Ngayon ay pwede na raw ilabas sa Ospital si nanay. Nagpasalamat ako kay meann habang nililinis ang kwarto ni nanay.
"Mey, Salamat talaga huh." Nililigpit niya yung mga gamot ni nanay, nilalagay niya sa isang maliit na paper bag. Habang ako iniimpake yung mga damit na ginamit ko at ni nanay. Umiling lang siya na ibig sabihin ay walang anuman.
"Uhmm.. Mey, Naaalala mo yung dalawang lalaki na dumakip saken sa airport?" Hininaan ko yung boses ko baka kasi magising si nanay.
"Baket mo natanong clar? May ginawa ba sila sayo?"
"Ano kasi e..." Sinabe ko sakanya kung ano ang nangyari. Ang tungkol sa sulat, sa kasal at sa ibang clarice.
"Whaaaaaaaat?"
"Ssshh!" Tinakpan ko ang bibig niya at tinignan kung nagising ba si nanay. Tulog parin siya, ang sabi ng doctor ay normal lang daw na antukin si nanay dito kaya naman hinayaan ko nalang gigisingin ko nalang siya mamaya para sa follow up ni doc. Pinagpatuloy ko ang usapan namin ni Meann..
"Diba ang weird?" Mahinang tanong ko.
"Ano? Eng eng ka ba? Ang ibig sabihin nun clarice, Jackpot ka!"
"Huh? Paano mo naman nasasabi yan?"
"Hmm.. Lets say, Kung ayaw na talagang magpakasal nung Calarice Domingo na kilala niya, Why not magpakilala ka nalang bilang siya?! May pera kana, Magakakalovelife kapa!! At hindi lang basta lovelife....."
Binulong niya sakin ang huling sinabi niya.
"Sira ka talaga!" Pinalo ko siya ng malakas sa braso. Kung anu-ano ang naiisip niya. At doon ay nagising na si nanay.
----
Alas sais ng gabi ng nakauwi kami ni nanay sa bahay. Hinatid naman dito ni john ang mga kapatid ko at sabay na silang umalis ni meann.
"Buti naman at nandito na kayo, Sabado na bukas at kailangan ko na ang bayad ninyo." Si aling gracia.
"Gagawan ko ho ng paraan para makabayad sainyo aling gracia."
"Naku dapat lang clarice, Ayw niyo naman sigurong tumira sa kalsada hindi ba?" Tumawa siyang parang sira pero hindi ko rin siya masisisi. Pnayagan niya kaming hindi magbayad sa upa ng isang taon. Yun nga lang ay malaki ang tinutubo niya. Pagtapos nyang sabihin yun ay umalis narin siya at nilock ko na ang pinto.
Bago ako matulog.. Binuksan ko yung paper bag na binigay saakin ng tauhan ni Liam willfield. One hundred thousand pesos. Balak ko sanang isauli ito pero nawalan na ako ng oras dahil nga inatake si nanay. Ayokong tanggapin ito dahil hindi naman ako mukhang pera at kapag hindi ko sinauli ito, Baka umasa parin siya na may babaeng magpapakasal sakanya. Naalala ko nanaman tuloy ang mga sinabi saakin ni meann kanina.
Kinaumagahan napag desisyunan kong hiramin ang kalahati sa pera ni Liam willfield. Kaya pagtapos ko magbayad ng buo kay aling gracia ay dumeretso ako dito.. Sa mansyon ng Willfield.

BINABASA MO ANG
Wrong Bride
RomanceDoes a wrong can really turn to be right with the power of Love?