Maya's POV
"Maya?" Tawag ng isang pamilyar na boses
"Ate?" Tanong ko dito
"Pinag alala mo ko, Maya. Ano ba iniisip mo at kung ano ani pinag gagawa mo?" Inis na tanong nito habang humuhikbi
"Pano?" Tanging natanong ko dito habang pinipilit na umupo
"May naka kita sayo na guard, buti na lang talaga tinakbo ka nila agad sa ospital. Nakita nila ang contact number ko sa wallet mo. Maya, sa susunod na may gagawin kang imbestigasyon o kung curious ka sa kung saan man, puwede ba? Tanungin mo na muna ako?"
Nang marinig ko naman ang sinabi ni ate na imbesigasyon. Agad akong napalinga sa paligid para maghanap.
"Asan si Liam?" Malakas na tanong ko nang hindi naiisip na nasa harapan ko nga pala si ate
"S-Sino?" Kinakabahan nitong tanong
Agad akong napatingin kay ate. Hindi ko alam kung anong paliwanag ang sasabihin ko sa kanya. At alam ko na hindi niya na paniniwalaan ang mga sasabihin kong palusot.
"Pano mong nakilala si Liam?" Tanong sakin ni ate
"Ate..." huminga ako ng malalim at tsaka siya tinitigan sa mga mata "humingi siya ng tulong sakin" paliwanag ko dito
Nakita ko naman na nanlako ang mga mata niya. Hindi ko alam kung maniniwala sakin si ate o maiinis dahil sa mga pinag sasabi ko sa kanya.
"Magpaliwanag ka" seryosong sabi niya at tsaka naupo sa may harapan ko
Ngayon lang ako natameme kay ate ngayon. Ngayon lang ako hindi makapag salita sa tanong niya. Asan ka na ba Liam? Ano ang nangyari sayo?
*****
Liam's POV"Ayos ka lang?" Tanong sakin ng isang pamilyar na boses
Hindi ko ito masagot at naka tingin lang ako sa pinto ng kuwarto ni Maya. Akala ko mawawala na siya sakin kagabi, akala ko iiwan niya na ang mga mahal niya sa mundo.
"Alam ko galit ka sakin, alam ko na hindi mo ko mapapatawad dahil maglihim ako sayo. Sana mapatawad mo ko Liam" sabi nito at tsaka nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga "Ngayon... Ngayon alam mo na ang katotohanan, ano na ang susunod mong hakbang? Susunduin mo na ba siya?" Tanong nito sakin
"Akala ko matatahimik na ko kapag nalaman ko na ang katotohanan. Akala ko matatahimik na ko kapag natawid ko na siya... Pero iba... Mahal ko siya.... Yun ang sinasabi ng puso ko... Nakita ko kung pano siya nawalan ng malay.. Nakita ko nagkulay pula ang kuwintas... Hindi ko siya magawang matulungan... Siya... Na tumulong sakin para malaman kung sino ako... Na ipinagkait mo sakin... Bakit?"
Tinignan ko siya. Tinignan ko ang lalakin sabi na kapatid ko. Nakatingin ito sa mga mata ko, alam niya na galit ako at alam niya na kinamumuhian ko siya.
Ngumiti naman ito ng pilit sakin at tsaka tumingn din sa pinto kung saan nandun si Maya.
"Alam ko na kinamumuhian mo ko ngayon... Hindi ko din inaasahan na kakausapin mo pa ko pagtapos ng lahat ng nagawa ko Liam" sabi nito at tsaka tumingin sakin
"Bakit mo ko pinaglaruan ng ganito Lucas? Alam mo kung gaano ko kagusto na malaman kung sino ako... Bakit hindi ka nagsalita? Bakit ka naglihim?" Sunod sunod na tanong ko dito
Natahimik naman ito at tsaka tumabi kung saan ako naroroon.
"Mahirap din para sakin na itago sayo Liam, Pero yun lang ang tanging paraan para.." Hindi pa man siya nakakatapos ay hindi ko na napigilan pa ang sarili kong masigawan siya
BINABASA MO ANG
Sundo by GIUSTINA93
RomanceSi Liam ang isa sa mga taga sundo ng taong namamatay at isa lang ang kanyang trabaho at yun ay ang ligtas na maitawid ang taong nakatalaga niyang sunduin sa tama nitong landas at hindi maligaw sa ibang direksyon o maligaw. Napakadali kung tutuusin...