Chapter 3- Realization 101

47 0 0
                                    

He's dumbfounded. Sapul siya dun ah.Tagos na tagos. At aaminin nya, nasaktan siya.  Ganoon pala ang pakiramdam kapag isinampal sa'yo ang katotohanan. Lalo at galing pa sa babaeng matagal-- as in sobrang tagal-- na niyang hinahangaan.

Oo. matagal na siyang may crush sa kapatid ng bestfriend niya. Ang kaso, maliban sa kanya, wala ng ibang may alam. Kahit pa ang bestfriend nya. Panigurado naman kasi na mauuna pa ito sa listahan ng tututol at pangalawa, isa na siyang malaking TURN-OFF kay Marie. Galit nga ito sa kagaya niya, di ba? Kaya ang tsansa niya sa dalaga ay isa ng klarong WALA.

And the worst now, akala pa siguro nito ay may kailangan siyang panagutan kay Nicole.

Napasabunot siya sa buhok.

Minsan ko na nga lang siya makita at makasama, tapos sa ganito pa magtatapos.

"Engot ka kasi JV."

"Kasalanan ko ba na ang mga babae ang lumalapit sa'ken?"

"Yeah.. tell that to Marie. For sure, she'll give you a slap"

Hay, paano na ba? Gustong-gusto na niyang matapos na ang gulong 'to. Susubukan na niyang magbago.

Convince yourself men..

Para kay Marie, kaya kong gawin ang lahat..

At ngayon ka pa nakaisip niyan? Kung kelan pa isang malaking dirtbag na ang tingin niya sa'yo..

Letse, pati konsensya niya, hindi pa niya kakampi. Ano ba 'yan?

"Oh, bro.. Natulala ka na d'yan. Kanina pa nakapasok si Marie ah."

Natapos lang ang debate ng ego at konsensya niya nang pumasok si Adrian sa kusina.

"Ah.. ano.. ako na lang ang maghuhugas ng pinggan. Pagod na siguro ang kapatid mo."

Iniwan na lang pala basta siya ni Marie ng hindi pa nahuhugasan ang mga pinggan. Maige at may maidahilan siya. Narinig kaya nito ang naging confrontation nila ni Marie? Pero tingin niya, mukhang wala naman itong idea. Sobrang hinahon pa rin naman kasi ni Marie kahit naiirita na ito sa kanya.

"Sige, bro. Dito lang ako sa sala. Mukhang San Mig na naman ang mananalo sa Finals eh.."

"Sige, bro. Tapusin ko lang ito. Sunod lang ako d'yan."

Lumabas na nga ng kusina si Adrian. Naiwan na naman siya. Kailangan na niyang mag-isip kung paano matapos ang problema niya kay Nicole.

I'll deal with her tomorrow..

------

Hindi na siya nagtagal sa sala. Wala sa PBA Finals ang konsentrasyon niya kasi kaya minabuti na lang niyang magpaalam kay Adrian na mauuna na siya sa kwarto nito. He'll spend the rest of the evening on his bestfriend's house. Actually, malapit lang naman sana ang bahay nila. Iisang subdivision lang naman kasi sila. Kaya nga sila naging malapit sa isa't- isa ni Adrian eh. Ito kasi ang unang naging kaibigan niya ng lumipat sila dito n'ung Grade 3 siya. Hindi pa siya marunong mag-Aklanon n'un. Sa Manila na kasi sila isinilang na magkakapatid at naisipan lang ng Daddy niya na bumalik ng Aklan para magtayo ng Zorba's kaya sila lumipat na dito for good. Mula noon, hindi na sila mapaghiwalay ng kaibigan.

Promise, You're My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon