Chapter 9- IT'S A BEAUTIFUL MORNING

40 1 1
                                    

Nagising siya dahil sa nakakasilaw na liwanag.The sun is up na pala. Uminat siya. Madalas niyang gawin iyon pagkagising niya. Daig pang pusa. Kaya ganun na lang ang gulat niya nang gumalaw ang sinasandigan niya. At nang tiningnan niya kung ano iyon, saka lang siya totally nagising!

Oh, my God! I'm not in my room!

Kasama pala niya sa sala na natulog si JV! Ano ba 'yan?

Umangat ulit siya ng tingin but this time, the guy is awake at nakangiti pa itong nakatunghay sa kanya.

Oh.. Jesus...

Dali-dali siyang umayos ng upo. Ba't kasi dito na naman siya nakatulog? Hindi na pala niya nagawang bumalik ng kwarto. And then, she just remembered.

Inatake nga pala ako ng allergy kagabi...

Hindi niya lang lubos maisip na talagang nakaunan pa siya sa katawan ni JV. At wala naman itong kahit na anong protesta. Hay.. kakadyahe talaga.

Baka isipin niya na... ay hindi.. maa-understand niya na unconscious ako.. ok lang 'yan, Marie.. Ayos lang iyon.. Relax...

At malalim siyang huminga saka humarap dito. Nakangiti pa din ito at binati pa siya.

"Good morning, Marie. Hindi na kita ginising kanina. Alam ko kasi kailangan mo ng pahinga."

Nag-explain agad ito. Nakangiti na din na gumanti siya ng bati rito.

"Pasensya ka na ha. Pati tuloy ikaw, naabala ko pa. Hindi ka tuloy nakapagpahinga ng maayos" dagdag pa niya.

"Sus.. ok lang iyon.. Ikaw pa.."

Tumayo na ito saka bumaling ulit sa kanya.

"Anong gusto mong breakfast?" tanong pa nito.

Tumatawang tumayo na din siya.

"Daig mo pang katulong dito ah. Ikaw na nga nagluto ng hapunan kagabi, pati ba naman breakfast ikaw din."

"Abusuhin mo na. Minsan lang ito. Pagdating ng kuya mo, expire na 'to."

Tinawanan niya ito.

"Loko-loko ka talaga. Mamaya sabihin nila Tita, inaalila ka dito."

"Sus, baka hindi lang pagluluto ang iutos nun sa'yo na ipagawa sa'ken"

"Ganoon?"

"Ganun! Kaya kung ako sa'yo, i-grab mo na ang chance magkaroon ng gwapong chef dito sa kusina mo." at kinindatan siya nito bago tumungo ng kusina. Naiwan siyang napapangiti habang tinutungo ang sariling kwarto.

It's really a good morning.!

----

Simpleng breakfast lang ang prinepare nito. Sunny side up, sinangag at daing na may sawsawang suka at sili. Natakam na naman siya. Sa tanang buhay niya na nakilala niya ito, ngayon lang niya talaga nalaman na magaling pala itong magluto. At napakabilis pa. Hindi yata umabot ng 15 minutes ang pag-prepare nito. Daig pa talagang may magic ito pagdating sa kusina.

Matapos nilang magbreakfast ay niyaya siya nito na lumabas. She declined the offer.

"Pupunta kasi ako ng bookstore eh." paliwanag pa niya.

"Sige, samahan na lang kita. Mabobore lang kasi ako rito sa house niyo."

Wala na siyang nagawa but to give in. Having him as company won't do her any harm naman siguro.

"Ok lang ba sa'yo na motor ko na lang gawin nating service?" tanong pa nito.

She just shrugged. "ok lang" tipid lang niyang sagot.

"Sige, maliligo na lang muna ako." paalam nito sa kanya.

Tumango lang siya.

-----

It's a sunny Saturday morning. Kaya medyo nagsisisi na siya kung ba't pumayag siya na motor nito ang gamitin nila na service. Masakit sa balat ang sikat ng araw lalo at nakapolo shirt lang siya.

Hindi sila agad dumiretso sa bookstore na sinasabi niya. Nagpaalam ito na dadaan daw muna sila saglit sa Panini's. Isa iyong sandwich shop na nag-se-specialize sa hot sandwich at pagmamay-ari rin ng pamilya nito. Pagdating nila ay agad siya nitong pinakilala sa mga empleyado doon.

"Siya ba ang kapatid ni Adrian?" tanong pa ng isa sa mga ito. Masasabing ito ang pinakamatanda sa mga naroon.

"Oo, Mang Art. Hindi lang dito napapadako iyan dahil masyado iyang homebuddy." sagot naman ni JV rito sabay akbay pa dito.

"Kaya turuan mo kaming gumawa ng sandwich na pwede naming baunin." dagdag pa nito.

"Ay sus.. iyon lang pala.. Halika iha." tawag sa kanya ni Mang Art. Lumapit naman siya agad rito.

"Kaygandang bata JV ha." narinig pa niyang bulong nito kay JV.

"Oo nga po. Kaso mailap iyan." narinig din niyang ganting bulong dito ng lalake.

Aba't kailangan talaga akong pagbulungan..

"Sus, walang mailap sa taong matiyagang mambitag." si Mang Art ulit.

Hindi ba nare-realize ng mga ito na sa tabi lang siya? Hindi man lang naninimbang ang mga ito na baka marinig niya.?

O baka naman sinasadya naman talaga ng mga ito na iparinig sa kanya?

Tumikhim siya para makuha ang atensyon ng mga ito. Agad naman siyang nilingon ni Mang Art.

"Oh, siya, iha.. anong gusto mong sandwich?" tanong nito sa kanya.

"Huwag na ho, Mang Art. Kakakain ko lang po ng breakfast eh." magalang niyang tanggi rito.

"Bawal ang tumanggi sa grasya. Ke aga-aga.." protesta nito.

"Don't worry, it's my treat." sabad naman ni JV sa kanila. Hindi na siya nagpumilit pa. Ham and bacon ang pinili niya. At siya pa mismo ang gumawa niyon. It was fun.. And in fairness, masarap pala ang sandwiches rito. Ngayon lang niya ito nasubukan.

Pinagawa pa siya ng isa pang sandwich ni JV. Babaunin daw nila sa bookstore. Takot talaga itong magutuman. Hindi na niya ito kinontra. Trip nito eh, di pagbigyan.

Hindi naman nagtagal ay nagyaya na din ito sa bookstore.

----END OF CHAPTER 9..

I edited this chapter because I think the later scenes deserves another chapter.. Hehe
Next chapter may be short but still conducive to the development of the story...
11 chapters to go.. Whew..

Thank you for reading guys.. I'll try to update always..:-)

Promise, You're My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon