Chapter 4- Awkward?!

36 0 0
                                    

Tanging tunog lang ng kutsara't tinidor ang maririnig sa buong dining. Kasalukuyan silang nag-aagahang tatlo. Halos nangangalahati na sila sa kanilang breakfast pero wala talagang may kumikibo.

Isang tikhim ang narinig nila na sabay nilang kinalingon sa kuya niya.

"Mayroon ba akong hindi nalalaman?"  Nag-usisa ito. Na-tensed naman siya dahil pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa ni JV. Bumawi siya ng tingin. Nagkunwang itinutuon ang atensyon sa pagkain.

"Nalalamang ano, bro?". Si Jv ang sumagot on their behalf.

"Ewan ko sa inyo. Mula pa kanina, ni hindi ko man lang kayo nakitang nagbatian. Nakakapanibago lang."

Nanatili lang siyang nakayuko. It's the safest way not to get caught. Ayaw na din niyang maungkat pa ang naging pag-uusap nila ni JV nung nakaraang gabi. She don't want to make a big deal out of it. Nasabi na din naman niya ang dapat niyang masabi. It's up to this man to decide what to do next. Nasa hustong gulang na din naman ito. Bobo lang ang paulit-ulit na sinasabihan. Marami na siyang sariling issues and meddling with their women would be too much.

Minadali na lang niya ang pagkain at nagpa- excuse na siya.

"Maaga pa class ko," pagdadahilan niya at tumalikod na.

" Uy, sis. Maaga pa. Sabay ka na sa amin."

" Di na kuya. I'll just take my car." Kinuha na lang niya ang gamit at susi ng kotse nya sa kwarto at lumabas na.

Isa namang nagtatanong na titig ang ipinukol ni Adrian sa kaibigan na sinagot lang din nito ng isang simpleng kibit-balikat.

-----

Naglibot na lang muna siya sa isang bookstore malapit sa school nila. 10 pa kasi ang pasok niya. Kaso dahil sa kagustuhan niyang umiwas sa mausisa niyang kapatid at maputol ang uneasiness na nafi-feel niya towards JV, kaya siya napaaga ng pasok. It's just seven-thirty in the morning. Binibigay na niya ang sole rights kay JV kung magkukuwento ito sa kuya niya ng mga nangyari kagabi o hindi. Labas na siya doon. Ayaw niya kasi na humaba pa ang usapan at ma-interrogate ng 'di oras.

How she wish na hindi na sila mapang-abot mamaya pag-uwi niya. Sana gumimik na lang ulit ang mga ito. At least maico-condition pa niya ang sarili at mawala ang kung ano mang ilang na mayroon siya ngayon towards JV. Hindi niya kasi alam kung paano pa ulit niya ito haharapin after everything.

Alam mo, Marie, OA ka na. Daig mo pang naging ex mo siya para mailang ka ng ganyan.

Well..

Well, ano?

Ex lang ba ang may karapatang mailang?

Pwede rin 'yung nEXt..

Hoy.. don't ever go there. Hindi kailanman mangyayari 'yun. Never! NOT Ever!

Eh 'di never. Ba't nagfo-force? Guilty!

Shut up!

It's really getting complicated inside her head. Damn you, JV!

Hindi ka dapat magpaapekto. Hindi ka dapat magpaapekto.

'Nga naman. Si Nicole ang concern niya at hindi ang sarili. Stop this crazy thinking. Erase. Erase.

Nilibang na lang niya ang sarili sa paghahanap ng bookmarks.

----

She's starting to avoid him.

Iyon ang nababasa niya sa ginawa kaninang pagmamadali ni Marie na umalis. Daig pa kasi ang nagdi-diet sa konti ng kinain nito kanina. Nag-usisa pa kasi itong si Adrian eh. Masyado ring sensitibo ang radar at madali talagang makaamoy ng "something". Maige na lang at nagkasya ito sa sagot niya na kibit-balikat at hindi na nagpa-elaborate pa.

He's much more concerned sa pag-iwas sa kanya ni Marie kesa sa problema niya kay Nicole.

Paano kung hindi na talaga ito makikipag-usap sa kanya? Paano kung sa tuwing magkikita sila ay wala silang kibuan? Napakalungkot naman n'un. His ultimate crush, hindi siya papansinin?

Hindi pwede.

Act like nothing has change, JV. Ipakita mo sa kanya na okay lang sa'yo ang naging pag-uusap n'yo. That way, hindi ka niya iwasan.

Pwede. 'Yun na lang ang gagawin niya. As if nothing happened.

Thanks brilliant mind..

---- End of Chapter 4..

Maiksi lang ang chapter na ito. But it still makes sense. Read on and get kilig!!!

:-)

Thanks a bunch for reading..

Promise, You're My LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon