Liam's POV
Imposible, hindi... Hindi totoo to. Sigurado akong napaka imposibleng nakikita ako ng babaeng to. Pero...
"Kuya? Okay ka lang ba talaga? Natatakot na ko sayo eh"
Muli akong napatingin sa kanya at tsaka huminga ng malalim. Dapat ko ba siyang kausapin? Pero.. Hindi parin ako makapaniwalang nakikita niya ko. Kailangan ko bang magpakilala sa kanya?
"San floor ka ba?" tanong nito sakin
"N-Nakikita mo ba talaga ako?" tanong ko dito ng makahanap ako ng lakas ng loob para tanungin siya
"Kuya, may sakit ako.. Pero yung sakit ko malayo sa mata kaya nakikita kita oo" naiinis nitong tanong sakin
Napasandal naman ako nang marinig ko yun mula sa kanya, talaga bang nakikita niya ko? Posible nga kaya? Gulong gulo na ang isip ko at hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong nakaramdan ng hilo. Hilo na para bang umikot ang buong mundo ko. Ano to? Panibagong pagsubok?
"Ay poknat! KUYA!"
*****
Lucas' POV
"Nasan si Liam?"
"Binabantayan ang bagong niyang susunduin, gustong gusto niya na talagang makatawid" nakangiti kong sagot dito
"Ikaw? Ang tagal mo ng nandito Lucas, bakit ayaw mo pang tumawid?"
"Marami pa kong bagay na gustong matapos, mga bagay na gustong ayusin, mga bagay na gustong tapusin" ngumiti akong muli dito at tsaka siya tinignan "Hindi ako makakatawid at hindi ako mapapayapa kung alam kong hindi ko naayos yun"
"Naiintindihan kita, sana... Sana nga makatawid ka ng payapa Lucas pano? Kailangan ko ng sumundo at pagtapos nito ay makakatawid na ko sa wakas. Ito na huli natin pagkikita Lucas, paalam."
"Salamat, maligayang pag tawid sayo" paalam ko dito at tsaka ako tumayo at nag unat
Asan na nga ba si Liam? Kanina pa siya umalis pero hindi parin siya bumabalik. Wag niyang sabihi na bubuntutan niya ang babaeng yun hanggang sa makasiguro siyang mawawala na ito? Ganun na nga ba siyang kadesperado?
"Hay Liam, asan ka na ba?"
*****
Gail's POV
"Alam mo ba? Naiyak ako nung marinig ko yung sinabi sakin ng pinsan ko... Sabi ko ayokong naririnig yun kasi bumibigat ang dibdib ko kapag naririnig ko yun mula sa kanya. Siya na lang kasi yung nakakasama ko ngayon eh. Sana gumaling na siya at pag gumaling siya ikaw bumalik ka na para mapakilala kita sa kanya okay? Deal ba yun? Miss na rin kasi kita eh. Oh? Pano? Balik na ko samin ah? Mamaya sinusunog na ni Maya yung unit ko wala pa kong kaalam alam next time na lang tayo mag usap ulit ah? I love you"
BINABASA MO ANG
Sundo by GIUSTINA93
RomanceSi Liam ang isa sa mga taga sundo ng taong namamatay at isa lang ang kanyang trabaho at yun ay ang ligtas na maitawid ang taong nakatalaga niyang sunduin sa tama nitong landas at hindi maligaw sa ibang direksyon o maligaw. Napakadali kung tutuusin...