Pagtatapat (V)

84 6 1
                                    

Liam's POV


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"


"Hindi ka pa ba matatapos diyan?" tanong ko dito


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"


"Liam, mabuti pa umalis na tayo" aya sakin ni Lucas


"Iwan mo muna siguro kami Lucas?" tanong ko dito


Nakita ko naman itong ngumiti at umiling na parang hindi makapaniwala sa hinihiling ko sa kanya pero sa huli naman ay lumabas din ito at ng kuwarto kung saan kanina pa tawa ng tawa si Maya.


"Maya" tawag ko dito


  "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" 


"Hoy?" tanong ko dito


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" 


"Maya" pag uulit ko


"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" 


Huminga ka ng malalim Liam, wag kang sisigaw o magagalit. Agad akong tumayo at hinawakan ang mga pisngi niya. Nahinto naman siya bigla sa pag tawa at halatang nagulat sa ginawa ko sa kanya, inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at kitang kita ko naman sa mga mata niya na gulat na gulat siya sakin.


"Titigil ka na ba sa pag tawa?" mahinahon kong tanong dito


 Hindi parin ito sumasagot sakin pero buti na lang kahit papano nahinto na siya sa pag tawa niya pero ngayon naman ay nakatulala lang siya sakin. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin ko para kausapin niya na ko ng maayos. Tinitigan ko itong muli sa mga mata at tsaka ko ulit sinubukan na kausapin siya.


"Maya, totoo ang sinasabi ko sayo" sabi ko dito at tsaka siya dahan dahan na binitawan


Narinig ko ang malalim na pag hinga niya at tsaka umayos ng upo at ngumiti sakin.


"Kung talagang ikaw ang susundo sakin... Bakit kita nakikita?" tanong nito sakin


"Hindi ko rin alam. Sa totoo lang ngayon lang ata to nangyari? Siguro dahil malapit ka ng tumawid kaya nakikita mo na kami?" tanong ko sa sarili ko at tsaka nagpakawala ng buntong hininga "Hindi ko alam kung naniniwala ka sakin pero ano naman ang mapapala ko kung nagsisinungaling ako sayo?" sabi ko dito at tsaka siya tinignan sa mga mata


"Kung ikaw ang susundo sakin... Bakit hindi mo pa ko tinatawid?" tanong nito at tsaka mapait na ngumiti sakin


Ipinakita ko ang nakasabit na kuwintas sa akin.


"Hindi pa nakatakda" sabi ko dito at ipinapakita ang kulay asul na kulay ng kuwintas "Kapag nagkulay berde na ito, dun lang kita maaaring sunduin at itawid" paliwanag ko dito

Sundo by GIUSTINA93Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon