Chapter 10- In The Bookstore

49 1 0
                                    

Pangalawa na ito sa imaginary list niya ng mga First Time niyang nalalaman tungkol kay JV-- reader din pala ito. Kasalukuyan silang nasa reading lounge ng bookstore at pareho silang tahimik na nagbabasa. The Third Twin by Ken Follet ang binabasa niya. At kay JV? Believe it or not! The Stallion Series ng Precious Hearts Romances! Of all the books, romance pocketbook pa ang napagtripan nitong basahin. At absorb na absorb pa ha!

Ang weird ng lalaking ito talaga..

Well.. Admit it.. You find him exemplary..

Hmm.. Yeah.. Pero weird pa din..

Admiringly weird...

Ang kulit talaga madalas ng mga voices sa utak niya. Ang hilig magdebate. Ang sarap na nga minsan pag-untugin. At dahil nga sa mga ito, hindi tuloy niya napansin na nakatingin na din pala sa kanya si JV.

Oh, no.. Not again..

Nahuli na naman siya ng walang kalaban-laban. Na naman!

"Akala mo siguro, kayo lang na mga babae ang mahilig magbasa ng mga romance pocketbooks noh?". Pang-asar ang ngisi nito..

Ang lakas maka-Edward Cullen ng lalaking ito.. Nahulaan talaga nito ang iniisip niya ha..

"Kayo talagang mga babae, masyadong double standard. You expect us to be overly romantic pero gulat na gulat naman kayo kapag romance-romance ang binabasa namin."

Mahina siyang napahalakhak. (Dahil hindi naman pwede ang malakas. Nasa reading lounge sila).

"Alam mo, wala pa akong sinasabi pero ikaw pwede nang chapter 1 ang speech mo."

Ngingiti-ngiti din itong sumagot sa kanya.

"Inuunahan lang kita. Mahirap kasi kapag nauna ka sa debate. Natatameme ako."

"At natatalo pa 'kamo", dagdag pa niya na sinang-ayunan naman nito.
"Pero alam mo, maganda talaga 'yang Series na 'yan. Nabasa ko na din ang iba n'yan."

"Oo nga eh. In a way, nakarelate ako dito sa bidang lalake. Kay Julian."

Na-curious siya.

"Bakit?"

Inabot naman nito sa kanya ang pocketbook na binabasa.
"Kahit Chapter 1 lang basahin mo, malalaman mo na."

Tinupi niya muna ang page ng binabasa niya bago binuklat ang binigay nito.

Ang Chapter 1 ay tungkol sa isang babae na member ng security group ng isla na gumawa ng eksena dahil inakala nito na may masamang balak ang bidang lalake sa kanya habang nagrerelax sa beach. Before the guy could explain everything, nabugbog na niya ito.

I can't find a similarity kung paano nakakarelate si JV rito. Hindi ko pa naman nabalitaan na nabugbog ito dahil sa pananamantala.

She continue reading.

Dumako na siya sa part na nagharap ang aggrieved at nang-aggrieved na party. Napag-alaman na naparanoid lang ang babae dahil naalimpungatan ito sa pag-idlip at nang magising ay may nakatabon nang trunks sa mukha nito. Akala niya ay may masamang tangka sa kanya ang lalake dahil tanyag ito sa pagiging babaero.

Now, I know the relationship..:-) at least aminado nga ang mokong na ito sa weakness.

Nakangiting tiningnan nya ito.

"Buti, aminado ka na babaero ka", aniya.

"Uyy, wala akong sinabing ganyan," depensa nito.

"Eh, palikero dito si Julian. 'Yan lang ang nakikita kong similarity nyo eh"

"Aray naman. Para ka ding si Arj ah.(ang bidang babae sa pocketbook). Hindi mo nga ako binugbog physically pero sinaksak mo naman ako ng maling akusasyon."

"Ay sus.. Ang drama.. Andami kayang patunay.. Andyan yung hindi mabilang-bilang na girlfriends na pinaiyak mo."  Naa-amuse na siya sa takbo nang usapan nila. Cute pala ito magtampu-tampuhan.

'Yan talaga ang similarities namin ni Julian (ang bidang lalake). Nahuhusgahan agad." Lumungkot ang boses nito. Nabahala naman siya. Tila totohanang tampo na ito ah.

"Hey, ano ba? Ba't sumersyoso na tayo? We are just goofing around."

May kasunduan na sila, remember. Pero heto na naman siya. Unintentionally, tila sinampal na naman niya sa mukha nito ang pagka-playboy nito. Unfair na naman siya.

"No.. No.. Ok lang ako. Aminado naman ako na may katotohanan yung mga sinabi mo." Lumipat ito sa couch na malapit sa kanya.

"Pero try to finish the book. Malalaman mo ang story ko. And the man behind this playboy." At kumindat pa sa kanya.

"Ok. Sige. Try na lang natin maghanap ng copy nito. Tapusin ko muna ang binabasa ko." Nginitian naman niya ito to lighten the atmosphere.

"Call." At tumayo na ito. Agad itong tumungo sa counter. Malamang nagtanong kung may copy. She continued reading the Third Twin. Hindi naman nagtagal ay bumalik ito. Bitbit na ang nabiling copy ng pocketbook.
Umupo ito sa tabi niya. Daig pa sa bestfriends ang drama nila ngayon. To think kagabi lang sila nagkasundo. Pwede pala silang magbest buds 'pag nabigyan lang ng chance. And the credit goes to her Kuya's abandonment.

Inilahad niya ang palad rito. Signaling to hand the pocketbook to her pero umiling ito.

"Mamaya ko na lang ibigay sa'yo sa bahay. Lalagyan ko muna ng dedication," anitong tumawa ng mahina.

"Dedication?! Ano slumbook?!" Nakataas ang kilay na bulalas niya.
He grinned. Para itong Cheshire Cat sa Wonderland. Ang sarap patayin sa tindi mang-asar. Ngiti pa lang 'yan ha. Pero kagaya ng pusang iyon, hindi niya ito magawang sakalin dahil nawawala din ito. Nawawala din ang asar niya the moment he looked at her intently. (OA na kung OA pero parang siya ang gusto mawala kapag tumitig na ito sa kanya.) Kung makatitig kasi tagus-tagusan. Sa buto at laman. Lakas maka-X-ray ng mata.

"Basta huwag kang mainip ha.. I'll give this to you. Promise." Sweet na naman ito..

Hay.. So mixed emotions..

-------

END OF CHAPTER 10..

Wow.. Natapos ko din ang Chapter na ito after how many months.
I'm so sorry. I've been hibernating for so long.

I'll try to update the sooner possible. (My masteral, my motherly duties, my  marital obligations, and my career eat most of my time.)

Enjoy the upcoming chapters..

Thank you readers..:-) :-) :-) :-) :-) :-)

Promise, You're My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon