Liam's POV
"Liam, bakit hindi mo na lang antayin na mag berde ang kuwintas mo bago siya sundan?" tanong sakin ni Lucas
"Gaya ng sabi ko sayo Lucas kailangan ko ang tulong niya, siya lang ang makakatulong sakin para malaman kung sino ba talaga ako" paliwanag ko dito
"Ganun ba talaga ka importante sayo?" tanong nito sakin
"Importante sakin na malaman kung sino ba talaga ako, kung anong nangyari sakin at kung bakit ako namatay" umupo ako at tumingin sa kanya "tutulungan mo naman ako diba?" tanong ko dito
"Ako?" tanong nito habang tinuturo ang sarili niya "Pano kita matutulungan Liam? Parehas lang naman tayo" sabi nito
"Kailanga kita Lucas, kailangan ko ng kaibigan" sabi ko dito at tsaka hinawakan ang kuwintas ko "Hindi ko alam pero sa ngayon gusto ko munang maging ligtas siya para matulungan niya kong makilala ang sarili ko" sabi ko dito at tsaka tumayo
"San ka pupunta?" tanong nito sakin
"Kailangan ko siyang kausapin Lucas, hanggat maaga gusto ko talagang malaman kung sino talaga ako" sabi nito at tsaka ako nagsimulang maglakad pero napahinto ako nang marinig ko ang tawag sakin ni Lucas
"Kung yan talaga ang gusto mo, sige tutulungan kita" sabi nito
"Salamat Lucas" sabi ko dito at tsaka kami sabay na umalis para hanapin si Maya
*****
Maya's POV
"Ang ibig mong sabihin may lalaking nahimatay at dinala mo sa unit natin at tinago mo sa kuwarto mo?" hindi makapaniwalang tanong sakin ni ate
"Oo ate, sorry na hindi ko nasabi sayo ng maayos kasi naman nakakataranta ang aura mo eh" sabi ko dito at tsaka nagsimuang kumain ng candy
"Maya ano ba yan ang aga aga candy ka nanaman" naiinis nitong suway sakin
"Ate naman wag ka naman nagger please?" sabi ko dito at tsaka muling kumuha ng candy at kumain
"Maya, baka akala mo nakaligtas ka na? Bakit ka naman nagpapapasok ng ibang tao sa unit natin? Pano kung masamang tao yun? Edi napahamak tayo. Isa pa wala akong nakitang ibang tao sa kuwarto mo nun pano siya nagtago?" tanong nito sakin
Oo nga, pagsilip ko sa kuwarto wala na si kuyang nahimatay kaya naman nakaka gulat kung saan siya nagtago at kung paano siya nakalabas ng unit ng walang nakakakita sa kanya kahit isa samin ni ate. Pero may bintana sa room ko kaso imposible parin dahil nasa 10th floor kami kaya napaka imposibleng nakatalon siya at kung nakatalon man siya sa malamang tegi na siya nun.
"Hindi ko nga rin alam ate kung saan siya dumaan eh. Pero wala naman nawala sa mga gamit ate promise inisa isa ko talaga" paliwanag ko kay ate at muling kumuha ng candy pero agad nitong pinalo ang kamay ko "Ate, isa lang naman" pakiusap ko dito
BINABASA MO ANG
Sundo by GIUSTINA93
RomanceSi Liam ang isa sa mga taga sundo ng taong namamatay at isa lang ang kanyang trabaho at yun ay ang ligtas na maitawid ang taong nakatalaga niyang sunduin sa tama nitong landas at hindi maligaw sa ibang direksyon o maligaw. Napakadali kung tutuusin...