Napaka weird ng lalaking iyon. Sa pagkakaintindi ko, Hindi pa sila nagkikita sa personal ng clarice na iyon dahil sabi niya ay 'Hindi sinagot ang mga sulat niya' ng babaeng iyon at Isa pa, Bakit niya ako pagkakamalan na ako yung sinusulatan niya kung nakita niya na ito.. At sa mga bagong technology ngayon bakit sulat padin at hindi E-mails ang ginagamit nilang komunikasyon.
Pag uwi ko sa bahay sinalubong ako ni nanay, Nandoon din si Meann kasama ang boyfriend niya, Sinabe ko yung totoong nangyari, pero hindi ko sinabi ang tungkol kay Liam willfield.
"Yung mga lalaking yun, Nagkamali lang sila ng sinundo sa airport. Wala naman ho silang ginawang masama skin nay, Wag na kayong mag-alala."
Bago matulog bigla nalang pumasok sa isip ko yung lalaki kanina. At some point nakaramdam ako ng awa sakanya pero sa kabilang banda nawiweirdohan parin ako sa mga pinagsasabi niya kanina. At kung ano man yun sa kanila nalang dalawa yun ng tunay na clarice domingo na kilala niya dahil mas malaki ang problema ko kesa sakanya.
Pag gising ko kinabukasan nakita ko si nanay na naghahanda ng almusal. Hindi niya ako napansin sa gilid niya kaya tnitigan ko lang siya. Sa unang tingin ay parang wala siyang anumang karamdaman. Mula nang magkasakit siya naisip ko agad ang mga pwedeng mangyari.. Kung mawala siya, Hindi ko alam ang gagawin ko dahil si tatay ay mabilis lang rin na nawala sa amin. I cant afford to lose her too. Apat kaming magkakapatid, Bago nawala si tatay ay nag kaanak pa sila ng kambal. Paano kung hindi ko kinaya ang lungkot? Paano na sila? Kaya habang mahaba pa ang oras ni nanay ay sinisikap ko nang maging matatag. Ayokong makita nilang mahina ako.
Napangiti ako habang tinitignan si nanay. I always look up to her dahil siya ang pinaka masipag at matatag na nanay sa lahat. Inalagaan niya kami at pinalaki ng maayos kahit mag-isa lang siya. Hindi man ako nakapag aral ng college, Proud ako dahil sinikap niyang pag-aralin ako hanggang high school. Sinabi ko narin sakanya na magtatrabaho na ako para makatulong skanya, At kapag may maganda na kaming buhay ay pagtatapusin ko sina karl, yna at jenjen sa pag-aaral. pagtapos nun ay mag aaral na ako ng college. Pero sa ngayon malabo pa yun. Mula nang atakihin sa puso si nanay, Hindi na siya nakapag trabaho. Bukod doon ay kulang ang kinikita ko para matustusan lahat ng pangangailangan sa gamot ni nanay. At dahil 15 palang ako nun ay nahirapan ako sa paghanap ng trabaho dahil underage ako.
Hay.. Naligo na ako agad para maghanap ulit ng trabaho. Ngayon ay mas sisipagan ko. Hiling ko talaga na mkapasok sa isang kumpanya bilang janitress. At yun ang mission ko ngayong araw. Tinawagan ko si Mean para umutang ng Isang libo. Sabi nya ay wag ko na daw bayaran.
Paglabas ko ng banyo.. Nakita kong nakahandusay sa sahig si nanay, nagkalat ang mga gamot niya.
"Nay!"
--*
"Icoconfine muna siya dahil hindi pa kaya ng katawan niya. Wala parin siyang malay pero pwede na kayong pumasok sa kwarto niya. Mabuti nalang at nadala mo siya agad dito miss dahil kung tumagal na walang oxygen ay baka hindi na siya gumising pa. I'll be back in an hour just call a nurse if you need anything."
"Thankyou doc" Sagot ko na parang okay lang ang lahat. Nasa private hospital kami dahil ito lang ang pinaka malapit sa amin. Sabi ni meann siya na muna ang bahala sa gastusin dito sa ospital.
"Ate, Anong ibig sabihin nung lalaking nakaputi? Sabi niya pag walang oxygen hindi na gigising si nanay." Tanong ni yna, kambal ni karl. Sila ang bunso saaming magkakapatid. sampung taon na siya at lumalwak na ang isip.
"Kasi ate sabi ng teacher ko ang lahat daw ng living things ay mamamatay pag walang oxygen, at sabi nya living things daw ang mga tao, ate mamamatay din ba si nanay?"
Gusto kong umiyak sa tanong niya. Masyado pa silang bata para maranasan ang lahat ng ito. Huminga ako ng malalim at nginitian sila.
"Hindi yna, Ikaw talaga.. Ang lalaking nakaputi doctor yun. Ang doctor nagpapagaling sa may sakit. Kaya nga tayo nandito ngayon kasi gagaling si nanay." Lumapit ako at niyakap siya. Si karl ay isinama muna ni meann sa bahay nila.
"Ate bakit kasi ayaw mo pang sabihin yung totoo?"
"Anong ibg mong sabihin jen?"
"Na totoong mamamatay na si nanay!"
Fourteen na si jen kaya naiintindihan niya na ang mga ganitong bagay.
"Hindi yan totoo jen, gagaling si nanay." Umiling siya.
"Sinungaling ka! Sabi ng kaklase ko namamatay raw ang mga may sakit sa puso!" Umiyak siya at tumakbo palayo.

BINABASA MO ANG
Wrong Bride
Storie d'amoreDoes a wrong can really turn to be right with the power of Love?