Chapter Seven

204 1 0
                                        


Bago ako pumunta dito ay napag isipan ko na lahat ng sasabihin kay Liam Willfield. Malaking tulong siya sa buhay namin nila nanay, naalala ko noong gabing nawalan ako ng trabaho. Nagdasal ako na magkaroon ng trabaho. Sabi ko tatanggapin ko ang ibibigay niya sakin. KAHIT ANO. Ito naba yon? Ito naba yung sagot niya sa mga dasal ko?

"Pasok po kayo sa kwarto ni Sir, Mam clarice." Sabi ni kuya Juan.

Pagpasok ko, Sinalubong niya ako ng yakap. Yakap na parang sabik na sabik siyang muli akong makita. Mukhang kagigising niya lang dahil nakapanjamas pa siya at white shirt. Pero kahit ganon ay mabango parin siya, Nailang ako kaya humiwalay ako sa yakap niya. Inayos ko ang sarili ko at nakita niya ang dala dala kong paper bag. Muling lumungkot ang expression sa mukha niya.

"Nagpunta kaba dito para ibalik ang perang binigay ko?" Umupo siya sa gilid ng kama niya. Sa laki ng kama niya ay kasya ang limang tao.

Nginitian ko siya. Patawad Nay. Patawad Lord.

"Nagpunta ako dito para sabihing magpapakasal ako sayo."

May bakas ng pagkagulat sa mukha niya nang sabihin ko iyon pero muli ay niyakap niya ako at naramdaman kong naluluha siya.

"Maraming salamat! Akala ko ay iiwan mo rin ako tulad nila.." With that, Niyakap ko rin siya.

Ito lang ang paraan. Ito lang ang paraan para patuloy na mabuhay si nanay at ang mga kapatid ko. Sana ay maintindihan nila ang gagawin ko. Hindi ko naman peperahan si Liam. Ginagawa ko ito para sa pasasalamat dahil sa perang binigay niya saakin. At pagtapos nun, Lahat ng pera niya na magagamit ko ay babayaran ko rin. Pagtapos ay makikipag hiwalay rin ako sakanya. Ganun lang. Hindi naman ganon kasama iyon hindi ba? Hindi naman krimen yun.. Tama.

Sinabi ko sakanya na wala na akong pamilya pero kapag asawa na niya ako, Gusto kong magtrabaho dahil pangarap kong magkapera ng sarili ko lang. Simula palang ay muntik na akong mabuko dahil sabi niya..

"Ang sabi mo sakin dati sa sulat ay ayaw mong mag trabaho kapag kinasal tayo. Ang sabi mo gusto mo dito ka lang sa bahay ko."

Mabuti nalang at nakaisip agad ako ng the best na dahilan.

"Ano kasi liam, May aaminin ako sayo.. Lahat ng sinabi ko sa sulat tungkol saakin ay hindi totoo. Sinusubukan ko lang kung mabuti ang intensyon mo sakin. Ang totoo ay ayokong bayaran mo ako para magpakasal sayo. Sana mapatawad mo ako sa ginawa ko Liam..." Akala ko ay maiinis siya, pero ngumiti lang siya saakin.

"Hindi ako nagkamali sa babaeng minamahal ko. Ako rin naman, Hindi totoong nagtatrabaho ako sa isang private resort gaya ng sabi ko sa sulat. May-ari ako ng Willfield Hotel&Resort na mayrong sampung branches Clarice."

Nalaglag ang panga ko. Gusto ko pang magtanong ng mga bagay na napag usapan namin sa sulat pero wrong move yun. Sinabe ko nalang hihiramin ko ang mga pinadala kong sulat sakanya dahil gusto kong mabasa iyon bago kami ikasal at sumang ayon naman siya. Pero ang totoo, Hihiramin ko yun para mapag aralan ang handwriting ng tunay na soon to be wife niya dapat at para narin malaman ko ang mga interes nilang pag usapan.

Wrong BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon