Liam Sandoval (IV)

67 5 1
                                    

Maya's POV


"Buksan mo"


"Hindi nga puwede"


"Buksan mo sabi eh"


Ang kulit din naman talaga ng lahi nitong si kuya eh. Sinabi ng hindi puwede eh kanina pa siya pili ng pilit sakin -_- pektusan ko na kaya to?


"HINDI NGA PUWEDE KASI NAKA PRIVATE YUN ACCOUNT MO" paliwanag ko dito at tsaka ko sinubukan na pindutin yung profile picture niya


"BAKIT BA KASI HINDI PUWEDENG BUKSAN!" naiinis na sigaw nito


"Chill puwede? Ang init ng ulo mo eh napapaso ako" pang aasar ko dito


"Puro ka kalokohan" sabi nito at tsaka tumabi sakin para tignan yung profile niya


In fairness ah? Parang model ng ponds si kuya, ang kinis ng face niya dinaig pa ko eh. Para siyang hindi naaarawan at halatang anak mayaman ang kutis. Siguro anak to ng mayaman or kilalang tao? Ang dami niyang friends eh.


"May balak ka bang tunawin ako?"


Natauhan ako nang marinig ko ang sinabi niyang yun at tsaka ako muling tumingin sa screen ng laptop ko. Gano na ba ko katagal na nakatingin sa kanya? Bawal bang alamin kung may blackheads siya o pores? Bawal bang tumingin? Loko 'tong si kuya ah? Feeling.


"Ang cute mo pala nung baby ka eh!" sigaw ko habang tinuturo yung picture niyang available na makita


"Pano ko malalaman kung san ako nakatira?" tanong nito habang nakatitig sa picture niya


"Edi sa... San nga ba?" tumingin ako ulit sa picture niya at tsaka tinitigan ang pangalan niya "Birth certificate?" tanong ko dito


"San nakakakuha nun?" tanong nito sakin


"Edi sa NSO? Teka? Tama ba? AY PEKLAT!" 


-_- Nagulat ako nang bigla na lang niya kong hilahin. Ayos din to si kuya eh basta maisipan go lang ng go eh. Hindi nag iisip ah? At talagang ako ang hila hila niya ah?


"Liam sandali!" sigaw ni kuya Lucas pero hindi naman nakikinig 'tong si Liam


"Teka lang naman, tingin mo bukas na yun? Anong oras na kaya" sabi ko dito habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko


"Pupunta tayo dun para humingi at para malaman kung saan ako nakatira" sabi nito habang patuloy akong kinakaladkad


"Hindi nga puwede kasi sarado na yun pag pumunta tayo!" sigaw ko dito


"Sinong aalis?"


Agad akong napalingon sa may pinto nang marinig ko ang boses ni ate Gail. Para akong nabuhusan ng malamig na malamig as in malamig na tubig. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at ngayon pa lang nag iisip na ko ng palusot na sasabihin ko sa kanya.


"A-Ano ate"


"Sino kausap mo Maya?" tanong nito sakin


"Si"


"May kasama ka ba?" tanong nito sakin


Agad naman ako napatingin kay Liam na nakatayo lang sa tabi ko at nakatingin lang sakin na parang may gustong sabihin sakin pero hindi niya masabi na parang nahawa sakin sa pagka shock. Pero... BAKIT HINDI SIYA NAKIKITA NI ATE?!


"Maya? Anong nangyari sayo? Ang putla mo" nag aalalang tanong nito sakin


"Ate, wala ka talagang nakikita?" tanong ko dito kahit na halos walang boses na lumalabas sakin


"Ano ba dapat kong makita?" nagtataka nitong tanong sakin


"Sa paligid mo mga ganun" sabi ko dito habang tinitignan si Liam at Lucas


"Ha?" tumingin ito sa paligid niya at tsaka muling tumingin sakin "Wala naman ah? Naloloka ka na ba?" biro nito sakin


"Oo ata" tangi kong nasabi kay ate habang nakatingin sa mga mata ni Liam


IMPOSIBLE...



NOTE: Vote and Comment guys! Please do follow me on twitter https://twitter.com/Giustina93 and instagram. Also, add me https://www.facebook.com/profile.php?id=100009941596474 para usap usap tayo and for you to be able to be updated whenever I post a new chapter. Thanks ang God bless!

Sundo by GIUSTINA93Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon