Monday morning.
Everything's normal.
Except one.
Papasok siya sa school na si JV ang kasama.
At sa kotse pa siya nito sasakay! Meaning, ito din ang magiging kasama nya pag-uwi mamaya. Strangely, they're both acting as if nothing really happened last night.
Paggising niya kanina, the same ang scenario. Nakapagluto na ito, he greeted her good morning with a smile, at inalok siya nito na sa kanya na sumabay. Maaga daw itong umuwi sa bahay nito para makuha ang kotse.Over breakfast, tinanong pa siya nito kung nabasa na daw niya ang book na binigay nito. In which she answered no. Hindi naman ito nag-insist pa. Napag-usapan din nila ang kanya-kanyang trip tuwing break. They have varied topics. Pati schedule niya inalam pa nito. Pero wala talagang nag-open up sa kanila about sa last night's episode.
Naisip niya, baka wala na iyon rito so she might as well forget about it too and just go with the flow.
Nang makarating sila sa school, ini-expect na niya na may mangilan-ngilan na pagtitinginan sila. Why, of course! Bagong tanawin ito sa paaralan nila. Siya, kasama ang halos noo'y isumpa niyang lalaki sa campus? It can't be true!!
At 'yun nga ang nangyari. She can see varied reactions from the crowd sa bawat bench sa hallway na madaanan nila. Extra sweet pa naman sa kanya si JV. Pinagbuksan siya ng pinto ng kotse, inalalayan, at nagprisinta pa itong ihatid siya sa building niya habang ito pa ang may bitbit ng libro at folder niya.
Kung titingnan sila, pwedeng i-conclude na may something sa kanilang dalawa.
At kung ito man ang isipin ng mga echosero at echoserang palaka sa campus nila, wala siyang balak i-correct ang mga ito.What makes her think that way?
Well, she just realize how hard it is to fight againts one's self. Ang hirap makipagdebate sa sariling utak at mas lalong mahirap makipagmatigasan sa sariling puso.
Kahit naguguluhan siya ngayon sa kung ano ang nangyayari sa kanila ni JV, kung anong drama ang ginagawa nila, at kung anong klaseng status mayroon sila, wala na siyang pakialam. Ang pinagbabatayan na lang niya ngayon ng kanyang kilos ay kung saan siya masaya.
At masaya siya ngayon.
So, eto pala ang feeling ng may naghahatid sa'yo sa harap ng classroom mo. Nakakadagdag ng ganda!
"Ok ka na ba dito?" JV asked her nang makarating na sila sa Room 201- ang room ng first subject niya.
"Yeah. I'm fine. Salamat.," sabay kuha sa libro at folder na hawak nito.
Gosh.. Ba't kinikilig ako?!
"What time vacant mo?" Tanong ulit nito.
"10 pa." Bakit? Gusto niya sanang itanong.
"Can I see you? Sabay tayo mag-snack,"anito.
"Ok."
Naman. Hindi ka man lang nagpakipot na babae ka!
"Good. See you then." At tumalikod na ito.
Ang harot mo teh.!
BINABASA MO ANG
Promise, You're My Last
RomanceThis story is inspired by Jovit Baldivino's hit song PAANO. PAANO by: Jovit Baldivino Sa lahat ng nagawa Ikaw lang ang tama Bigla pang nawala Tao lang ako. May kahinaan pagdating sa mga tukso Sana'y patawarin mo Dahil di ko alam kung paano. Chorus: ...