Maya's POV
"Matagal pa ba tayo?"
-_-
"Wala pa ba?"
-_-
"Baka naman nawawala na tayo?"
"Liam, talagang mawawala tayo kung ganyan ka kakulit na tao ka" sabi ko dito at tsaka inihinto ang sasakyan
"Oh? Bakit ka huminto?" tanong nito sakin
"Nagugutom na ko, pakainin mo naman ako" reklamo ko dito
"Kailangan ba yun?" tanong nito sakin
"Alam ko tagasundo ka or service or whatever pero pakainin mo muna ako okay? Para mahanap natin yang birth certificate mo" sabi ko dito at tsaka nagsimulang maglakad palayo
"Miss may sasakyan!!!" dinig kong sigaw ng babae
Pero huli na ata ang lahat? Hindi ako makaatras, makasigaw o kahit makapag react man lang nang makita ko ang mabilis na andar ng sasakyan na deretso sakin. Lakas lang ng busina nito ang tangi kong naririnig. Ito na ba ang katapusan ko?
"Maya!"
*****
Lucas' POV
"Maya!" malakas na sigaw ni Liam nang makita niyang may mabilis na sasakyan ang bubunggo dito
Kitang kita naman ang pagka bigla ni Maya kaya hindi ito makagalaw, pero bago pa man ito mabunggo ng humaharurot na sasakyan ay agad siyang nahila ni Liam sa panganib. Kitang kita ko sa mga mata ni Liam ang pag aalala. Hindi mo maiiwas sa kanya na mag aalala kahit na alam niyang kapag hinayaan niya si Maya ay maaari niya na itong sunduin.
"Nagbabago ka na nga kaya Liam?"
*****
Liam's POV
Hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung anong susunod kong gagawin. Patuloy lang na umalis ang kaskaserong may ari ng sasakyan na parang walang nagawang kasalanan. Hanggang ngayon malakas parin ang kabog ng dibdib ko, hanggang ngayon nakakaramdam ako ng kaba, at hanggang ngayon ramdam ko rin ang bilis ng kabog ng dibdib niya.
"A-Ayos na ko" mahina nitong sabi sakin
Pero hindi ko parin maalis ang pagkaka akap ko sa kanya. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ako nagkaganito? Alam ko naman na kung pinabayaan ko siya kanina ay puwede ko na siyang sunduin at itawid at pagtapos nun ay makakatawid na rin ako at malalaman ko na kung sino talaga ako.... Pero bakit pinili ko na sagipin siya?
"Liam, okay na talaga ko" sabi nito habang dahan dahan na umaalis sa pagkaka akap ko
BINABASA MO ANG
Sundo by GIUSTINA93
عاطفيةSi Liam ang isa sa mga taga sundo ng taong namamatay at isa lang ang kanyang trabaho at yun ay ang ligtas na maitawid ang taong nakatalaga niyang sunduin sa tama nitong landas at hindi maligaw sa ibang direksyon o maligaw. Napakadali kung tutuusin...