Sabi nga nila bawat tao nakatadhanang mabuhay,
Naka plano kung saan, kailan at paano mabubuhay ang isang tao.
Naka plano na rin kung sino ang magmamahal sa kanila at kung sino ang magiging parte ng buhay nila.
Pero hindi lang naman dun natatapos,
Naka plano na rin kung paano, kailan at saan sila mamamatay.
at ako...
Ako ang isa sa mga taga sundo.
Bawat isa samin ay may isang taong binabantayan at kami ang nakatalaga na sumundo sa kanila pag dating ng tamang oras nila. Para samahan silang itawid sa dapat nilang puntahan at hindi maligaw. Para din hindi sila magaya samin na walang sumundo at nananatili lamang hanggang sa dumating ang tamang oras namin ng pag tawid at mangyayari lang yun kapag nasundo na namin ang taong nakatalaga namin sunduin.
Madali lang ba?
HINDI.
Madalas kaming kinakatakutan, sinusumpa o kinagagalitan.
Buti ang mga anghel madali lang ang trabaho, sila lang ang tagabantay ng mga tao nakatalaga nilang alagaan at puwede pa silang magbigay ng regalo at yun ang regalo ng buhay na talagang kinaiinisan namin mga tagasundo. Kaya ang saya saya ng mga tagabantay eh, sila ang tinitingala ang hinahangaan ng lahat. Pero kami?
Ang hirap.
Lalo na kapag nakita mo ng nasasaktan at umiiyak ang mga taong naiwan ng susunduin mo... Pero ano naman ang gagawin ko kung yun na talaga ang oras ng taong yun?
Yan ang hirap eh, hiram lang naman ang lahat... Kasalanan pa ba namin kung hindi nila sinulit ang oras nila sa mundo?
Gustong gusto ko ng makatawid at makapagpahinga pero parang ako na yata ang pinaka malas na tagasundo dahil palagi na lang nabubuhay yung mga taong dapat eh susunduin ko dahil sa regalo ng mga tagabantay at hindi counted yun para makatawid ako. Nakakapagod din mag intay ah, nakakapagod din magbantay ng taong mamamatay. Nakalimutan ko na nga kung anong nangyari sakin at kung gaano na ko katagal na nandito eh.
"Handa ka na bang sumundo Liam?"
"Gustong gusto ko ng makatawid, handang handa na kong sumundo"
NOTE:
Handa na ba kayong samahan sila? Tutulungan niyo bang sumundo si Liam o pipigilan ninyo siya?
CAST:
Liam - Alden Richards
Maya - Maine Mendoza
Lucas - Xian Lim
Gail - Kim Chiu
Super maikli lang to kasi sobrang busy ko talaga T^T Sobrang namiss ko lang talagang magsulat kaya ito muna kahit papaano makakapagsulat ako. Yung mga on hold na stories KAPIT lang guys konting tiis tatapusin ko din yan tiwala lang :) Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
Sundo by GIUSTINA93
RomantikSi Liam ang isa sa mga taga sundo ng taong namamatay at isa lang ang kanyang trabaho at yun ay ang ligtas na maitawid ang taong nakatalaga niyang sunduin sa tama nitong landas at hindi maligaw sa ibang direksyon o maligaw. Napakadali kung tutuusin...