"He can't do this to me girls. My goodness, after everything, ganun-ganun lang? Magtetext lang siya na tapusin na daw namin.. I feel so betrayed."
Grabe naman ang babaeng ito sa katabing table niya. Ang OA maghysterical. Masyadong madrama.Kung makapaglitanya ng kabiguan daig pang wala ng lalaki sa mundo. Nilingon niya ito.
Kaya naman pala. Si Nicole pala na kaklase niya sa Philosophy at ang barkada nito ang nandoon. The Losers--kung tawagin nya. Paano ba naman kasi. Napaka-immature. Hindi nito matanggap na natalo nila ito sa debate sa Philo class nila. Kasalanan ba niya na mas prepared lang sila? At mukhang pinaglihi nga rin yata ito sa giyera. Napaka-violent. Akalain ba naman na abangan sila ng grupo niya sa labas at biglang inagaw ang mga researches nila at pinagpupunit? Kung hindi siya nakapagtimpi, malamang nabuntal na niya ito. Maige lang lagi siyang good vibes.
Hindi na lang siya umikot para hindi siya mapansin ng mga ito. Mataman na lang siyang nakinig. She didn't mean to eavesdrop. Sadyang malakas lang ito magsalita na animo'y nagtatawag ng pansin.
"Hindi ba't winarningan ka na namin, sis. Nakailang gf na ba si JV dito sa school na nagtatagal ng isang buwan? Maswerte ka pa nga at lumagpas ka dun sa 1 month probation period na 'yun." Ang kasama nito ang nagsalita.
"Well, kaya nga nag-hope ako na baguhin siya dahil lumagpas ako dun sa probation." Nag-counter naman si Nicole.
"Naku sis. Desperada ka na. Hindi mo na mababago si JV. JV is JV. Playboy. Womanizer. Philanderer. Sobrang ganda mo na 'te kapag nagseryoso sa'yo yan."
Sumasang-ayon siya sa sinabi ng kasama nito. Kawawa naman pala itong si Nicole. Siya pala ang latest victim ni JV. Hindi na nga mabilang kung ilang babae na ang nabiktima nito-- all of them ended up dumped. She knew it. Bukod sa kalat namang balita 'yan sa campus, siya lang naman ang nakakasagap ng first hand info. Sa kasamaang palad kasi, kuya pa niya ang bestfriend nito.
Ang hindi rin niya maintindihan ay kung anong meron itong si JV na kahit ganoon na ang reputasyon nito, marami pa rin ang babaeng nagkakandarapa. O sadyang marami lang ang mga babaeng nagtatangatangahan.
She pity those girls na sinasayang lang ang dignidad sa isang lalakeng hindi naman marunong magpahalaga. JV isn't the only man in the world. 'Yun yata ang nakaligtaan ng mga babaeng ito kaya kung pag-agawan nila si JV ay animo Greek God na bumaba sa lupa na anytime ay pwedeng bumalik sa Olympus at sayang kung hindi sila matitikman.
"Huwag mo ng ipilit ang sarili mo sa ayaw sa'yo girl." Narinig pa niya na payo ng kasama nito rito.
"No! Kung akala niya ay ganoon niya ako kadali idispatsa, well, nagkakamali siya, girls. I will get even."
Determinado talaga ang Nicole na 'to. Seems like, JV can't get rid of his waste easily this time...
And to this Loser girl.. good luck na lang. Knowing him, hinding-hindi iyon magpapahuli ng buhay. Mas pipiliin pa nga yata nito na i-firing squad kaysa matali sa isang relasyon.
Sinundan lang niya ng tingin ang tatlong babae habang palabas na ng canteen.
-----
Himala yata. Nakabukas ang ilaw ng kwarto ng kuya niya. Nakakapagtaka na nasa bahay ito ng ganoon kaaga. Alas siyete pa lang ng gabi. Pinakamaaga kasi na uwi nito ay hatinggabi. Anong meron?
Matapos maigarahe ang kotse ay dumiretso na lang siya sa sariling kwarto at nagbihis. She then went to the dining para makapagluto. Isang lalaking nakatalikod ang nakita niya sa may lababo. Wala itong suot na t-shirt at parang may kung anong hinihiwa. At dahil nakatalikod, hindi niya ito mapagsino. Imposible namang kuya niya ito. Tanned ito. Ang kuya niya may pagkamestiso. Tumikhim siya to get his attention. Lumingon ito at ngumiti ng makita siya.
BINABASA MO ANG
Promise, You're My Last
RomanceThis story is inspired by Jovit Baldivino's hit song PAANO. PAANO by: Jovit Baldivino Sa lahat ng nagawa Ikaw lang ang tama Bigla pang nawala Tao lang ako. May kahinaan pagdating sa mga tukso Sana'y patawarin mo Dahil di ko alam kung paano. Chorus: ...