Pagbalik ko sa Ospital, Sinabi ko kay meann ang napag usapan namin ni aling gracia. Nag ngingitngit siya sa galit.
"Demonyita talaga ang matandang yon! Walang konsensya, Palibhasa byuda kaya walang malasakit sa iba!" Galit na galit na sabi ni meann. Sumang ayon ako at iniba na ang topic para kumalma siya. Pero ganon parin, Gusto niyang tumira muna kami ng mga kapatid ko sa apartment nila ni John. sabi niya kung kaya niya lang raw ako bigyan ng trabaho ay hindi ako mag hihirap ng ganito.
"Salamat meann, Hahanap ako ng paraan para makabayad agad kay aling gracia." Hindi ko napigilang Bumuntong hininga.
"Lahat na ng trabaho dito sa bayan napasok mo na. Worst na yung pagiging dancer! Wala naba tlagang ibang paraan?"
"Hindi ko alam.."
Umidlip si meann sa sofa dito sa hospital room ni nanay at ako naman ay nag iisip isip kung ano pang ibang paraan para makabayad ng utang. Sikwenta mil. Sa loob ng isang linggo ay kailangan magkaroon ako ng sikwenta mil? Isang malaking joke yun.
Habang desparada na sa pag isip ng paraan, Pumasok sa isip ko ang isang ideya.
'You can do whatever you want when we get married.'
'Sbe mo ay magpapakasal ka skn basta babayran kita?'
'Ibbigay ko sayo lhat, ang mansyon na to, ang pera ko, lahat!'
'Bakit kasi hindi ka magjowa ng mayaman para guminhawa naman ang buhay mo.'
Naguguilty ako sa naiisip ko.
"Ughhh!" Bigla akong napakamot sa ulo. Mali yun clarice! Manloloko ka ng inosenteng tao! No no no. Erase. Erase.
---
Maagang umuwi galing sa trabaho ang asawa ko ngayon, Pagkatapos kumaen ng dinner ay bed time na..
"Liam, I'm here hon.. Come and get me..Ooooh"
"Coming baby, Raawwwr"
Ughh. Hindi parin ako makapaniwala na hinahalikan ako ng Isang adonis na ito.
"Iloveyou Hon." I said. He pulled me closer to him, My breasts were erected and so ready to be cupped by him. He kissed me gently... and.
"Huy!"
"Huy!"
and..
---
"Huy clarice! Gising! Sinong hon yang sinasbe mo sa panaginip mo ha?" Nakangising tanong ni meann.
Totoo bang napaginipan ko ang bagay na iyon? Oh my God! Iyon ang pinaka una kong wet dream. Hindi ko dapat yun napaginipan kasama ang isang lalaking hindi ko naman kilala. Urrgh!
"Sabihin mo na.. Ano may boyfriend ka naba huh?" Sinisiko niya pa ako na parang kinikilig na ewan.
"Wala noh."
"Sussss. Ayaw pang aminin."
"Meann tigilan moko wala sabi!"
"Haynako sabihin mo na! Hahaha!"
Buong araw ay kinukulit ako ni meann. Gusto niyang aminin ko kung sino yung Hon na binanggit ko sa panaginip ko. Nahihiya akong itanong kung ano pa ang iba niyang narinig bukod sa Hon. Hinayaan ko nalang siyang alaskahin ako.
Kinabukasan dinalaw ko ang mga kapatid ko sa apartment nila meann. Masaya sila at inaalagaan naman ni john. Laging sinasabi ni meann na mali ang desisyon niyang piliin ai john pero iba ang pananaw ko sakanila, Alam kong mabuting tao si john. Hindi naman siya yung lalaking puno lagi ang bulsa pero masipag ito at mapagmahal. Masaya ako para sakanilang dalawa.
"Ate, totoo bang may boyfriend kana?" Tanong bigla saakin ni karl habang binibihisan ko siya. Haynako. Ang bibig talaga ni meann.

BINABASA MO ANG
Wrong Bride
RomantikaDoes a wrong can really turn to be right with the power of Love?