Liam's POV
"GUMISING KA NA!!!"
Kanina pa ko sigaw ng sigaw, kanina ko parin siya ginugulo pero para siyang batang nang iinis dahil tinatakpan niya lang ang tenga niya at ayaw makinig sakin o ayaw akong marinig. Umupo ako sa bakanteng espasyo ng kama niya at tsaka siya muling tinitigan kung gising na ba siya o hindi pa.
"Akala ko ba sasamahan mo ko?" tanong ko dito
Hindi siya kumibo o gumalaw man lang kaya naman hindi ko alam kung nakikinig ba siya sakin o wala lang lahat ng sinasabi ko sa kanya ngayon.
"Ikaw na lang ang pag asa ko para malaman ko kung sino ba talaga ako Maya" sabi ko dito at tsaka siya tiningnan
Nakita ko naman na nakatingin din ito sakin ng seryoso at tsaka umupo at huminga ng malalim.
"Ito na po" sabi nito at tsaka tumayo
"Salamat" sabi ko dito at tsaka siya inakap ng mahigpit dahil sa labis na kasiyahan na nararamdaman ko "Sa wakas malalaman ko na kung sino ako" sabi ko dito at tsaka kumalas ng pagkaka akap sa kanya
"Labas" sabi nito na tila ba nabigla sa pagkaka akap ko sa kanya
"Aantayin kita" sabi ko dito at tsaka siya iniwan sa kuwarto niya at lumabas
"Sigurado ka ba talaga sa ginagawa mo?" tanong sakin ni Lucas
"Lucas, ito ang matagal ko ng gusto. Hindi ka ba masaya para sakin?" tanong ko dito
"Masaya ako para sayo Liam. Sana pagtapos nito ay wala ng tanong sa isip mo at sana masagot na lahat ng katanungan mo" ngumiti ito at tsaka naupo sa sofa
"Nag aayos lang si Maya tapos aalis na tayo" sabi ko dito at tsaka naupo sa kabilang bahagi ng sofa
"Hindi ako sasama" sabi nito at tsaka tumingin sakin "May kailangan akong asikasuhin" ngumiti ito at tsaka nahiga na para bang pagod na pagod siya
"Mahalaga ba?" tanong ko dito
"Mahalaga" sabi nito at tsaka ngumiti sakin
"Tara na" sabi ni Maya pag labas nito ng kuwarto "Magpapaalam lang ako" at tsaka ito naglakad papunta sa kuwarto ng pinsan niya. "Ate, aalis muna ako ah? Babalik din ako agad. May lagnat ka pa ba? Wag ka mag alala babalik agad ako" sabi nito sa tapat ng pinto ng pinsan niya
Agad naman siyang tumingin sakin at tsaka sumenyas na umalis na kami kaya naman agad akong tumingin kay Lucas para magpaalam na dito.
BINABASA MO ANG
Sundo by GIUSTINA93
RomanceSi Liam ang isa sa mga taga sundo ng taong namamatay at isa lang ang kanyang trabaho at yun ay ang ligtas na maitawid ang taong nakatalaga niyang sunduin sa tama nitong landas at hindi maligaw sa ibang direksyon o maligaw. Napakadali kung tutuusin...