sampayan mula sa likod- bahay nila. Mga bagong laba ang mga iyon. Nag-i-empake na nga talaga.

"Maaga ba bukas alis nyo?," tanong niya muli rito.

"No. Maya-maya lang. Gusto naming makaabot sa night labor doon." Kaswal lang ang pagsabi nito pero siya biglang na-tense.

"Ngayon ka pala aalis tapos ngayon ka lang din nagsasabi. Kuya naman.Ni hindi mo man lang ako binigyan ng time makahanap ng makakasama ko dito. Umuwi pa naman si Kristin ngayon sa kanila."  Naiinis siya. Kaya padabog na tinungo niya ang kwarto nito.

"Sino ngayon makakasama ko niyan? 'Buti kung overnight ka lang doon eh." reklamo pa niya ulit dito.

"Hindi mo na kailangan ng kasama dito," parang wala lang rito ang pagdadabog at pagrereklamo niya.

"Anong hindi? Ilang araw ka kaya mawawala. Kung nagsabi ka sana kanina ng maaga, 'di sana nasabihan ko pa si Kristin na dito na lang muna mag-stay kahit sa weekend lang."

Si Kristin ay kaibigan niya. Kasama niya ito sa school paper nila. Ka-block din niya ito at palagi niyang iniimbitahan tuwing kailangan niya ng kasama sa bahay kapag alam niyang nangabilang bakod itong magaling na kapatid niya-- meaning, kapag doon nito naisipang matulog sa bahay naman nila JV. Ang kaso ngayon, umuwi na ang kaibigan niya. Taga- Libacao kasi ito. May boarding house lang ito sa Kalibo at tuwing weekends ang uwian. Kung maaga sana siyang inimporma ng kuya niya, nasabihan niya sana ito kanina.

"Don't worry sis. Kasama mo si JV dito," kampante namang saad nito.

Nanlalaki ang matang napabulalas siya.

"You're leaving me with JV?," tila hindi makapaniwalang pagkaklaro niya rito in which he just simply nodded.

Ay! ang sarap mambatok ng kapatid!!!

"Of all people... ba't.. ba't si JV pa?"

"At bakit naman hindi? Bestfriend ko siya. Kung may isang tao man akong pwedeng pagkatiwalaan sa precious sister ko, siya 'yun."

Tss... Nababaliw na talaga 'to... Sinimangutan niya ito.

"Himala yata na hindi kayo magkasama sa site study niyo na 'yan," walang kangiti-ngiting saad niya. Sino ba naman kasi ang masisiyahan sa ganyan? Ang taong numero unong kinaiilangan mo, iyon ang kasa-kasama mo ng ilang araw. Kung hindi ba naman torture?!

"Draw lots kasi 'to kaya napunta kami sa magkahiwalay na grupo," eksplika naman nito.

"Eh, ba't wala ba itong field study?," tanong pa ulit niya.

"Wala pa dahil hindi pa nakakahanap ng site ang grupo nila," malumanay pa din na tugon nito. Ngunit maya-maya ay natigilan ito at tiningnan siya ng matiim.

Promise, You're My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon