"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako ang clarice na hinahanap ninyo! Mahirap lang ang pamilya ko wala kaming pera! Please maniwala kayo!"Pilit nilang sinasabe na tinataguan ko ang iaang tao. Dinala nila ako sa isang napaka laking puting bahay. Halos malula ako sa sobrang linis at laki nito. Sino kaya ang may ari nito at anong kailangan niya sakin? Hindi kaya sindekato ito?
"Kay Mr.Willfield nalang ho kayo magpaliwanag"
Pinapasok nila ako sa isang kwarto at bumungad saakin ang isang drop dead handsome! I mean, isang napaka gwapong lalaki ang narito sa harap ko. Pinigilan ko ang paglalaway. Sa palagay ko ay nasa 20's palang ang edad niya dahil bakas ang kabataan sa mukha niya. Bukod doon ay halata sa kulay ng balat niya na hindi siya isang pure pilipino. Tinitgnan niya ako mula ulo hanggang paa na parang sinusuri ako. Matapos pa ang ilang segundo ay nagsalita na siya.
"Clarice? Is that you? Baket hindi kana sumagot sa mga sulat ko? dalawang buwan na ang lumipas since I've sent it. Nagbago naba ang isip mong magpakasal saakin?" Sulat? Kasal?
"Teka, Sir.. Ano kasi e, Nagkamali kayo ng Clarice na kinidnap. Uhm ibig kong sabhin.. Hindi ako yung clarice na hinahanap nyo. Pasensya na talaga." Yumuko siya na parang hindi nagulat sa sinabe ko. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan. Hindi ko narin naiwasan na igala ang tingin ko sa kwarto niya. Puti lang rin ang dingding. Puti ang bedsheet ng kama. May dalawang pinto pa ang loob ng kwarto niya. May division na masisilip mong parang isang office. May mga libro, Papeles at laptop. May malaking poster na nakadikit sa wall, Picture niya na may pirma sa gilid. 'Liam Willfield' ang nakasulat na pangalan. Sa gilid ng kama niya ay may letratong nakapatong sa isang mesa. Letrato ng isang batang lalaki at babaeng mahuhulaan kong nanay nito. Nabalik lang ang tingin ko nang lapitan niya ako at kinagulat ko nang biglang yakapin niya ako.
"Te..teka.."
"Please marry me. I am willing to do everything. I dont care if you dont really love me. Just be with me clarice. Just please... Ibibigay ko lahat sayo! Ang mansyon na ito, Ang lahat ng pera ko, Lahat!" Hindi ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya saakin. Muntik pa nga na pumiyok ang boses niya sa huling sinabe niya..
"I love you clarice.."
"Ano.. Ano kasi, Hindi nga ako si clarice.. Sorry talaga pero hindi ako yung clarice na magpapakasal sayo." How I wished na sana ako nalang yun dahil ang swerte naman niya.. Gwapo, mayaman at mukhang mahal na mahal talaga niya yung clarice. Ano ba tong iniiisip ko, Baka mamaya ay may saltik pala itong lalaking ito. Masyadong desperado na ibibigay lahat sa babae. Dapat na akong umalis dito.
Pinilit kong kumawala sa yakap niya. Nang humiwalay ako ay mas lalo kong kinagulat nang bigla siyang lumuhod.... At umiyak.
Hala. Paano ba ito? Hindi naman talaga ako ang clarice na yun! Anong gagawin ko.
"5years clarice, Anong nangyari sayo? Akala ko ba ay papakasalan mo ako basta babayaran kita. Have you changed your mind? Still I dont care, You can do whatever you want when we get married *sobs* I will be the best husband for you! Sa dalawang buwan na hindi ka sumulat saakin, Halos mamatay ako sa lungkot. Clarice.." Sa tala ng buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak at ganito kadesperado. Naaawa ako sakanya Pero sa kabilang banda naiinis ako dahil kailangan ko na talagang makaalis dito. Hindi pa kumakaen sila nanay at siguradong hinahanap na nila ako. Mukhang kailangan kong gumuwa ng paraan para makauwi.
"Alam mo.. Liam, Tama ka. Nagbago na ang isip ko at ayoko ng magpakasal sayo. At pwede ba, Kailangan ko ng umuwi! Tigilan mo na ang kahibangan mo dahil walang kasal na magaganap!" Shit clarice! Ano kaba? Lalo mo lang siyang sinaktan! Bahala na. I really need to get out of here. Hindi siya nagsalita. Nakaluhod parin siya at nakayuko. Weird..
"K-kung wala ka ng sasabihin ay aalis na ako."Nanginginig akong lumabas sa kwarto niya. Paglabas ko ay wala ang mga lalaking kumidnap saakin. Dumiretso na ako palabas ng bahay pero nang nakarating ako sa gate ay may tumawag sa akin mula sa likod ko.
"Mam, Pinapabigay po ni Sir." Isang lalaking may edad na ang nagbigay saakin ng maliit na paperbag. "Ako po si juan At pinapasabi po ni sir na ihatid ko daw po kayo pauwi sa tinutuluyan ninyo." Dahil wala akong pamasahe ay hindi na ako nagreklamo. Sinakay ako ni kuya juan sa isang magarang sasakyan. Binuksan ko ang paperbag na binigay niya saakin, Isang maliit na papel at isa pang papel na nakaenvelop ang laman nito.
Dearest clarice, My clarice,
I know you will change your mind. So if you still want to marry me you know where to find me,
PS i will wait for you tomorrow in my house
Love, Liam
Yan ang nakasulat sa maliit na papel. My God! Baliw ata siya! Binuksan ko ang envelop at nanlaki ang dalwa kong mata ng makita ang laman nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/48805511-288-k848215.jpg)
BINABASA MO ANG
Wrong Bride
RomanceDoes a wrong can really turn to be right with the power of Love?