Flashback
"Anong pangarap mo?"
"Makasama ka"
"Ayan ka nanaman sa pambobola mo eh, mukha ba kong siopao sa paningin mo?"
"Alam mo kasi, kahit na palagi tayong magkasama. Pinapanalangin ko parin na magkasama tayong dalawa"
"Hindi ka naman mawawala diba?"
"Hindi ako mawawala"
"Promise?"
"Promise"
End of Flashback
Lucas' POV
"Lucas!"
"Nananaginip ka nanaman"
Pumikit siya at tsaka pinunasan ang luhang tumutulo sa mga mata niya.
"Araw araw na lang kitang nasasaktan, Gail. Tama pa ba na mag stay ako?" Tinignan ko ito at nagulat ako nang makita ko siyang ngumiti
"Hanggang ngayon, pinapaalala mo sakin na hindi mo ko iiwan, baby. Mag hihintay ako sayo kahit gaano katagal"
Narinig ko itong bumuntong hininga pero agad din naman ngumiti. Ang ganda talaga niya kapag naka ngiti, kitang kita mo yung kinang ng mga mata niya at ang mapupula niyang labi.
"Baby, wag kang mawawalan ng pag-asa" agad ko itong nilapitan at tsaka tinitigan ang maganda niyang ngiti ng pag-asa
*****
Liam's POV"Maya"
"Hmm?"
"Bakit gusto mong makatawid agad?" tanong ko dito
Napahinto naman ito sa pagkain niya at tsaka nakangiti na humarap sakin.
"I guess, tumigil na ko sa pangarap ko na gagaling pa ko. Kung sa umpisa pa lang kasi may malaking orasan na naghahantay sakin" biro nito at tsaka nagpatuloy sa pag kain niya
Napahawak naman ako agad sa kuwintas ko na nagtataglay ng kulay berde. Ibig sabihin... Nanghihina na siya at malapit ko na siyang sunduin kapag nag pula na.
"Liam, tingin mo kaya hindi ka pa nakakatawid kasi di mo pa alam kung sino ka? Tingin mo? Makakatawid ka na? Tingin mo? Magkakasama kaya tayo kapag... kapag alam mo na?" Tanong nito sakin
"Sa totoo lang, Maya... Ayokong tumawid ka muna... Ayoko din tumawid muna" pag amin ko dito
Halata naman na nabigla siya sa sinabi ko. Sa totoo lang, naguguluhan din ako sa nararamdaman ko. Dahil dati pa man gustong gusto ko ng makatawid at gagawin ko ang lahat masundo ko lang siya. Pero ngayon, gusto ko...
"Bakit?" Tanong niya sakin
"Kasi..."
"Kasi?" tanong nito
"Kasi gusto pa kitang makasama, Maya" pag amin ko dito
"Pero... May kasunduan tayo" sabi nito habang umiiwas ng tingin sakin
"Maya, masama bang... Masama ba na.. magustuhan kita?" tanong ko dito
"Anong... Ibig mong sabihin?" Tanong nito sakin
"Dati, gusto ko na sunduin ka kaagad para makatawid ako... Pero, Maya... Binago mo ko... Tinuruan mo kong magmalasakit.. Higit sa lahat... Pinaramdam mo sakin yung tibok ng puso ko" pag amin ko sa kanya
"Liam...." sabi nito pero nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang mawalan ng malay
"Maya!" Sigaw ko nang makita kong nawalan ito ng malay
Agad ko naman nakita ang kuwintas na nagkulay pula. Hindi... Hindi ako puwdeng lumapit sa kanya dahil kapag lumapit ako sa kanya... Yun na ang pag sundo ko sa kanya... Hindi... Hindi puwede...
*****
Lucas' POV"Ganun po ba? Sige salamat po... Salamat sa pag tawag manang... Sige po bye"
"Ano? Kamusta?" Tanong ng kaibigan ni Gail na bumisita sa kanya
"Nagpunta daw dun si Maya, tinatanong ang nangyari kay Lucas at kay Liam" pagkukuwento naman ni Gail na tila nag aalala
Ibig sabihin... Alam na ni Liam... Ibig sabihin alam niya na ang totoo.
"Wala pa bang tawag sa kanya?" Tanong ng kaibigan nito
"Wala nga eh Abby, ang hindi ko naman maintindihan kung bakit naging interesado si Maya kay Lucas at Liam na hindi ko naman napakilala sa kanya" pagtataka ni Gail
"Baka naman may nabasa siya o nakitang picture na naging interested siya?" Tanong sa kanya ni Abby
Alam na ni Liam kung sino siya... ang hindi ko alam... Kung handa na ba kong harapin siya.
*Ring Ring*
"Hello?" Sagot ni Gail sa telepono
Agad naman itong namutla at nataranta. Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata niya.
"Gail? Is everything okay?" Tanong ni Abby sa kanya at agad siyang nilapitan at pinakalma
"S-Si... Maya!...." sigaw ni Gail at tsaka humagulgol ng iyak
NOTE: Hanggang dito lang muna! Hahahaha! Enjoy reading! Vote and Comment please 😊😊😊😊
BINABASA MO ANG
Sundo by GIUSTINA93
RomanceSi Liam ang isa sa mga taga sundo ng taong namamatay at isa lang ang kanyang trabaho at yun ay ang ligtas na maitawid ang taong nakatalaga niyang sunduin sa tama nitong landas at hindi maligaw sa ibang direksyon o maligaw. Napakadali kung tutuusin...