Chapter Thirteen

262 5 4
                                        

AFTER ONE YEAR.


"Nay, Paano ho.. Mag iingat kayo lagi huh? Tatawag nalang ho ako kapag day off ko. Mahigpit kasi ang boss ko dito sa hotel. Ingatan niyo ang sarili ninyo at siguraduhin niyo na iniinom niyo yang mga gamot na pinabili ko. Bye.."

Nandito ako sa Opisina ko ngayon.
I feel so guilty sa pagsisinungaling ko kay nanay. Ang buong akala niya ay isang taon na ako na nagtatrabaho sa japan pero ang totoo ay nandito lang ako sa Benguet. Nag asawa ng mayaman.

Tulad nga ng plano ko, Humanap ako ng trabaho.

Mabuti nalang ay may kaibigan si Liam na business man at tinuluungan nila ako na magkaroon ng trabaho sa opisina kahit high school graduate lang ako. Ayaw pa nga pumayag ni Liam dahil kaya niya naman akong buhayin at kung gusto ko raw ay doon nalang ako sa resort niya mamahala. Ang totoo para ito sa pamilya ko.. Ayokong gamitin ang lahat ng pera ni Liam at bukod doon ayokong mastuck sa bahay niya ng walang ginagawa. Kinalaunan ay pumayag rin naman siya na magtrabaho ako.

Pagkatapos kong tawagan si Nanay, tinawagan ko naman ang asawa ko.

"Hey, Don't pick me up here today okay? Im gonna cook something for you. It's for your meeting tonight." I told him.

"Sana man lang sinurprise mo nalang ako! I love surprises!" Para parin siyang bata hanggang ngayon.

"Haynako liam..  Kapag sinsurprise naman kita inaalam mo agad kaya Im telling you right away that I will bring food there tonight!"

"Yes baby. Take care sa pagdadrive. Iloveyou. And PS, I wont eat today until you bring yourself here. I love it when we do it in my office, Cool with that?" I can almost see him grinning on the phone like a maniac!

"Shut up Mr.Willfield! Im hunging up. Bye!"

"See you Mrs. Willfield!"

Isang taon na ang lumipas at aaminin ko, Napamahal na ako kay liam at hindi ko na siya kayang iwanan.
--

Pag-uwi ko sinalubong ako ni Mama ellen. She didn't greet me when I entered the house. Instead nakatitig lang siya saakin ng blangko! May hawak siyang tatlong sobre na agad niyang sinampal saakin. Bakit siya galit?

"Ma.. Bakit. Ano pong ginawa ko sainyo?"

"Isa kang impostor! Manloloko! Niloko mo kaming lahat!"

Alam ko na agad ang ibig sabihin niya nang pulutin ko ang mga sobreng iyon.

From Clarice Domingo

Mga sulat iyon ni Clarice! Ng totoong clarice! Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ang mga sulat. Hindi ko alam ang magigimg reaksyon ko. Hindi ko alam kung ano ang unang iisipin. Una, Bakit siya biglang sumulat ulit pangalawa, Bakit ba hindi ko naisip na bantayan ang Mailbox ng bahay namin? At ang huli, Alam na ni Mama ellen at malalaman narin ito ni Liam.

"Ma.. Mag-mag papaliwanag ho ako." Sinubukan kong kunin ang kamay niya pero nilayo niya ito saken.

"Pwede ka naming ipakulong sa ginawa mo! Sino ka at bakit ka nagpanggap na Clarice? Ang buong akala namin ay totoo ka! Paano mo nagawa ito ng ganito katagal? Sigurado ako pera ang habol mo sa anak ko!"

"Huminahon ho kayo ma! Hayaan niyo akong magpaliwanag. Please.."

Mukha naman siyang huminahon pero bakas padin ang panggigigil niya na sampalin ako.

"Patawarin niyo po ako mama! Hindi ko ho kayo gustong lokohin maniwala ka! Noong pinahahanap ni Liam si Clarice, Ako ang clarice na nakuha nila."

Sinimulan ko ang pagpapaliwanag.

"M-may malubha ho na sakit ang nanay ko. May tubig ang puso niya at wala na akong iba pang maisip na paraan para mapagamot siya. Nag-aaral ang tatlo kong kapatid. Ayoko silang patigilin sa pag-aaral dahil..."

"...Dahil ayokong lumaki sila katulad ko. Walang trabaho. Walang natapos. A-ayokong maranasan nila ang hirap ng buhay." Hindi ko na napigilan ang luha ko at Kinagulat ko nang yakapin ako ni mama ellen.

"Patawad hija."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wrong BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon