"Clar, Pinatulog ko muna sa bahay ang mga bata. Mahilig naman sa bata iyong si john kaya walang problema. No worries okay?" Pinisil ni meann ang dalawang braso ko. Naaalala ko yung sinabi ni jenjen. Hindi ko alam na may tinatago siyang sama ng loob. Masyado akong naging abala, hindi ko na napansing tumatanda na rin si jenjen katulad ko. Natatakot ako para sakanya.
"Hey, Magiging okay din ang lahat."
"Sobrang salamat mey, utang ko sayo ang buhay ni nanay."
"Anu kaba neng! Sino sino pa bang magtutulungan, e diba tayo rin? Bakit naman kasi ayaw mo pang mag jowa? Magpakasal ka sa mayaman at ng guminhawa ka. Wag kang tutulad sakin na mas pinairal ang tibok ng puso at hndi ang tibok ng utak." Biro niya, nagtawanan kami. Marami akong mas mahalagang obligasyon wala sa isip ko ang magkaroon ng asawa balang araw.
"Dagdag lang yan sa mga problema ko mey," Sinimangutan niya ako. Thankful ako dahil may kaibigan akong tulad ni meann. Palabiro at kwela, Simula gradeschool ay hindi na kami mapaghiwalay niyan, kahit na nung unang beses na mag kaboyfriend siya, pupuntahan niya parin ako sa bahay para kamustahin. Marami pa siyang naging boyfriend bago dumating si john sa buhay niya. Samantalang ako, Wala ni isa.
"Ano kaba? Hindi dapat pinoproblema ang mga lalaki! Pwede ka namang magjowa ng hindi namomroblema! Perahan mo lang, Ganun! Gusto mo bang tumandang dalaga? Ha Clarice?" Natatawa nalang ako sa mga facial expression niya. Kahit papano nawala yung pag aalala ko kay nanay.
Matagal na akong sineset up ni meann sa mga lalaking kaibigan niya para naman daw ay mag ka 'jowa' na ako. Pero tinatanggihan ko hindi dahil sa ayaw ko, Wala lang talaga akong oras sa mga lalaki. Naaalala ko pa nung niligawan ako ni Ivan, Batch mate namin nuong high school. Siya na yata ang pinaka cool at pinaka gwapo sa paningin ko noon. Dahil totoo, Wala pa man siyang bigote ay pamatay na ang karisma niya. Gusto niya ako at gusto ko rin siya. Pero hindi ko siya sinagot dahil mag-aaral siya ng college at ako hindi. Hindi siya bagay para sakin.
---
Umuwi ako sa bahay para magluto at kumuha ng ilang damit, Mukhang matagal tagal pa kasi ang labas ni nanay sa ospital. Kanina ay gumising na siya, Tinanong niya kung nasan sina karl, at paano daw ang bill sa ospital. pinaliwanag ko sakanya at hindi na siya nagtanong ulit.
Habang naglilinis narinig ko si aling gracia na kumakatok ng malakas sa pinto. Siya ang may ari ng bahay na inuupahan namin.
"Hoy clarice! Tinataguan niyo ba ko ng nanay mo? Nagdaan ako kahapon pero walang tao dito! Magbayad na kayo dahil luluwas ako sa ilo-ilo sa susunod na linggo. kailangan niyo ng magbayad ng buo!" Nakataas ang kilay niya saakin,
"Aling gracia, Pasensya na ho kayo. Nawalan kasi ako ng trabaho nung byernes. Tapos naospital naman si nanay kahapon, Inatake nanaman ho siya. Pwede ho bang magbigay muna ako ng isang libo? yun lang talaga ang kaya ko sa ngayon, pero pangako ko sa isang buwan ay magbabayad na ako."
"Isang libo? Anong tingin niyo sakin mag-ina, Bumbay na tatakbuhan niyo lang. Hindi lang kayo ang may problema sa pera Clarice! Wag mo akong bigyan ng maraming dahilan! Sikwenta mil ang utang ninyo sakin, Kailangan ko yan bago mag linggo, kung hindi ay humanap
na kayo ng ibang matitirhan, Maliwanag?"

BINABASA MO ANG
Wrong Bride
RomanceDoes a wrong can really turn to be right with the power of Love?