CHAPTER 19 *UNEXPECTED*

7.3K 119 19
                                    

CHA'S POV

Isang linggo na ang nakalipas matapos ang binyag ni Mikael, naging maayos naman ang binyag. Kumpleto ang pamilya nya at ang pamilya ko, pati na rin ang mga kaibigan ko dati sa trabaho ganun din nag kay Mark. Halos magdadalawang buwan na simula ng makita namin ang regalong damit pero hanggang ngayon hindi parin naman alam kung sino ang nagpadala nito. Hinayaan na lang ito ni Mark at ako naman ay minsan napapaisip kung sino ang mystery sender ng damit ng baby, pero hinhayaan ko na lang.

Nagbibihis ako dahil pupunta ako ng mall ngayon. Nasa opisona si Mark at si Mikael naman ay nakila mama, kaya pagkakataon ko na rin ito para mamili ng mg gamit ng mag-ama ko. Itetext ko na lang si Mark para magpaalam.

To: Mark 💑👫
Hey hon, punta lang akong mall. Si Mikael na kila mama. Don't worry uuwi din ako agad. I love you. Don't forget to eat you lunch.
---
Sent!

Kinuha ko na ang wallet at susi ng sasakyan bago pa man ako tuluyan makababa ay tumunog na ang cellphone ko. Napangiti ako ng makitang tumatawag si Mark. Sinagot ko ito agad.

"Hon? Sure ka bang kaya mo pumunta ng mall? Hintayin mo na lang kaya ako mamaya?" Nagaalalang tono ang bumungad sakin. Napatawa na lang ako. Si Mark talaga.

"Ano ka ba mark? Wala naman akong sakit at di na ko bata. Infact pasakay na ko ng sasakyan ng tumawag ka. Sige na Mark para makauwi na rin ako ng maaga."

"Hayy. Sige basta magingat ka. Iupdate mo ko. At wag kang magdrive ng mabilis ha. Iloveyou hon" pagsuko nya

"Okay hon. I love you too. Kumaen ka na ha lunch na. I'll see you later."

Pagkababa ng tawag ay dumerecho na ko sa mall. Namili ako ng damit ni Mark at konting damit ko. Kinaugalian ko na to na minsan ibili sila ng damit. Nasa Baby section ako ng mall ng may makita akong isang pamilyar na katawan. Nakatalikod ito at makikita mong medyo tumaba at mas halong humaba ang kanyang buhok. Paharap nasa sya sakin ay mabilis akong nagtago isa sa mga shelf ng mall.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko na tumaba nga sya, at umumbok ang tyan nito. Dala dala nito ang basket na puro damit ng baby. Nanlalamig ang kamay ko para akong nauupos na ka dila, hindi ako makagalaw gustuhin ko man. Tumalikod na ito at dumerecho sa cashier.

Nang matauhan ako ay dumerecho na ko para bumili ng damit ni Mikael. Ng matapos ay nagmamadali akong umuwi na dahil malapit na rin magdilim. Baka pauwi na rin si Mark. Hindi ko maitatanggi na malaki na ang pinagbago nya. Natatakot ako, ngayon na lang ulit ako kinabahan ng ganito. Hindi ako papayag na masira ang pamilya na binubuo ko. Para sakin lalo na para sa anak ko. Di ako mapakali lalo na kung di ko malaman kung sino ba talaga ang ama ng pinagbubuntis nya?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kung sino ang ama ng magiging anak ni Dea.

------------------
A/N:
Hi loves! Sorry super late na tong update ko. Busy kase sa school. Nakkataba ng puso na bawat kita ko sa wattpad ay may bumuboto parin. Sana ay suportahan nyo parin ako kahit mabagal ang update ko.

Please do comment and vote this story. Thank you so much Guys!
Icomment nyo po sana ang tingin nyo sa story ko. Masama man yan or hindi. Para alam ko kung may babaguhin ba.

Again, Thank you so much! 💞

--
xoxx.

My Bestfriend is my Husband's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon