Sinabi ko sakanya na tumutuloy ako sa apartment ng kaibigan kong si meaan. Nakapag pasya na akong itago sakanya ang tungkol sa pamilya ko dahil magiging komplikado lang. Sinabi ko sakanya uuwi muna ako para kunin ang mga gamit ko.
Speaking of Meann.. Nakipag kita ako sakanya para sabihin ang ginawa ko.
"Ganun naba kabilis? Bukas agad ang kasal?" Tanong niya. Umupo kami sa isang parke.
"Oo, at kailangan kita dun." "Hindi naman yun katulad sa kasal na iniisip mo. May pupunta lang na abogado at pari sa mansyon niya pagkatapos ay ganun lang. Mag asawa na kami.."Paliwanag ko.
"Dapat ba akong maghanda o Ano? Ano ang gagawin natin.. Anong next move pagtapos ng kasal?" Nagpapasalamat ako dahil seryoso siya ngayon, Ang inaasahan kong reaksyon sakanya ay pang aasar pero hindi. Buti nalang.
"Napag isipan ko na ang lahat. Kailangan ko nalang komunsulta saiyo mey, Isang malaking favor nanaman ang hihingin ko sayo." Umismid ako bago pinagpatuloy ang sasabihin ko.
"Sasabihin ko kay Nanay na tinulungan mo akong makuha sa agency at magtatrabaho bilang janitress sa ano.. Sa ibang bansa. Sa Japan at Uuwi kada tatlong buwan. Kukuha ako ng Private nurse para tumingin kay nanay kapag umalis na ako. Magpapadala ako linggo linggo para sa mga kapatid ko mey."
"Tapos? Ano naman ang parte ko sa plano mo? Bbigyan mo ba ako ng trabaho?"Biro niya.
"Oo! Gusto kong ikaw muna ang mag-alaga sakanila para narin hindi na magtrabaho si nanay sa bahay. Kakausapin ko si jenjen na siya ang magiging panganay pag wala ako. At ikaw pupunta punta ka lang doon araw-araw para matingnan sila..." "Please mey.."
"Deal."
---
Inaral kong mabuti ang handwriting at pirma ni Clarice. I feel guilty dahil alam kong makakasuhan ako sa ginagawa kong ito.
"Jenjen, Pag-alis ko gusto ko alagaan mo ang mga kapatid mo, dahil ikaw ang pinaka matanda sakanila, Dapat maging responsable ka." Nasabi ko na sakanila na bukas na ang alis ko. Mahina pa si nanay kaya wala siyang masyadong mga tanong.
"Sus, Hindi mo ma kailangan ipaalala sakin yan te.."
"Ate ate!! pagbalik mo gusto ko ng maraming maraming chocolates!"
"Ako rin ate!" Nag apir ang kambal at tuwang tuwa habang tinutulungan ako mag impake.
Kinagabihan ay binasa ko ang ilang mga sulat ng babaeng yun kay liam. Nalaman kong wala pang ibang naging girlfriend si Liam bukod sakanya. Ang ilan sa mga sulat ay tungkol sa mga bagay na gusto ni clarice at dapat ibigay ni liam. May ilang sulat na nag sosorry si clarice dahil hindi pa sila ppwedeng magkiya.

BINABASA MO ANG
Wrong Bride
RomanceDoes a wrong can really turn to be right with the power of Love?