Chapter 6- Changes and Some Assessments

67 0 0
                                    

Halos isang linggo na niyang nadaratnan sa bahay nila ang Kuya niya at si JV. Laging maaga ang mga ito kung umuwi at lagi pa niyang nakakasabay sa pagkain. Isang linggo na rin siyang hindi nagluluto. Si JV kasi ang palaging nasa kusina. That means, one week na niyang natitikman ang mga luto nito which is undeniably delicious.

Kahit hindi rin ang mga ito magsalita, alam niya na naayos na rin nito ang problema sa kaklase niyang si Nicole. Hindi na niya kasi nakikitaan ng "warfreak" signs si Nicole. Tame na ito. At palagi pa niya itong nakikitang ngumangasab ng indian mango o kung hindi man ay dalandan. Naiintriga nga siya actually. Malakas talaga ang kutob niya na buntis ito. Hindi ba't mahilig sa maaasim ang mga naglilihi? At baka talagang si JV ang ama.

With all fairness, hindi niya kakikitaan ng kahit anong worries o pangamba man lang si JV sa mabigat na magiging responsibilidad nito. Baka napag-usapan na ng mga ito ang magiging set-up at iyan din siguro ang dahilan ng pagbabago ng lifestyle ng bestfriend ng kuya niya.

Ngayon, nadatnan na naman niya ang mga ito sa may terasa nila. Tila abala na naman sa planong ginagawa. Natutuwa naman siya at sineseryoso na ng mga ito ang layunin na makagraduate sa oras.

Hindi pa man siya nakakalabas ng kotse ay tumingin na sa direksyon niya si JV at nginitian siya. How very cute!

Isang tipid na ngiti lang din ang binalik niya rito pagkalabas niya ng kotse. Binati naman niya ang kapatid.

"Seryosong-seryoso kuya ah.."

"Last blueprint na ito at pwede na naman kami ulit gumimik, 'di ba, bro?" Tila automatic namang umigkas ang isang kilay niya.

"Biro lang sis.. Sige na, magbihis ka na. At kung ok lang sa'yo eh, paghanda mo na lang kami ng meryenda. Kanina pa kasi kami nagugutom."

Aba.. talagang hinintay pa siya para lang ipagluto ang mga ito ng meryenda.

"Hindi na kasi kami pwede magbasa ng tubig. Kanina pa kasi kami gumagawa ni JV. Baka mapasma kami." Nahulaan yata ng kuya niya ang iniisip niya. May ESP!?

"Ano bang meryenda  ang gusto niyo?" tanong na lang niya sa mga ito.

"Kahit ano basta ikaw nagprepare, magugustuhan namin 'yan," si JV ang sumagot.

At nambola pa talaga... Isang makahulugang tingin na lang ang binigay niya rito bago pumasok na siya namang ikinangiti ni JV.

----

Isang linggo na siyang transient sa bahay nila Adrian. Mahigit isang linggo na rin since the last time he saw Nicole. At masaya na siya dahil tapos na ang problema niya rito. Tinext pa nga siya ni Nicole na huwag na daw niyang pagkaabalahan pa na hanapin ang walang kwentang lalake na nakabuntis rito. Masaya na daw ito dahil nasabi na nito ang problema sa mga magulang at suportado daw ito.

Hindi na rin naulit pa na magkaroon sila ni Marie ng heated conversation. Gaya nga ng dikta ng utak niya, umakto siyang parang wala lang sa kanya ang nangyari sa pagitan nila. Tuwing magkasalo sila sa pagkain, casual na nakikipag-usap siya rito. Halata naman niya na naiilang pa rin ito sa kanya pero at least, hindi naman ito totally na umiiwas. At iyon naman ang importante.

At ngayon nga oh.. Hindi ba't nginitian pa siya nito? Nakaka-high ng feeling. Sana maulit pa muli..

Promise, You're My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon