Kinabukasan gumising ako ng maaga para ipagluto ang asawa ko. Pagkatapos namin mag breakfast ay ipinasyal niya ako sa farm. Sariwang mga bulaklak ang sumalubong saakin..
"Wow! Liam hindi ko alam na may flower farm ka! Astig! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang mga bulaklak."
Pumunta siya sa mga pulang rosas na nakahilera. Pumitas siya ng isa at binigay saakin.
"Para sa asawa ko.." Hinaplos niya ang braso ko at heto naman ako, Kilig na kilig.
"Thankyou liam.." Tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi.
Nang tanghalian ay kumaen kami kasama sina Mama ellen at kuya Juan.
"Kamusta ang bagong kasal ha?" Nakangiting bati ni Mama ellen saamin.
Bigla nalang pumasok sa isip ko ang nangyari saamin kagabi. May kung anong kumiliti sa akin nang maalala ko na kagabi ay official nang may asawa ako at naibigay ko na ang sarili ko sakanya. Pero naglaho rin ang konting saya na yon dahil alam kong aalis rin ako at hindi magandang sanayin ko ang sarili ko sa mga bagay na hindi permanente. Nginitian ko lang si Mama ellen.
"Goodmorning ma!" Bati ni liam..
"Goodmorning nak, Ngayong araw ay luluwas ako sa maynila baka tumagal ako doon ng isang linggo."
"Sanay nako ma.." "Pero mabuti ngayon ay hindi na ako mag-iisa dahil nandito na si Clarice." Ngumiti siya, Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito.
"Aray naman nak! Anong ibig mong sabihin jan ha?" Kunyaring nagtatampo si mama ellen. Tinatawanan ko nalang silang dalawa.
"Alam mo ba ma, Pinagluto niya ako kaninang umaga. At ang luto niyang fried rice ang pinaka masarap sa lahat!" Nahiya naman ako kay mama ellen ng sabihin yun ni Liam. Pero ang sarap sa pakiramdam na pinagmamalaki niya ako. Hindi ko maiwasang mamangha dahil napaka babaw ng kaligayahan niya, Para lang siyang bata na binigyan ng laruan.
"Kung ganon hindi mo na pala ako kailangan dito. Nakakalungkot naman." Nilapitan niya ito at nilambing na parang totoo silang mag nanay.
Kinagabihan.. Bago kami matulog, Niyakap niya ako.
"Wag mo akong iiwan ha.." Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.
"Hmm.. Oo naman. Hindi kita iiwan liam.." Hinaplos ko ang buhok niya. He was just like a fragile baby na iiyak kapag pinabayaan mo. I didnt know that boys can be this sweet and soft. Nakiliti ako ng huminga siya sa leeg ko at halikan ito..
And we make love again.

BINABASA MO ANG
Wrong Bride
RomansaDoes a wrong can really turn to be right with the power of Love?