Pagtatagpo (I)

136 4 1
                                        

Liam's POV


"Liam"


"Liam"


"Liam"


"Liam!"


"Ha?"


Agad akong napatingin sa lalaking kanina pa pala nasa harapan ko, siya si Lucas. Ang lalaking palagi kong nakakasama at ginagabayan ako sa kahit na anong mangyari sakin. Parehas ata kami ng tadhana nito dahil hanggang ngayon hindi parin siya nakakatawid.

Wala akong masyadong alam sa kanya dahil tahimik lang naman siya. Kapag susundo naman siya kadalasan hinahayaan niya lang ang tagabantay at hindi siya nakikipag unahan dito. Minsan hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang magparaya kung alam na alam naman na kaya niyang unahan ang tagabantay at puwedeng puwede niyang sunduin ang taong nakatalagang sunduin niya.


"Kanina pa kita tinatawag hindi ka naman sumasagot, ano ba yan? Bago mong susunduin?" tanong nito sakin habang tinitignan ng maigi ang litrato na hawak hawak ko


"Tignan mo, parang hindi naman mamamatay 'tong babaeng to. Ang saya saya niya tapos parang wala naman siyang problema" sabi ko kay Lucas habang inaabot ang litrato ng babaeng nakatadhanang sunduin ko


"Maya, 20 anyos, may cancer" tumingin ito sakin at tsaka ngumiti "Hindi naman dahil sa may sakit siya eh titigil na rin ang mundo niya para hindi maging masaya" tumabi ito sa kinauupuan ko at tsaka ibinalik sakin ang litrato


"Pero pano kung mabuhay siya? Pano kung bigyan siya ng regalong buhay ng tagabantay? Ano? Ako nanaman ang malulugi?" naiinis kong tanong dito


"Bakit ba nagmamadali kang tumawid Liam? Masaya naman dito ah?" naka ngiting tanong sakin ni Lucas


"Naiinip na ko Lucas, gusto ko ng makatawid" nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago ko itinuloy ang sinasabi ko sa kanya "Gusto kong malaman kung sino ako, gusto kong malaman kung ano ang nangyari sakin at kung saan ako nanggaling... Kung bakit hindi ako sinundo at alam ko na sa pag tawid ko lang malalaman lahat ng sagot sa mga tanong ko"


Nakita ko naman na nawala ang ngiti sa mga labi niya at tsaka naging seryoso ang mga tingin niya sakin. "Liam, kailangan mo pa ba talagang malaman kung saan ka nanggaling?" tanong nito sakin


"Importante sakin lahat, importante sakin na maalala ko kung sino ako bago ako mamatay" tinignan kong muli ang litrato ng babaeng susunduin ko "At siya, siya ang makakatulong sakin para masagot ang lahat lahat ng katanungan ko"



*****

Maya's POV


"Maya! Nagpapagod ka nanaman!!!!"


"Ate! Chill ka lang puwede?"


Agad akong naupo at pinatay ang music dahil ramdam ko na ang nagbabadyang 30 minutes ni ate Gail dahil nahuli nanaman niya kong nagsasasayaw at nagtatatalon sa kama habang kumakanta ng girls just wanna have fun. Masama bang maging masaya at mag enjoy paminsan minsan?! Ang tindi rin ng pagiging KJ nitong si ate Gail eh.

Sundo by GIUSTINA93Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon