Maya's POV
"Handa ka na bang umuwi at makita yung kapatid mo?" tanong ko kay Liam na kanina pa walang imik at tulala
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano siya kakausapin at tatanungin sa mga bagay. Kahit papaano galit parin yung nararamdaman ko tuwing naiisip ko na niloko niya ko" sabi nito at tsaka nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga
"Sigurado naman ako na kahit na ano pa ang mangyari, may dahilan siya kung bakit niya ginawa ang bagay na yun" sabi ko dito at tsaka siya tinapik sa balikat
"Salamat Maya, salamat at hindi mo ko iniwanan at sinamahan mo ko dito" sabi nito at tsaka hinawakan ang kamay ko
Maya, inhale at exhale lang. Wag kang masyadong magpahalata.... Wag mong ipapahalata na bigla kang na kuryente at nakaramdam ng kilig dahil lang sa hinawakan niya ang kamay mo.. >///<
"Bakit ka namumula?" nagtatakang tanong nito saakin
"Ikaw ba naman mabilad sa araw eh!" sigaw ko dito at tsaka siya iniwanan
Lokong lalaki 'to may gana pa talaga siyang magtanong sakin ng kung ano ano -_- kung di ka lang talaga guwapo naku naku hindi kita pagtytyagaan na samahan at alalayan... Pero sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko.
"Maya"
"Ay crush ng multo!" sigaw ko nang marinig ko ang boses niya
Pero hindi naman ako naka imik nang makita ko kung gaano ka lapit ang mga mukha namin nang lungunin ko siya. Halos mag dikit na ang mga mukha namin... in short... halos mahalikan niya na ako...
"Hoy" sabi nito habang naka titig sa mga mata ko "Anong crush?" tanong nito
"Sabi ko... Maglaro ka ng candy crush" sabi ko dito at tsaka lumayo sa kanya
"Maya" tawag nito sakin
"Bakit?" tanong ko sa kanya
"Sabi mo sakin... Sabi mo sakin kapag naramdaman mong tumibok ang puso mo... Kapag naramdaman mong hindi mo siya kayang mawala sa tabi mo" sabi nito habang lumalapit sakin
BINABASA MO ANG
Sundo by GIUSTINA93
RomantikSi Liam ang isa sa mga taga sundo ng taong namamatay at isa lang ang kanyang trabaho at yun ay ang ligtas na maitawid ang taong nakatalaga niyang sunduin sa tama nitong landas at hindi maligaw sa ibang direksyon o maligaw. Napakadali kung tutuusin...